[Unknown Lady]

609 14 0
                                    

ISHIE'S POV

Waaaaah!! Ang saya kahapon dahil nakapaglaro kami! Yay! :D

Ang sabi ni Kuya Prince 4 years old daw ako nung huling laro namin dun, kaya pala parang diko na maalala. Pero enjoy talaga kameee! Mas nakakatuwa nung pag-uwi namin kasi nakakita ako ng magandang babae! Tapos sila Kuya Dom naman bigla nalang nagtatakbo.......

*FLASHBACK*

Kakatakot naman yung kwento ni Lola! Tapos sakto pang nandito kami sa bakanteng lote. Parang gusto ko na tuloy umuwi. Iiiihhhh nakakakilabot kasi we!

"Nandito lang pala kayo! Ma! Hindi manlang kayo nagpaalam sa akin na magpupunta kayo dito, naglakad kayo na mga bata lang ang kasama! Halina na ho at iuuwi kona kayo. Sa susunod po please ipaalam niyo sakin ha?" Biglang dating ni Tito. Nakakakonsensya naman. Hindi kasi kami nakapagpaalam kay Tito. Basta alis nalang kami. Paano kung may nangyareng di maganda? Paano kung masubsob si Lola? Manghina ang tuhod? Tama siya dahil mga bata lang ang kasama niya. :3

Tahimik lang si Lola nung inaalalayan siya ni Tito pauwi. Pinapauwi narin kami dahil gabi na pero ayaw pa namin. Kaya nauna nalang sila at sumunod nalang daw kami kaagad.

Walang nagsasalita sa aming magpipinsan simula nung umalis si Lola. Ewan ko ba at bakit ang tahimik namin? Siguro pagod lang kami pare-pareho.

Humangin ng malakas at ang lamig. Grrr. Manipis lang ang suot kong t-shirt tapos nakapalda lang ako pero may short naman. Yung mga kuya ko mga naka sando lang kaya napayakap sila sa sarili nila.

Yung mga duyan nagsi-ugoy kaya rinig yung paglangitngit ng bakal. Nakakatakot (/_\). Ang tahimik pa naman ng paligid. Parang lahat yata ng tao nasa kani-kanila ng bahay. At kaming mga bata nasa labas pa. Mamaya may lumabas nalang na zombie. Kyyaaaah! I wanna go home na!!

"Mga kuya ko~ Uwi na tayo!!"

"Ang duwag mo Ishie!'-Dom

"Oo nga! Haha. Hala may white lady kang katabi!"-Aj

Waaaaaah! Napayakap ako kay Kuya Prince. Kasi naman eh! Ayoko ng biruan! Natatakot nako talaga.

"Kayong dalawa tumigil nga kayo. Ishie niloloko ka lang nila, tara iwan natin ang mga yan." Sabi ni Kuya Prince at inaalayan akong tumayo. Nanginginig kasi ako. Ang OA pero nabigla kasi ako eh.

"Edi iwan niyo! Blehh :P" sabi nilang dalawa nung nakababa na kami sa duyan. Tss!

Aalis na dapat kami nang may dumaang babaeng nakaputi sa gilid ko at papunta may banda nila kuya Dom at Aj. Mukha siyang white lady pero nakita ko yung mukha at ningitian pa ako.

Nung nandun na siya kila kuya parang hinawakan niya yung mukha nung dalawa at ningitian sila. Ang ganda niya kapag ngumingiti. Kaso yung dalawa kong pinsan hindi maganda ang ipininta ng mukha at nagtatakbo nalang bigla. Anyare sa kanila? Tumingin nalang din ako dun sa duyan at wala na roon ang babae. Nakakapagtaka naman dahil nawala agad yung magandang babae.

"Kuya ang ganda nung babae kanina hanu?"

"Ha?"

Di ba niya nakita? Siguro.

"Ah wala. Nawala rin kasi bigla eh. Tara na nga kuya uwi na tayo."

"Tss inunahan pa nga tayo nung dalawa."

Napailing nalang kaming dalawa.

*END OF FLASHBACK*

Sino naman kaya yung babae? Baka taga dito lang. Kahapon lang naman kami nakalabas kaya hindi ko pa nakikita ang mga tagarito.

Nandito ako sa bakuran ni Lola. Ang sarap kasi ng hangin dito. Maaamoy mo ang mga bulaklak. Kaya siguro nandito lagi si Lola kasi napakapeaceful at refreshing. Bagay para sa may edad ng tulad niya. Haays panu kaya paglaki ko at pagtanda? Katulad ako ni Lola? Mahina ang tuhod, may mga guhit sa mukha na napakadami. Yay! Sana maganda parin ako kahit ganun! Haha!

"Bulaga!"

"Ay matanda!"

Nakakagulat naman tong si Kuya Dom. Maloko talaga! Peaceful na nga eh, nasira pa.

"Haha! Bakit ka nagiisa diyan? Ang lalim pa ng iniisip mo? Mahal ka nun!"

Ano ba pinagsasabi nito???

"Che! Dun ka na nga. Bakit kaba nandito kuya ha??? Nanahimik ako dito we!"

"Wala lang trip ko lang. Haha!"

Inirapan ko lang siya. Yaan na nga siya diyan. Basta wag na lang niya akong asarin!

"psst"

"OH?"

"HAHAHA XD"

*BOINK*

AHAHAHAHAHA!!!!

Ang sakit na ng tiyan ko. XD Paano ba naman kasi, tinawag niya ako nung tumingin ako nakaabang pala yung hintuturo niya sa pisngi ko kaya nasundot, ayun tumawa siya ng walang bukas, pero pfft HAHA ang bilis nga naman ng karma kasi may bigla nalaglag sa ulo niya na pusa. Mukhang tumalon galing sa taas.

Ang laki pa naman nung pusa kaya parang naalog yata utak niya. BWAHAHA XD

"Ayan kaseeee! Haha xD"

Napahawak siya sa ulo niya at hinimas himas ito. Mukhang nasaktan yata. Tss naawa naman ako kaya tinignan ko yung ulo niya, baka kasi nakalmot we.

"Wala naman kuya na sugat." Sabi ko habang hinihimas-himas yung ulo niya. Kawawa namn eh.

"Kainis na pusa! Arrgh. Ang sakit huhu. :3"

"HAHA."

"Geh tawa lang. =_="

Hihi. Makwento nga kila Kuya Prince toh! >:-)

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon