[REG'S GHOST STORY]

186 13 0
                                    

[KITCHEN]

Regina's POV

Kailangan kong gumising ng maaga dahil aasikasuhin ko pa ang mga gagamitin ni Mr.Whein para sa opisina nito. Magluluto pa ako ng agahan at baon ng mga anak nila na sina Jules at Luke. Sasamahan ko naman si Mrs. Whein sa pagaayos ng kanyang garden. Eto ang araw-araw kong gawain bilang kasambahay sa Dubai. Buti nalang mabait ang pamilyang ito at hindi ako natulad sa mga domestic helper na hindi pinapalad sa mga amo nila kaya sila inaabuso.

"Regina, can you please help me in the kitchen? Im suck when it comes to cooking." Sabi ng panganay na si Jules. As you can see, English ang salita dito. Although Arabic is the official language of the UAE, English is the most spoken language in Dubai. 17 years old na ito. May Activity yata sila sa school nila na kailangang magluto. Sino ba naman ako para hindi siya tulungan diba? Kaya ayun tinuruan ko.

"Don't exert too much force." Nasabi ko nalang dahil paulit-ulit siyang pumapalpak sa pagbabatik ng itlog. Nakakailan na kami? Six maybe? Pero para sa kanila wala lang yun dahil marami silang stock at pagnaubusan kayang kaya naman nilang bumili. Mayaman e. Pero dahil isa akong Filipino, aba! Ako kaya ang nanghihinayang.

"Arggh! Psh. I'm tired already! I'll do it next time." Tila nawalan na ito ng gana at iniwan na ako dito sa kusina. Halatang napipilitan lang siya. Ang alam ko kasi magaling sya sa art at talagang di siya marunong magluto. Kung di lang siguro sa Activity nila, di niya aaksayahan ng panahon ang mga bagay na'to.

Naramdaman kong parang may dumaan sa likod ko. Ah baka nagbago isip nung bata at itutuloy na. Kaya humarap ako dun.

"Oh. Are you gonna try agai-" napahinto ako sa sinasabi ko dahil wala palang tao. Anu yun? Naramdaman ko talaga e. Kami lang namang dalawa ang nandito. Nasa trabaho ang mag-asawa, at si Luke naman kasalukuyan pang nasa school niya. Haaaays baka napagod lang ako. Makapaglinis na nga lang muna.

Naghuhugas na ako ng pinggan. Nung nasa baso nako, tinapat ko ito sa gripo at hinugasan ng mabuti. Pagkatapos, nilagay ko muna ito sandali sa isang tabi para yung ibang baso naman ang babanlawan ko. Pero nagulat ako nung...

"Ay Baso!" Yung itinabi kong baso nalalaglag at nabasag. How come na nalaglag yun eh hindi ko naman natabig?

Kanina I felt something at my back and now naman, suddenly fell of glass? What next? Haaays! Napapraning lang ba ako o ano?! Minumulto na yata ako dito e.

"What happened here?!" Bigla naman pumunta dito si Jules. Nakakahiya! Nakabasag pa ako ng pagmamay-ari nila.

"Ahm sorry. I broke the glass." Humingi ako ng pasensya at pinulot na ang nabasag.

"No no no Regina. I'll do it." Ang bait talaga nila. Sana ganto lahat ng amo.

Naisipan ko namang magtanong about dun sa naramdaman ko kanina na parang may dumaan sa likod ko.

"Are you passed by here a while ago Sir Jules?"

"Huh? No. Why?" Itinapon na niya sa trash can yung mga bubog.

"Ahm..can i ask you a question? Is there a ghost here?" Medyo nag-alangan kong tanong sa kanya. Baka isipin nito ang tanda ko na takot parin ako ssa multo. Ehhhh totoo naman 'yun. Takot ako hanggang ngayon.

"Hmm. Mama told me a story about on this area before our house been placed here..." umupo siya sa may dining table nila. Ngayon kaharap ko siya. Andito nga lang ako sa sink.

"She said that this place was forest before. And..the tomb of the unknown lady is exactly where our kitchen is.. parang alam ko na ang pinopoint niya. Hala siya! Baka yun yung nagpaparamdam wah! Oh no. Baka di ako makatagal dito.

"She added something that i'll never forget." Nakatingin siya sakin at mas lalo akong nakaramdam ng takot sa klase ng tingin niya..

"..that this unknown lady keeps on walking at your back. She'll also stare at you from afar and the last is...disturbed you like we did to her peaceful place." Kaya ba habang naghuhugas ako binasag niya yung baso? Ganon ba ang sinasabi ni Jules na panggugulo?

Lumipas ang mga araw at parami ng parami ang nararanasan ko sa bahay na ito. Simula nung ikinuwento ni Jules ang tungkol sa unknown lady..parang mas naging magulo.

Nandyan yung..pinatay ko ang T.V sa salas nila dahil dis oras na ng gabi at nkatulog na si Luke sa panonood...pero binuksan niya. Antok naku nun e. Ilamg ulit niya yung ginawa. Tapos yung napanood kong movie..The Ring yata yun? Diba may lalabas dun sa T.V? Kaya natakot ako. Natagalan pa ako bago makalapit at patayin yun.

Meron naman yung minsan tinabi ko ang mga nakakalat na laruan ni Luke na nasa hagdan. Ewan ko ba sa batang yun at dun nilapag ang mga toys niya. Makakadisgrasya pa yun e. Nung naligpit ko na ito, bumababa ako dahil maglilinis pa ako sa living room. Ang di ko nga lang alam kung nang-aasar siya. Paano ba naman..nung paakyat na ulit ako sana sa taas..nakita ko nalang nagsisilaglagan yung mga toys ni Luke sa hagdan.

Sa totoo lang..pinapagod niya ako. Minsan nga iniisip ko, baka sa isang sulok tumatawa yun dahil nakikita niya akong nahihirapan sa mga pinaggagawa niya. -__-

Medyo di naman ako natatakot. Pero kinakabahan ako sa mga ginagawa niya. Paano nalang kung maisipan nung mangtrip na malala. Huwaah ayoko ng isipin ang pwedi pa niyang gawin. >_

Makalipas ng ilan pang araw..napagpasyahan ng pamilyang Whein na umalis nalang roon. Kalilipat lang pala nila sa bahay nayun dahil pinagawa ito ni Mr.Whein.Syempre kasama ako dahil ako ng tagasilbi nila. Naiinis nadin kasi sila sa ginagawaa nito. Hindi lang naman kasi ako ang nakakarananas ng pangiinis niya kundi ang lahat ng nasa bahay na ito. Tutal may isa pa silang bahay kaya dun nalang daw kami. Simula nun..di na doble pagod ko at wala ng nangiinis.

****

Ayus lang po ba? Sorry sa may mga wrong grammar. Edit ko nalang po ang mga mali NT. Pagpasensyahan niyo na po si ako.

Vote if you want po.
SALAMAT!

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon