[Bagong Baryo: "Makikiraan po."]

1.2K 24 0
                                    


Chapter 1
[Bagong Baryo: "Makikiraan po."]

LOLA EMER'S POV

Nagising ako sa nararamdaman kong likot dito sa hinihigaan ko. Anu ba yon? Hindi ba nila alam na kailangan ng masarap na tulog ng matatandang gaya ko? Minulat ko nalang ang mata at tumambad sa pagmumukha ko ang cute na apo ko. Wow! Mabuti naman at naisipan nilang dalawin ang Lola nila.

"Hi Lola! Kamusta tulog niyo? :)" Bungad ng aking magandang apo na si Ishie. Hays tingan mo nga naman kegandang bata na. Ilan taon na kaya ito?

Umupo muna ako. "Ayus naman apo ko. Anu nga pala ginagawa mo sa kwarto ni Lola?"

Bumaba muna siya sa kama ko at umupo sa may sofa. Aba nagcrosslegs pa ang bata. Haha feeling dalaga na ah!

"Hmm hinihintay ko lang na magising ka Lola. Hindi mo na kasi kami naabutan at nasalubong kahapon nung dumating kami. Nadatnan nalang po namin kayong tulog na. :3"

"Ay pasensya na Apo at matanda na ang Lola mo. Kasama na sa katandaan ang pagiging close sa higaan eh."

Napahagikgik naman siya sa sinabi ko pero bigla ring nalungkot at nag-alala. Lumapit siya sa akin at niyakap. Aysus ang batang ito talaga.

"Lola totoo po bang humihina na kayo?"

Hinimas ko nalang ang kanyang buhok at niyakap narin. Hindi naman maiiwasang tumanda at manghina, lahat nama'y mararanasan ito.

"Apo 'wag mo ng intidihin ang Lola. Malakas pa sa kalabaw ito kaya keri pa ha?" Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at napabuntong hininga. Daig pa ako ng batang ito wah! Parang ang daming problema sa lalim ng pagbuntong hininga niya.

Nabigla nalang ako ng bigla siyang tumingin sakin na nagpapacute. Hmm. Mukhang alam kona 'to wah. Haha ang batang ito talaga.

"Lola......."

"Oo na. Oo na haha.. ikaw talagang bata ka! Ay nasan ba ang mga pinsan mo?"

Nagpapacute kasi ang batang 'to kapag gustong magpakwento. Nakasanayan nadin kasi ng mga apo ko na kapag nandito sila'y nalilibangan ang aking mga kwento.

"Nandun po sa labas. Naglalaro po yata sa hardin niyo Lola."

"Ah osiya tara na."

***

ISHIE's POV

Inalalayan ko si Lola papunta sa mga pinsan ko sa labas. Nakakatampo kaya sila! Puro mga panlalaki ang nilalaro kaya napagpasyahan ko nalang na puntahan si Lola at bantayan. Wala kasi akong magawa eh kaya magpapakwento nalang ako kay Lola. Kyaaah excited na ako. Hmmp! Sasabihin ko kay Lola na wag isali yung mga boys. Bahala sila! >:-)

Nakita namin silang naghahabulan at tuwang-tuwa. Dapat pala sumali na ako :3. Eh kasi naman nakakapagod yung larong ganyan noh! Peeo matry nga minsan haha.

"Mga apo! Hindi niyo naba ako papansinin?" Sabi ni Lola. Haha enjoy lasi sila kaya ayan hindi na napansin ang pagdating namin.

Nagtakbuhan naman sila kay lola at niyakap ito. Natulak pa nga ako eh! Ang mga toh! Kung di ko lang mga pinsan baka napunta na sila sa Mars sa flying kick ko eh!

"lola! Namiss po namin kayo. Kamusta napo ba kayo?"-Prince

"Oo nga ho Lola kamusta na kayo? Nung huli po nating kita ang bata niyo pa, ngayon mas bumata pa kayo!"-Dominic

Tss! :D

"Ahaha para ho kayong 16 years old lang Lola! Ano ho ba ang sikreto niyo?"-Aj

At sinakyan pa ni Aj! Magkapatid talga. Oo magkapatid ang dalawang nyan kaya magkasama sa kalokohan.

"Ay ganon? Ewan ko ba mga apo ko kung bakit di tumatanda ang Lola niyo!" :D Si Lola talaga nagpadala naman sa kalokohan ng mga apo niya.

"Hep hep! Akin na si Lola! Magpapakwento pako eh." Tinaboy ko sila at hinila si Lola sa tumba-tumba niya. Syempre malumanay naman ang paghatak ko kay Lola ko noh! Baka mapano siya eh.

"Haha paano naman yung mga pinsan mo?"

"Bahala po sila dun! Tutal naglalaro naman sila dun. Go na lola kwentuhan niyo na ako."

Mukhang narinig nung mga asungot kong mga pinsan yung sinabi ko at nakiupo nrin sa harapan ni lola habang nasa tumba-tumba siya. Hmmp!

"Ge La kwento kana!"-Dominic

Tss!

"Haha osiya siya sige."

"Makinig kayong mabuti sa ikukwento ko ha? Simulan natin sa bayan ng Bagong Baryo..."

***

[Bagong Baryo: "Makikiraan po"]

Sa bayan ng Bagong Baryo, nakatira ang babaeng nagngangalang Linda, apatnapu't limang taong gulang.

Ang kanilang bahay ay nasa itaas at ang baba'y nadadaanan ng mga tao.

Palagi siyang nasa bintana kung saan kita ang entrada ng daan sa baba. Mahilig siyang dito magpili ng bigas.

"Linda, aalis lang ako. Dun lang ako kila Josehine" wika ng kanyang Ina na tangi niyang kasama sa bahay na iyon.

"Ah sige ho Inay." Sagot naman ni Linda.

Pagkaalis ng kanyang Ina ay napagdesisyunan nalang niyang magpili ng bigas. Kumuha siya ng bilao at isang takal ng bigas at pumwesto na sa tabing bintana.

Tumagal siya roon at maghahapon na.

6:00 ng hapon..

Habang nagpipili ng bigas ay nakaramdam siya ng malamig na hangin. Napatingin siya sa bintana at parang inuudyok siyang tumingin sa ibaba.

Tumayo siya sa. Kanyang kinauupuan at tumingin sa entrada sa ibaba.

Nakakita siya ng babaeng nakayuko at papalapit sa entrada. Nagtaka siya kung bakit sobra ang pagkakayuko nito. Napaisip din siya kung kakilala ba niya ito. Tinitigan niya ulit itong mabuti. Nakaputi ito, mahaba at maitim ang buhok.

S paglapit nito sa entrada nagsalita ito..

"Makikiraan po."

Nanlamig si Linda. Nanlambot ang tuhod kaya napaupo sa sahig.

Hinihingal siya. Hindi makapaniwala sa nakita. Sa pagdaan sa entrada ng babaeng nakiraan ay kitang-kita niya ang mga paa nitong nakalutang....

[Makikiraan po...]

- - -***- - -

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon