Hinihingal na ako kakatakbo. Grabe hindi ako makawala dito kay Kuya Doms. Balak ko kasing ipaalam kila Kuya Prince ang nangyare. Pffft tiyak kasing matutuwa rin sila. Eh kaso mukhang alam ni Kuya Doms ang binabalak ko kaya hinaharangan niya ang pinto papasok ng bahay. Kanina pa kami parang nagpapatintero dito! :3
"Kuya! Umalis kana diyan!"
"A-yo-ko, alam ko binabalak mo Ishie!"
"Hmm hindi na. Hindi ko na sasabihin! Basta paraanin mo na ako. Nawiwiwi na ako we :3"
Hihi syempre joke lang yun. kunware nawiwiwi na ako para papasukin ako ni kuya. Alam naman ng mga pinsan ko na kagagaling ko lang sa pagkakasakit sa bato kaya sinabe ni momsie na bawal akong magpigil ng ihi. Hihi tiyak papapasukin ako ni kuya neto!
"Weh? Baka niloloko mo ako Ishie waa!"
Umarte akong ihing-ihi na talaga. Patalon-talon ako at humahawak sa puson. Kunwari namimilipit. Hihi.
Parang nagaalinlangan pa siya kung aalis sa pintuan. Nang paalis na siya tinulak ko siya at patakbong pumasok sa loob. Para akong runner sa tulin. Eh hinahabol nanaman ako ni kuya! Waaah! Umakyat ako sa hagdan at pumasok sa kwarto nila. Agad ko ring isinarado pagkapasok ko sa loob. Haha xD nagwagi akow! Yay!
"Oh? Bakit mukhng hinahabol ka ni utol Tan?" Tanong sakin ni Kuya Aj pagkaupo ko sa kama nila. Pwew~
Nasa baba sila. Mukhng may kung anung aekekang ginagawa. Tss bakit ba sila ang daming pinagkakaabalaha? Dinaig pa nila ako.
"Eh may sasabihin kasi ako sa inyo we! Dali lika kayo mg kuya, tiyak matatawa kayo sa ikukwento ko."
Di pa man din ako nagkukwento natatawa na ako. Grabe talaga! Lumapit naman sila at tinabihan ako sa kama. Nasa magkabilang gilid ko sila. Hihi.
"Oh ano yun?"-Kuya P.
"Tungkol saan ba yan?"-Kuya Aj
"Tungkol to kay Kuya Doms! Hahaha...."
At ikunwento ko na nga sa kanila ang nangyare. Kaso ganto lang mukha nila =_____= sabay sabing 'yun lang pala.' :3 bakit hindi sila natatawa? Nakakatawa naman diba?
Nagcross arms ako sa kanila. Akala ko pa naman matutuwa sila! Pero parang wala lang sa kanila. Hmmp!
Bumalik sila sa kanilang ginagawa. Si Kuya Doms naman sa labas kinakalampag ang pinto at papasukin daw siya. Haha ako na nga lang ang tatawa!
"HAHAHAHA XD kakatuwa talaga ang nangyaree hahahahahaha"
Natigil ako sa kakatawa ng samaan ako ng tingin nung dalawa. Ano bang problema ng mga to?! Hindi na nga nila tinawanan ang kwento ko tapos sasamaan pa nila ako ng tingin?
"Buksan mo na nga yung pinto." Utos ni Kuya Prince.
Nakanguso akong sinunod siya. Ang lapit lapit niya sa may pintuan tapos akong nasa kama nila ang uutusan? Grava talaga.
Pagkabukas ko ang hindi maipintang mukha ni Kiya Doms ang nakita ko. Pffft wag kang tatawa Ishie!
Nilagpasan niya lang ako. Haha xD makapunta na nga lang kay Lola. Iniwan kona sila dun at bumaba.
Nakita ko si Lola na nakaupo sa sofa. Naghihikap pa siya, siguro kagigising lang. Ang haba ng tulog ni Lola wa. Hapon na siya nagising.
'Hi Lola!" Tawag ko sa kanya. Napatigin naman siya at ningitian ako. Pinaupo pa niya ako sa tabi niya sa sofa.
"Oh apo. Kamusta ang maghapon? Tanong niya habang inaayos ang buhok kong nakadikit sa noo ko dahil sa pawis. "Grabe naman ang pawis mo, anu ba ginawa mo?"
