[SHAUN'S GHOST STORY]

171 9 0
                                    


[Hypnotismo]

Nagkayayaan noon ng barkada ang mangtrip sa mga bahay-bahay. Ewan ko kung bakit ako napasama sa kalokohan nila. Nagulat nalang ako nasa harapan na ako ng isang bahay..

"Pre anu magandang gawin sa bahay na 'yan?" Tanong ni Carlo. Ang pasimuno ng lahat ng 'to.

"Aba malay ko sayo! Nanghatak ka dito tapos wala ka naman palang maisip na gagawin. Tara na nga Shaun, uwi na tayo." Si Ton-ton naman yun.

Nasa likod lang nila akong dalawa. Nagmamasid lang habang silang dalawa ay nag-aaway dun. -__-

Humarap ako dun sa bahay. Luma na 'to. At mukhang walang tao sa loob. Habang tumitingin ako dito ay nagbibigay ito ng kilabot sa buo kong katawan. Parang nababalot ito sa di maipaliwanag na atmospera.

"Tama na yan." Awat ko ng medyo nagpipikunan na. Wala naman kaming mapapala dito kaya hinatak ko sila paalis dun. At ang dalawa walang tigil sa pagtatalo. Ay nako.

Medyo nakakalayo na kami ng humangin. Kakaiba. Diko maipaliwanag. Naramdaman din siguro ng dalawa kaya napahinto din sila. Nagpapakiramdaman lang kami. Binalot kami ng katahimikan. At maya-maya lang..

Nakarinig kami ng naglalakad..
Sa may likod namin..

Napalunok ako.
Tumingin ako dun sa dalawang katabi ko. Nagkatinginan kami at sabay na unti-unting lumingon.

Nanlaki ang mata ko.
Isang babae.

Naglalakad siya ng nakayuko. Di naman siguro siya multo? O ano? Kasi kahit di namin makita ang mukha..ang ganda niya..

Mahaba ang kanyang itim na itim na buhok. Maputi ang kanyang balat. Ang kanyang damit ay parang nagliliwanag.

Diko napansin na napatulala napala ako at nagising lang sa tunog na nanggaling sa binuksan niyang gate..at ito ay sa bahay na tinitingnan namin kanina! Dun siya nakatira?

Nang makapasok siya, nagtaka ako sa inaasta ng dalawa kong kasama. Para silang tuod na naglalakad papunta sa bahay. Hinawakan ko sila sa braso pero ayaw papigil! Wala tuloy akong nagawa kundi sumama sa pagsunod nila sa babae sa loob. Kahit nakakaramdam ako ng di maganda ay sumunod nalang din ako.

Sa loob.. ang pakiramdam ko parang ang dilim kahit magdadapit-hapon palang. Kita pa ang kahel na bumabalot sa langit dahil sa palubog na araw.

Hindi ko mapigilan ang dalawa. Ano ba ang nangyayare? Para silang nawala sa sarili at ang alam nalang ay ang paglalakad papunta sa bahay na iyon. Wala rin silang ibang bukambibig kundi ang salitang 'ang ganda niya..' yan naman din ang nasabi ko kanina pero hindi tulad ng kanila. Paulit-ulit nila itong binabanggit na tila walang kasawaan.

"Tara na Carlo at Ton! Maggagabi na." Hatak parin ako ng hatak para makaalis kami pero wala e. Tuloy parin sila.

Nang nasa tapat na kami ng pintuan. Kusa itong bumukas. Tumalon ang puso ko dahil don! Gusto ko ng umalis dito!

Natatakot akong humawak sa dalawa at hahatakin ko ulit sana pero papasok sila sa loob! Anu na gagawin ko? Natataranta nako!

Mas lalo akong hinantakutan nang yung babae ay nasa harap ng pintuan! Nakatayo siya doon at walang emosyong nakatingin samin o sakin? Nanlaki ang mata ko ng parang unti-unti siyang lumalapit. Yung dalawa ko namang kasama ay malapit nang makapasok!

Buo kong lakas silang hinawakan na dalawa at handa na silang hatakin pero di ko napansin na natuntong ang paa ko saloob ng bahay na ito at! Nasa harapan ko na ang babae!

Alam kong namutla ako sa oras na iyon at walang takas sa mukha nung babaeng parang bilatan at walang katapusan ang agos ng dugo mula dito. Ibig kong masuka pero parang wala ding lalabas dahil sa takot na aking nararamdaman.

Bumaba ang tingin ng kanyang mata at napako sa aking dibdib. Unti-unti akong yumuko para tingnan at ang aking kwintas pala na bigay ni Lola Flora.

Ewan ko pero lumiwanag ang paligid at tumilapon kami papunta sa labas! Buti hawak ko yung dalawa dahil ramdam kong mula sakin ang pwersa papalabas!

Tumayo ako agad at nalapitan ang dalawa na hindi kalayuan sakin ang binagsakan. Napanguwi pa ako sa lakas ng pagkasarado ng pinto kung nasaan kami kanina.

Ginising ko sila at inakay papalabas. Kahit nagtataka sila at nagtatanong kung anu ang nagyare ay diko pinansin. Ang importante ay makalabas kami dito! Ano ba ang napasukan naming ito?!

Nang makalabas kami noon. alalang-alala ang Lola Flora dahil sa nangyare. Tama lang pala na ibinigay niya sakin ang kwintas na may krus dahil kungdi napasok nakami sa loob 'non at dina nakalabas! Ang dalawa ko palang kaibigan ay nahypnotismo nung babae kaya ganun nalang ang hirap ko ng paghahatak sa kanila. At ako daw ay niligtas ng kwintas sa babae.

Sabi pa ni Lola Flora..may sumpa ang bahay na iyon. Walang nagtatangka ang dumaan o pumunta roon dahil nga daw sa babaeng nangunguha ng mga lalaki.

Simula noon di nako tumira kila Lola Flora sa probinsya ng Capiz at pumunta nalang ako ng Maynila. Wala narin akong balita pa sa dalawa kong kaibigan.

***

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon