Ishie's POVNagising ako na may muta. Haha. Siguro kakaiyak ko kagabi. Teka? Paano nga ba ulit ako nakatulog? Wala akong maalala -____-.
"Ishie! Kakain na." Sigaw ni Tita Reg.
Kumakalam na sikmura ko. Makakain na nga!
Pagkababa ko nakatingin silang lahat sakin. Bakit? Nakapaghilamos naman na ako ah! Nakapagtoothbrush nadin bago bumababa.
Dumeretso ako sa tabi ni kuya Prince na ngayon ay nakatingin padin.
"Bakit kuya?" Ayan diko na maiwasang magtanong. Para kasing kakaiba ang tingin nila e.
"Ah wala naman." Nagiwas na siya ng tingin at kinuha ako ng ulam at kanin. Bait talaga! ^^ feeling ko reyna ako woh haha.
"Ayan ngumiti kana din. Akala ko habangbuhay nang nakabusangot ang mukha ng prinsesa namin e." Napatingin naman ako kay kuya Doms na katapat ko lang sa mahabang mesang ito. Napansin ko ring nakangiti silang lahat sakin. Haha! Ang senti ko kasi nitong nakaraang araw e. Oh stop thingking na kain na muna. Chomp chomp! Parang ngayon lang ako nagkagana. Ang gaan na kasi ng pakiramdam ko.
"Hi Lola!" Bati ko. Parang namiss ko si Lola wah. Hindi kasi ako nakababa kahapon dahil nasa kwarto lang ako.
"Haha hi apo! Ayos kana ba? Ang hyper mo na e." Sabi naman niya. Yeah magaling nako kaya eto na si Ishie nyo!
"Oo naman po Lola! Magaling nako e." Ngiting-ngiti ako. Siguro abot hanggang tenga! Buahaha.
"Nga pala Ishie. Alis tayo maya. Pupunta tayong bayan." Sabi ni Tito Mervs. Ha? Yes! Makikita ko nadin ang bayan. Tsaka makakagala nadin. Pero bakit? Anu gagawin?
"Eh anu po ba meron Tito?" Tanong ko while subo. Ang charap nya talagang magluto. Di na sya tulad ng dating parang may kulang, ngayon kompleto na dahil nasa tabi na nya si Tita Reg. Yiie!
"Basta." Ay anu ba yan. Pero oks lang yan makakagala naman :D
"Nga pala sino ba ung kausap mo kahapon Ishie sa kwarto mo?" Huh? Ako? Eh wala nga akung matandaan e.
"Anu po yun Tita? Wala po akong matandaan e."
"Ah wala. Sige kain lang ng kain."
***
Pagkatapos ng aming masayang kainan, inaya ko ang mga pinsan ko dito sa hardin ni Lola!!! Namiss ko 'to!
"Hmmm..sarap ng hangin!" Sabi ko habang ninanamnam ang fresh air. Ang laki na nga yata ng ilong ko kakasinghot.
"Ano lasa? Pfft." Ha-ha nakakatawa talaga tong si kuya Doms kahit kailan. Hmmp!
"Tama na ang singhot. Maawa ka samin kung uubusin mo ang hangin." Isa pa tong si Kuya Aj. Pero namiss ko sila! Ni hindi manlang ako dinadalaw sa kwarto. Di nila ako love!
Niyakap ko sila bigla dahil namiss ko sila tapos humiwalay din ako agad at nagcross arms kasi nagtatampo ako.
"Nangyayakap ka bigla tapos sisimangot ka nalang din bigla?"
"E kasi naman.. di niyo ko dinalaw sa kwarto ko! Namiss ko kayo e tapos ako hindi nyo namiss." Tumalikod ako sa kanila. Para ramdam talaga nila ang tampo ko.
"Asus! Halos magkakatabi lang ang kwarto natin. Dimo lang alam sinisilip ka namin noh! Kaso lagi ka namang tulog. Daig mo pa nasa hospital at may malalang kalagayan dahil di ka namin maistorbo-- awwts!" Ang haba ng litanya niya sa huli binatukan siya ni kuya Prince. Haha!
"Bakit mo naman ako binatukan? Huhu."-Doms.
"Haha! Nagpapatangkad kasi ako kaya tulog ako ng tulog eh. Nang mapantayan ko manlang kayo, ang tatangkad nyo eh :3" sabi ko nalang kahit diko rin alam kung bakit nakakatulog ako. Pero parang nakatulong yun para gumaan ang pakiramdam ko e.
Si kuya Aj sinusukat ang height ko. Si kuya Doms ang kulit-____- tinatanong padin si Kuya Prince kong bakit siya binatukan. Eh ang sinasagot lang ni Kuya "Trip ko lang *with matching poker face*" nakakahawa nga siya e. Pati ako nakakapagpokerface na haha!
Napahinto kami ng may malaking truck ang humito sa may tapat. Tanaw kasi dito yung hunted house. Kaya nga di ako tumitingin dun scary kasi e. Pero parang may titira na? May mga gamit kasing binababa mula dun sa truck eh.
"Oh? May titira na?" Sabi ni kuya Aj.
"Hala diba scary dyan!" Sabi ko naman na nakatingin lang sa truck at sa mga binababang gamit. 'Pag pinapasok na sa loob sa iba nako titingin. Ayokong makita yung bahay lalo na sa may bintana. Dun ko nafeel na may kakaiba nung una kong kita dyan sa hunted house na yan e.
"Mga batuteng! Magsi-ligo na kayo maya-maya aalis na tayo." Sigaw sa loob ni Tito Mervs. Iniwan ako nung mga kuya ko dahil nagpaunahan sila kung sino mauunang maligo. Tss diba dapat ladies first? Huhu. Yung mga yun talaga e.
Bago ako pumasok, may nakita pakong magarang kotse ang huminto sa tapat. Hala baka yung bagong titira?
Nakita kong may maganda at gwapong batang lumabas dun at dali-daling tumakbo papuntang hunted house. Huh! Mukhang excited pa e may mumu dyan e! Bahala sila hmmp!
Pumasok nako sa loob dahil naalala kong may C.r nga pala sa kwarto ni Tita Reg! Yes makakaligo rin ako bahaha mauunahan ko yung tatlo dahil tiyak nagaagawan nayun sa banyo sa may baba. :D swerte ko ^^
***