Ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin dito sa garden. Panira lang yung kirot ng sugat ko sa magkabilang tuhod ;3
Ang aga kong nagising. *yawn* Mga tulog pa sila kuya at Lola. Kami pa lang ni Tito na nagluluto ng agahan ang gising. Hm siguro mga around 6 palang.
Ewan ko ba kung bakit ang aga ko, samantalang hindi naman ako maaga nakatulog kagabi eh. Naisipan ko nalang na pumunta dito sa hardin ni Lola pagkamulat ko. Hindi siguro ako tatangkad neto :3, di tulad nila kuya sagana sa tulog kaya mga dambuhala. Hihi.
Dinama ko nalang at pumikit sa humahaplos na hangin sa aking mukha. Waaaaah sana ganto rin samin! Kasinghot-singhot ang hangin, eh dun sa amin kabahing-bahing dahil sa alikabok na humahalo sa hangin. Tsk.
Sa paglibot-libot ng aking mata, huh? ngayon ko lang napansin na may bahay pala sa tapat namin. Bakit ngayon ko lang to nakita? Lumapit ako sa bakod kung saan tanaw ang harapan ng bahay. Malaki siya wah pero luuuhh katacute (/_\) muka kasing hunted house ih. Napatingin ako sa bintana....waaah i feel someone staring at me! huhu ayaw ko na makaalis na nga! keaga-aga Ishie! Patirik na ang araw tinatakot mo ang sarili mo!
Bago pa ko makaalis ay napansin kong may nakasabit pa na karatula sa gate nung bahay. Kapansin-pansin din ang kalumaan nito. Ang nakalagay WANTED: Kasambahay and other chuchu. Matagal naba silang naghahanap ng kasambahay? Kasi halos hindi na nga mabasa yung nasa karatula. Eh sino ba naman kasi ang gustong makapasok dyan?? Parang maraming tao este ghost sa loob weh ihhh...Aalis na nga pala ako.
Papunta na ako sa inupuan ko sa garden ng tawagin na ako ni Tito. Kakain na daw at gising na daw sila kuya at Lola. So pumasok na ako.
***
"La, may hunted house po pala sa tapat natin?" tanong ko kay Lola habang kumakain kami. Hindi maalis sa isip ko yung bahay. May iba kasi akong pakiramdam. Ewan ko ba.
"Ah, hunted house talaga apo? Ganun lang talaga yun dahil wala ng tumira simula nung....." ay pabitin si Lola :3
"Simula nung ano Lola?"-Kuya Aj
Lahat na tuloy nakatingin kay Lola except lang kay Tito. Syempre baka alam na niya. Pero bakit parang malungkot siya? Hmm...
"Haha mamaya nalang mga apo, sige magsikain na kayo." Andaya! Pero Owkey chump chump chump! Pansin ko lang iba ang luto ni Tito sa usual na luto niya. May kakaiba talaga, parang may dinaramdam ang nagluto. Tsk anu bayan lahat nalang napapansin ko xD
***
"*buurrrp* excuse me po!" Haha nadighay kasi ako eh. Tas ginaya ko si Sir Mike sa pagexcuse :D
Hindi naman nila ako pinansin. Hmmp sa bagay natural lang yun sa nabusog pagkatapos kumain. Nandito nga pala kami sa sala nanonood ng Spongebob. ^^ hihi mahilig ako sa cartoons and anime.
Tutok na tutok ako sa tv nang nagtanong si Kuya Aj na nakapagpatanggal ng atensyon ko sa pinapanuod.
"La, ituloy muna po yung tungkol sa bahay sa tapat natin." tanong niya, pansin ko lang din na naging interesado bigla si kuya dito wah?
Kami lang namang tatlo ang nandito at nanunuod. Si Kuya Prince kasi tumutulong kay Tito sa paghuhugas ng pinagkainan (ke bait na bata :D) at si Kuya Doms naman pfft nasa CR! Nagbabawas xD ang dami kasing nakain eh.
"Ahm wala ng tumira dun simula nung namatay ang magina na nakatira dati doon." Sagot naman ni Lola.
O_O yay!
"Doon po ba sila namatay sa bahay nayun?"-Kuya Aj
Waaah nasa tapat lang namin yung bahay nayun! Kung sakaling dun namatay sila baka makita ko sila dun! baka nagpaparamdam sila! baka nagpapakita sila! Bak--
