Umagang kay ganda para sa lahat. Masasabing, ang pamilya ni Lola ay nakumpleto na kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nadarama. Napawi na ang pangungulila ni Mervin sa kanyang asawa. At si Regina nama'y nakabalik na sa kanyang totoong tahanan.
Nakapaghain na ng umagahan si Mervin. Maaga siyang nagising kahit parang wala rin naman siyang tulog kagabi. Marahil ay sinisigurado niyang totoo ang mga nangyayare, na katabi niya ang asawa sa pagtulog at ang mga katagang nagpapagulo sa isip niya--ang hindi na nito pag-alis.
"Wow. Dahil wala ako, ikaw na ang gumagawa ng mga dapat ako ang gumagawa. Sorry mahal ha? Yaan mu ako na lahat gagawa niyan magmula ngayun."
Napahinto siya sa pagsasalin ng ulam sa plato ng may nagsalita sa likod niya. Hinarap niya ito at napangiti dahil hindi niya akalaing ang paghiling niya na sana ay andito na ang asawa ay talaga namang natupad na.
"Sus wala to kumpara sa paghihirap mu sa ibang bansa mahal kaya ayus lang."sabi niya at niyakap muli ng mahigpit ang asawa.
"O siya. Tawagin ko lang si mama at ang mga bata para makakain na." Inaalis ni Regina ang pagkakayakap ng asawa dahil gigisingin na niya ang iba. Kaso ayaw bumitaw ng asawa. Natawa na lang siya dahil parang ayaw na siyang pakawalan pa.
"Uy! Haha magtigil ka nga." Pinalo niya nga sa likod. Ayun bumitaw naman agad.
"Niyayakap ka pa eh! Osige na nga baka anu pa magawa ko sayu. *wink*" tinaasan nalang niya ito ng kilay at umakyat na. Napapailing nalang siya sa kakulitan ng asawa. Namiss niya ito ng sobra sobra.
Inuna niyang puntahan ang dati niyang kwarto kung saan pansamantalang naging kwarto ni Ishie. Nang nakaakyat ay nagtaka siya kung bakit bukas ang pinto ng bata...
Naisip niya baka gising na ito.
Pumasok na siya at nakitang tulog pa ang bata..
"Huh? Naku...mukhang andito parin siya."
***
Natawag na niya ang lahat at kumakain na sila ngayon.
"Kamusta na pala pakiramdam mo Ishie?" Tanong ng lola sa batang babae.
Ngumiti lang siya. Medyo mahahalata mu pa ang pagkamutla ng bata.
"Chinek ko po siya kanina ma, may sinat pa eh." Salita naman ni Reg.
"Ganun ba? Magpahinga ka nalang muna sa kwarto mu ha. At uminom kapa ng gamot pagkakain para mawala na talaga yan."
Napakunot ang mga noo ng mga pinsan niya at nagtaka ang mga nakatatanda dahil masyado itong tahimik at malalim ang iniisp.
Pare-parehas naman sila ng naisip na baka dahil masama lamng ang pakiramdam nito. Hindi lang sila sanay na ganito ang bata.
Pagkatapos nilang kumain ay kanya-kanyang labas ang tatlong bata habang si Ishie ay dumeretso sa kwarto hatid ng kanyang tita.
***
Sabay-sabay napabuntung hininga ang tatlong bata pagkaupo sa upuang bato malapit sa hardin.
"Mga dude, palagay niyo bakit ganun si Ishie girl?" Basag ni Doms sa katahimikan at nang mailabas narin ang kumukulit sa utak niyang katanungan.
"Diko alam e. Siguro dahil nga lang sa may sakit siya." Sagot naman sa kanya ng kanyang kapatid nasi Aj.
"Ikaw pareng Prince, anu sa palagay mo?" Baling naman ni Doms sa tahimik na si Prince.
"Nagkakaganyan lang si Ishie kapag tungkol sa momsie niya. Oo nga pala, kapag may sakit siya gusto niyang nasa tabi niya ang mama niya."
"Anu kaya kung tawagan natin si tita? Tara." Aya ni Aj sa dalawa.
Pero bago sila umalis..
Nakaramdam sila ng kung anuman na parang dumaan sa harap nila. Bigla silang kinilabutan.
"Ahm. Naramdaman niyo ba yun?" Nanginginig na sabi ni Doms.
"Hala anu yun???" Nanginginig ding sabi ni Aj.
"Baka multo? -___-" medyo mapangasar na sabi naman ni Prince kaya naman..
"Waaaaah! My goodness! Aj hintayin moko!" Sigaw ni Doms dahil naiwan ni Aj sa pagtakbo.
"Bahala ka dyan! Nasa likod mo yung multo! Waah anu bato natatakot ako sa sinasabi ko." Sigaw pabalik ni Aj at niloko pa si Doms pero natakot din sa panloloko niya dahil naimagine niya kasi haha.
"Psh. Mga duwag talaga. Ako na nga lang tatawag kay tita." Cool lang na pumasok si Prince sa loob para makausap ang momsie ni Ishie.
***
Ishie's POV
hinatid ako ni tita dito sa kwarto. Kanina pa ako nalulungkot gusto ko ng umiyak. Gusto kong makita si mama..
Kaya nung nagpaalam si titang may kukunin lang diko na napigilan napaiyak nako.
"Waaaah! Mama! Mama! Gusto ko si mama! Momsie! Waaah!" Iyak lang ako ng iyak dito sa kama habang takip takip ang mata. Namimiss kona si mama gusto si mama...T_T
"Psst..wag kana iyak.."
***
Regina's POV
Pabalik nako sa kwarto ni Ishie nang marinig kong ngumawa ang bata. Nakuu hinahanap ang Ina. Sabagay siguro nasanay siyang mama niya ang nagaalaga sakanya kapag may sakit siya. Parang ang sarap sa pakiramdam nang hinahanap-hanap ka ng anak mo. Ay nu bayang iniisip ko.
Malapit nako sa kwarto niya ng tumigil siya sa pagiyak at parang may kausap. Huh? Binilisan ko at nakinig sa may pintuan. Hindi na siya nagsasalita. Sino yung kausap niya kanina?
Pumasok nako at natutulog na siya. Tumingin ako sa buong kawarto.
"Hindi kaya...siya?"
***
Sino kaya tinutukoy ni Tita Reg? Sino yung kausap ni Ishie? Anu kaya yung naramdaman nung tatlo?
...