[Necklace]

86 4 0
                                    


[Necklace]

Hinihingal pa ko ng sinara ko pinto dito sa kwarto ko. Parang ayoko na tuloy lumapit sa dalawang cute na yun :3 ang weird nila e. Tapos rude din pero kaunti lang dahil nagpakilala naman sila kaso rude pa din, hay nako.

Pumunta ako sa kama at humiga. Ramdam ko na ang pagod. Makatulog nga muna.

**

Tulungan mo ko...

May nakatingin saking batang lalaking pilit akong inaabot..
Napakalayo nya at umiiyak siya..

Gusto kong abutin ang kamay nya pero parang ganun din ako, kahit anung pilit kong abutin ang kamay nya ay diko magawa..

Para kaming nasa magkabilang dulo ng kalsada at puro mga luma ang bahay ang nakikita ko..binabalot din ng dilim ang buong lugar..

Tumingin ako ng maigi dun sa bata pero malabo ang mukha nya..pero malinaw ang katawan nya para makita ko ang damit nyang puti at brown na short...meron ding kumikinang sa may dibdib nya..

Tulungan mo ko m-

**

"Gising na baby!"

Bigla naman akong napaupo ng marinig ko si momsie. Panaginip lang pala. Pero nakakakilabot naman yung lugar na yon! Ngayon lang yata ako nakapanaginip ng ganon..

"Bangon na, kakain na tayo ng hapunan."

Yun na lang narinig ko. Siguro bumaba na si momsie. Hihi ang sarap talaga ng nandito si mama.

Dahil masaya ako ay palundag-lundag pa ako habang hinabagtas tong hallway at may pakanta-kanta pa.

"La la la la ~♪"

Malalampasan ko na ang pinto kung saan sila kuya ng bigla yung bumukas at bigla na lang akong tumilapon sa pader! Aray! Super sakit ng balakang ko!

**

Third person's POV

Nakarinig kalabog ang mag-anak sa hapagkainan sa itaas kung saan si Ishie na lamang ang naroon dahil kumpleto na silang nasa harap ng pagkain at siya nalang ang kulang.

Napatayo ang ina ng bata at pinuntahan siya roon sa itaas ngunit nagulat ang ginang nang nakitang nakahiga pasandal sa pader ang anak at nasa harap sa kwartong bukas kung saan kwarto ng magpipinsan.

Agad na dinaluhan niya ang anak.

"Anong nangyare?!" Alalang-alala ang ginang sapagkat halata ang sakit sa mukha ng bata.

"M-momsie, ang s-sakit ng balakang ko..." Daing ng bata. Binuhat nya si Ishie at nandun na sa likod nya ang mga sumunod na mga bata.

"'Ta, anyare sa kanya?" Tanong ni Prince. Ang dalawa nama'y bumaba para sabihin sa iba ang nangyare.

"Hindi ko din alam, Prince. Nabutan ko nalang siyang nakahandusay at nasa tapar ng kwarto nyo."

Napatingin naman ang batang lalaki sa kwarto nila at nakabukas ito. Nagtaka siya dahil siya ang huling bumaba sa kanilang tatlo at siya ang nagsara ng pinto.

Sumunod na lang siya sa ginang na pumasok sa kwarto ni Ishie at dun nilapag. Iniinda parin nito ang balakang at pati likod.

"Ano ba nangyare, baby?"

Pinahiran na ng oitment ang likod ng bata na binigay ni beth. Kaya medyo tumahan na ito.

"B-bigla na lang po kasing nagbukas yung pinto nila kuya tapos parang may tumulak sakin kaya tumama ako sa pader."

Nagkatinginan ang lahat ng nasa loob ng kwarto at pakiwari'y may nangyaring ikinaba ng lahat.

Umalis naman kaagad roon si Regina ng marinig ang sinabe ni Ishie at pumunta sa kwarto ng Ina...

Parang may kutob siya sa nangyare..

**

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon