[Good or bad?]

189 10 0
                                        

ISHIE'S POV

"Psst...wag kana iyak."

huh? Parang may nagsalita yata ah. Waah ako lang naman mag-isa dito eh.

"Sino yan?" Tumingin ako sa buong kwarto...wala naman..waah naiiyak nanaman ako T_T Lonely ako e huhu

"Uy..wag na iyak. Magpapakita aku pero wag kang matatakot ha?"

Nagtalukbong ako agad ng kumot. Diko kinakaya ang naririnig ko! Magisa lang talaga ako eh bakit may nagsasalita?! T_T

Biglang parang lumamig dito sa loob ng kumot at may sumulpot na tao....TAONG TRANSPARENT? TAO? Waaah Mumu!!!!!! Teka dapat sumisigaw nako pero bakit ayaw bumuka ng bibig ko? Waaah kagagawan to nung mumu!!! Pipikit nalang ako pipikit nalang ako!!! Ayoko siya makita!

"Pasensya na. Bibitawan ko na bibig mu pero promise mong dika sisigaw."

Grabe! Kinakausap ako ng multo! Huhuhuhu T_T

"Uyy.." nakuha pa niyang mangalabit ha. Waaaah!

"Sige ka habang buhay mo ng di magagalaw yang bibig mo.."

Waah wag naman. Papayag na nga ako saka muka namang mabait. Dinilat ko ang mata ko paunti-unti..at nakita ko na nga ulit siya pero ngayon napagmamasdan ko na siyang mabuti. Halatang kasing edad ko lang siya
"Wag kang lalapit! Di naman tayo close. "

Napalunok nalang ako. O my G! May kaharap po akong mumu! Huhu.

"Hehe sorry wah kung natakot kita." Ngumiti siya. Waah bakit ganun may kakaiba akong naramdaman? Hala...mumu kasi siya e, baka takot lang.

Ang pogi niy-waah hindi!

"Bakit dika duguan? Bakit ang gwapo- ay este ang ayos mo namang mumu?"

"Haha :D" waah heaven *__* ay che hindi! Tinawanan lang ako?

"Uy..magsalita ka lang..hehe" paanu ako magsasalita e na speechless naku sa kagwapuhan ay este dahil mumu ka! Anu ba nangyayare sa mundo? T_T

"Wag ka na iyak ha?.." may namuo nanamang luha sa mata ko. Naalala ko nanaman kasi si momsie e, bakit kasi wala siya? Huhu. :'(

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at unti-unti nakakaramdam nako ng antok...waah diko na carry..Zzzzz

Third person's POV

Nalungkot ang batang mumu nang makitang iiyak nanaman ang batang si Ishie. Hinawakan nalang niya ito sa pisngi. Pinatulog niya ito upang makapagpahinga nadin at para hindi na niya ito makitang umiyak pa. Bumagsak na ito sa higaan kaya kinumutan nya na lamang.

Napatingin ito sa batang babae..

'Ikaw lang ang nakakakita sakin..'

Pagkabigkas niya ng mga salitang ito'y bigla siyang naglaho dahil bumukas ang pinto..

Ito ang oras nang pumasok sa loob ang Tita ng bata. Nagtaka ito dahil may kausap ang bata at nang kanyang pakinggan ay nawala naman ito kaya pinasok na niya. Naabutan nalang niyang himbing na natutulog ang bata.

Regina's POV

Nakakapagtaka naman, kanina lang nagsasalita siya tapos tulog naman pala? O baka naman guni-guni ko lang yun..hmm.baka nga. Teka hindi ko pa nga pala natatawagan ang momsie nya. Masabihan na nga at para makapunta yun dito. Tagal narin naming hindi nagkikita ng pinsan kong iyon.

Pagkababa ko pumunta agad ako sa may telepono. Nakita ko si Prince.

"Oh? May tinawagan kaba?" Mukhang kababa lang kasi niya ng telepono. Baka naman mom niya or daddy? Makamusta na nga din ang mga yun.

"Ahm tinawagan ko lang po momsie ni Ishie. Mukhang yun po ang dahilan kung bakit ganun siya eh." Tama naman yun. Momsie nga nya ang dahilan kung bakit nagkakaganun ang bata. Ang galing naman niya. Kabisado na niya ang pinsan niya.

"Ah tatawagan ko na nga sana dapat. Pero nakausap muna pala. Eh anu daw sabi?"

"Hindi ko po siya nakausap e. Yung yaya lang po ni Ishie ang sumagot dahil nasa trabaho pa daw po si tita. Pero pinasabi ko nalang po." Ang busy parin pala niya. Tsk hindi man lang niya namamalayang may sakit na ang anak niya. Mapagsabihan nga pag nagkita kami nun.

"Ah osiya salamat hijo sa pagtawag sa tita mo para kay Ishie. Sayang lang dahil busy pala siya tsk. O nga pala asan yung dalawa?"

"Wala naman po nagtatakbo lang papunta sa kwarto. -_____-"


"Eh bakit ba nagtatakbo?" Loko talaga yung mga batang yun.

"*shrug* natakot po e."

"Bakit naman? Anu kinatakot?"

"Haha wala po. Sige po akyat nako." Umakyat na siya. Hindi sinabi kong anu ung ikinatakot nung dalawa. Ang duduwag talaga nun. Haha. Teka asan na asawa ko mapuntahan nga. Namimiss ko na e. Mamaya nalang matawagan ang mga pinsan ko.

***

Someone's POV

Ang hirap mag-isa. Buti pa yung mga batang nasa tapat ang sasaya. Samantalang ako...habang buhay na atang hindi makakaalis dito.

"Mama? Asan ka ba? Ang tagal mo naman..."nasa sulok lang ako at umiiyak. Bakit nag-iisa lang ako? Wala manlang akong makausap dito. Pakiramdam ko ang tagal ko na dito. Kailan ba ko makakaalis?

***

Prince's POV

Ang tagal kong nakatayo dun. Ang haba naman kasi ng bilin ni Ate Delya (yaya ni Ishie) para sa alaga niya. Ganun din kaya si Tita kung siya ang nakausap ko? Haay naawa ako kay Ishie girl. Puro nalang si Ate Delya ang nakakasama imbis na ang Momsie nya.

Binuksan ko ang pinto. Hmm natutulog pala siya. Sinarado ko na ang pinto at dumeretso sa kwarto namin nung tatlo. Tss ang mga duwag.

"Hey dude!" Bati agad ni Doms nang makapasok ako. Mukhang nakarecover na sila. -___-

"Ano natawagan mo ba si Tita?"tanong naman ni Aj na naglalaro sa cellphone.

"Oo." Yun lang ang nasagot ko at humiga na sa kama. Anu ba pwede kong gawin? Nalulungkot ang prinsesa namin.

"Dude, anu probs?"-Doms

"Si Ishie.." banggit ko.

"Anu ba sabi ni Tita? Nakausap mo ba? Naku mukhang hindi dahil busy sya for sure." Yah. Kelan kaya siya magkakaoras.

"Anu kaya kung papuntahin natin sila mommy dito? Parang reunion. Kasi naman ang abala nila masyado diba? Why don't we have some fun sometimes?" Suggest ni Aj. Hmm oo nga. Maganda yun.

"Maganda yan. Bukas kausapin natin sila. Pero wag natin sabihin kay Ishie, para surpresa natin para sakanya." Sana magawa namin ang reuniong ito.

***

***

1000+ reads wow! Thanks sa pagbabasa :) eto lang masaya nako. Ganto pala feeling ng author dito sa Wattpad. Walang pagsidlan ng tuwa! :D maraming thank you!!

-RC





Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon