[Weird things again]

74 2 0
                                    


[Past]

Ishie's POV

A-aray huhu. Kahit masakit pa ang balakang ko pinilit kong umupo ng tuwid. Baka mag-alala pa sila sakin lalo na si momsie. Hay kasi naman kung bakit pa nangyare 'to. Nakakapagtaka nga kung anu ba nangyare sakin? Hay nako talaga. Huhuhu. Maenjoy na nga lang 'tong pagkain. Yum yum yum!

"Baby, ayus kana ba talaga ha? Do you want momsie to carry you?" tanong ni momsie habang paakyat kami ng hagdan. Huhu pwede momsie? Pero wag na. Kayang kaya ko naman eh.

"No momsie. Kaya ko naman po eh. Di na gaanong masakit." siguro dahil narin sa oitment. Buti talaga meron nun kundi baka di ako makalakad. Nagkafracture na nga ata ang balakang ko eh. Huhu

Pagkadating namin sa kwarto at pagkalapat palang ng likod ko sa kama ay feeling ko nasa langit nako. Nakakabawas ng sakit ng katawan ang malambot kong kama. At mukhang tinatangay na agad ako ng antok...

"Haha baby, matulog kana. Sweet dreams my beautiful Ishie. I love you." yan na lang ang narinig ko at tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.

**

"Baby! Gising na."

Tumayo naman na ako agad. At ouch! Medyo makirot padin ang balakang ko pero mas better na ngayon. Huhu. Buti naman noh. Diko na keri ang sakit eh.

Pagtingin ko ng oras 7:00am na. Huhu dati ang gising ko 6am eh.

Pumasok nako sa C.R para maghilamos at magtoothbrush. Then labas ako agad ng kwarto para bumaba. Nakasalubong ko pa nga si momsie at mukhang pupuntahan din ako. Akala siguro di ako makakatayo. Hay.

"Ow baby, ok kana ba ha? Dina ba masakit ang balakang mo?" punong-puno ng pag-alala si momsie kaya ngumiti nalang ako.

"Hehe ok na po ko momsie. Tara na?" pag-aaya ko sa baba. Nagugutom na kasi ako eh.

Nang makaupo ako katabi ni Kuya Prince bigla siyang napatingin sakin at ngumiti.

"Wow mukhang ayus na si Ishie girl namin." Ginulo nya ang buhok ko. Tss kahit kailan talaga eh. Huhu. Inayos ko nalang saka ngumiti na lang din.

Nagsidatingan naman na ang lahat. Halatang nag-aalala din sila kaya ngumiti nanaman ako. Anu ba yan gaganda ako lalo nito kakangiti. Hihi.

"Tara let's eat na." sabi ni Tita Reg at tumingin pa siya sakin. Teka bakit ganon? May kakaiba eh.

Nagsimula na kaming kumain. Para akong di kumain ng isang taon sa dami ng nilagay ko sa plato ko. Hehe kakahiya nga eh kaya binawasan ko pa. Tinawanan pa nga ako ng katabi ko. Hmp.

Pagkatapos ng agahan namin ay nagtungo kami sa sala. Magmovie marathon daw kami sabi ni Tito para naman daw magkabonding kami kasama si Lola. Madalas kasing di nakakasama si Lola dahil sa kalagayan nya. Mas gusto na lang daw nyang magpahinga kaysa lumakwatsa. Lola talaga oh. Ayaw nya nun nagkakabonding nya kami.

"Ano ba panonoorin natin ha?" tanong ni Tito Nel.

"May bago ngayong superman kaya yun na lang."

Mas gusto ko sanang disney movie nalang eh. Hehe kaso mas madami ang boys samin kaya ayun wala ng nagawa. Saka sila momsie at Tita ang pinaglaban romantic movie na lang daw. Hay.

Lumabas ako pagkatapos naming manuod. Nagpunta ako dito sa garden ni Lola. Paborito ko na talaga ang lugar na 'to. Napakapeaceful. Hmmm..

"Pansin ko lang, lagi kang nandito.."

Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Kuya Prince lang pala. Teka, lately di nako medyo kinakausap nung dalawa ah. Puro na lang si Kuya Prince kakasawa na. Haha joke. Loves ko naman siya kaso nakakamiss lang yung dalawa huhu. Bakit kaya?

Saka bakit ang layo naman ni Kuya Prince? Pwede naman nya kong tabihan ah! Baka trip nyang tumayo lang.

Napabuntonghininga naman ako. 'Pag nandito kasi ako feeling ko ang gaan gaan ng pakiramdam ko na para akong nasa langit. Ay OA HAHA

"Hoy."

Sarap gumawa ng garden samin. Papabili ako kay momsie ng madaming halaman. Araw araw ko silang didiligan at syempre doon ako matutulog. Hihi

Hinampas ako bigla ni Kuya Prince. Aray ha!

"Problema mo ba kuya? Aray ha!" bulyaw ko sa kanya. Makahampas wagas.

Inirapan ko siya saka naghalukipkip. Hmp.

Sandaling kuminang ang mga mata ko habang nagiimagine na meron din kaming garden tulad nito sa bahay. Hihi.

Hinampas nanaman niya ko ulit. Aba nakakadalawa na siya ah!

"Pangalawa na yan ah! Grr " hinampas ko din siya kaso hangin lang natamaan ko. Galing umiwas eh. Tsk.

"Haha. Maiwanan na nga kita." tingnan mo yon, trip lang yata talaga akong saktan sa hampas eh. Iiwanan lang pala ako. Hmp.

Pero ayan tahimik na ulit. Hehe maayos din pala magisa na lang ulit ako. Hmmm

"Napapansin ko lagi kang nandito."

Napatingin nanaman ako sa nagsalita. Wow lang si Kuya Doms pala. Pareho pa sila ng sinabe ni Kuya Prince ah.

"Eh ano ngayun?" Inirapan ko din siya at humalukipkip. Mamaya hampasin din ako neto eh.

"Ala lang napansin ko lang. High blood ka kagad dyan! Haha."

Warever. Kahit kailan talaga mapang-asar siya. Pero buti kinausap nadin niya ako. Namiss ko siya.

"Oh anong tingin yan? Miss mo ko?" niyakap ko siya. Ewan ko ba at parang naiiyak pa yata ako. Kasi naman eh di lang ako sanay ng di nila ako pinapansin.

"Oo kuya. Huhu di mo nako kinakausap eh saka ni Kuya Aj. Problema nyo ba?"

"Haha wala naman kaming problema. Oo wala. Wala talaga." parang di naman. Maka wala wagas eh. Pansin ko nga lagi silang nakakulong sa kwarto nila eh. Nuh kaya ginagawa nila dun?

"Wala daw. Maniwala ako sayo!"

"Wala nga! Kulit neto." at nagwalk out na siya. Ganun? Ganon nalang 'yon? Wo-walk out-an ako? Dalawa na sila ah.

Baka sumunod naman si Kuya Aj? Inabangan ko pero mukhang wala naman. Hay. Palagi kong nakikita na namumutla si Kuya Aj. Bakit parang ang daming weird sa kanilang tatlo? Sama na si Kuya Prince dahil weird din siya kung kumilos ngayon. Lagi siyang nakatingin sakin eh. Ewan! Nakakaloka sila.

Prince's POV

Tinitingnan ko mula sa malayo si Ishie. Nakakunot ang noo niya at nakalagay pa ang kamay sa baba. Para bang may iniisip siyang nakakapagtaka. Ano naman kaya 'yon? Di kaya napapansin na nya?

Tumingin ako sa tabi niya..
Diko alam pero tumatayo talaga ang balahibo ko.

May nakikita akong lagi niyang kasama...

**

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon