Third person's POVDahil sa katarantahang ipinapakita ng ina ng bata ay pati narin ang driver ng sinasakyan nila ay natataranta na rin.
"Ma'am, sa hospital po ba?" Tanong ng driver at nag-aalalang tinitingnan sa loob ang mag-iina.
Dumoble ang kaba ni Rosa dahil mas lalong tumitindi ang init ng kanyang anak. May kutob na siya sa nangyayare at lubos nyang pinagsisihan kung bakit pa niya sinama ang mga bata lalo na si Linda.
Kalong niya ang bata habang ang dalawa pa nyang anak ay nasa maliit na upuan ng trycyle ang isa na may katabi niya.
Tagaktak ang pawis at tila masisiraan na siya ng bait. Hindi na nya alam pa talaga ang gagawin.
"Ma'am? Hospital po ba?" Ulit ng driver ng di siya sinagot ni Rosa. Malapit na sila sa isang hospital at kinukumpirma pa niya kung doon ba tutungo ngunit hinawakan siya ni Rosa sa braso kaya napatingin siya rito.
"'Wag! Sa amin..ahm..dyan! Yan lumiko ka dyan." Kahit nabigla ang driver sa pinakita ng ale ay lumiko nalang ito sa tinuro nitong daan. At nang makarating sila sa isang maliit at tabi ng damuhang bahay ay pinahinto na siya at binayaran agad.
Balak pa sana nyang tulungan si Rosa sa pagbuhat ng bata pero mabilis pa sa alas-kwatrong bumaba ang mga ito at pumasok sa loob. Wala nalang siyang nagawa kungdi alang umalis.
Samantalang pagkalapag pa lamang ni Rosa kay Linda sa papag nila ay humupa na bigla ang init nito at bumalik na sa dating kulay ang balat.
Napaluwag ang hinga ni Rosa at niyakap ang anak.
"Anak! Anu ba nangyare sayo ha?"tanong niya at hinawakan ang mukha nito."Mama...tubig." tanging nasambit lamang nito. Agad namang siyang tumalima at kumuha ng tubig.
Mga ilang oras ang lumipas ay nakatulog na si Linda. Siya nama'y pinapsok narin ang dalawa pang anak sa katabing kwarto ng kanilang barong-barong. Kait maliit lamang ang tahanan nilang ito'y sinikap ng asawa nyang yumao na pagkasyahin sila at gawing kumportable ang bahay nilang iyon. Sa isiping ito'y bigla siyang napaluha.
"Fred..nasan ka man sana masaya ka." Untag niya sa ilalim ng madilim na kusina na tanging gasera lang ang ilaw.
"Jusko. Dapat pala'y di ko na sinama si Linda roon. Mahina nga pala ang resistensya niya. Madali siyang mapagod." Napahawak siya sa noo niya at tila pagod na pagod. Naiisip niya kung paano nila haharapin ang buhay kinabukasan kung wala na ang padre ng pamilya.
"Oh Dyos ko. Kayo na ho ang bahala sa amin." Huling sabi niya bago nakatulog.
Sa kwarto kung saan naroroon si Linda.
Naalimpungatan ang bata kaya ito'y nagising. Pagmulat ng mata'y sa malamig at marurupok na kahoy na umaagapay sa pawid na ginawang bubong siya napatingin.
Biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Nahihirapan siyang huminga. At bigla ring lumamig ng sobra sa loob ng kanyang munting silid.
Napatayo at pilit sumasagap ng hangin. Sa kabila ng mabibigat na paghinga ay nagulat siya sa kanyang nakita...
Pinalilibutan siya ng mga taong di niya kilala..pero may isa siyang napansin sa gitna ng mga ito..
Ang kanyang Ama...***
Lola's POV
"The end mga bata." Hay grabe, antok nako. Ang mga batang ito ay este mga damulag pala. Hays kahit nangangalumata na inulan parin ako ng tanong.
"Ma! Sino yung mga kasama nung tatay ni Linda?"-Shaun
"Saka bakit ba nagkaganun si Linda?"-Nelson
"Saka bakit lahat nung mga kandila na kahilera nung nitso nung tatay eh walang sindi?"Mervs.
Arujusko mahabaging langit! Wala nakong lakas pa para sagutin ang mga tanong ng mga ito.
"Bukas nalang..ay este mamaya pagkagising niyo saka ko sasagutin nyang walang humpay nyong mga katanungan at 2:00 na ng madaling araw. Sa ngayon, itulog niyo nalang muna yan at ako'y pagod na." Wika ko sabay tayo. Aruy ang sakit ng balakang ko. Tsk.
Tinawag ko ang isa sa mga anak kong si Regina na malapit sakin. Nagpatulong akong pumunta sa kwarto ko't masakit ang balakang ko.
"Pero ma! Di ako makakatulog nyan eh." Dabog pa ng bunso kong si Shaun. Susmaryosep na bata ire! Ke tanda na gumaganoon pa. Tsk. Bahala ka dyan.
Third Person's POV
Nagdadabog na parang bata si Shaun kaya nakatikim siya ng batok sa dalawa niyang kapatid na sina Carol at Beth.
"Aray ha!" Reklamo niya pero di siya pinansin ng dalawa. Umalis narin ito at umakyat kasama ng mga asawa.
Pumadyak siya at bubulong-bulong na umayat na rin.
"Porket may mga asawa kayo! Buset."***