Dahil naghahanda ang mga bata para sa surpresa, sinigurado naman ni Lola Emer na hindi ito makikita ng taong susurpresahin nila na si Mervin. Inutusan nito ang lalaki na pumunta sa bayan para bumili ng mga lutong pagkain. Nagtaka ang lalaki pero sinunod nalang ang matanda dahil di narin naman nasiya nakapagtanong nang pingtabuyan na siya nito paalis.
***
Abala si Aj, Prince at Dom sa pagsasabit ng banner. Si Ishie naman ang naghanda ng lamesa at nagwalis walis sa hardin kung saan plano nilang magdate ang dalawang matagal ng nangungulila sa isa't isa.
Hindi sinasabi ng mga batang lalaki na kanina pa sila kinikilabutan. Di nalang nila pinapansin pero ramdam nila na kanina pa may nakamasid sa kanila. Ipinagpatuloy nalang nila ang pagkakabit ng banner at nang matapos ay tinulungan naman si Ishie sa hardin.
"Kami na dyan Ishie girl." Sabi ng nakatatanda na si Prince.
"Eh! Anu bayan sige na nga." Tumutol pa sa una si Ishie pero pinaubaya nalang din sa mga pinsan niya dahil kanina pa masama ang pakiramdam niya.
Napansin naman ito ni Aj.
"Uy ok ka lang ba? Parang namumutla ka ah.""Ayus lang ako. Akyat na ako ha?." Nagpaalam na siya at tumungo sa kwarto niya.
***
Paakyat na ng hagdan si Ishie ng magring ang telepono.
Kringg kringg kringg
"Hello po?" May katamlayang bungad niya.
"Hello, Ishie?.." paninigurado ng kausap.
Nakilala naman ni Ishie ang kausap dahil kanina lang ay kausap niya ito at punot dulo ng plano nilang surpresa.
"Andito na ko."
***
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang tita, dumeretso siya agad sa kwarto kung saan dapat talaga siya'y patungo. Hindi niya alam pero masama talaga at mabigat ang kanyang pakiramdam.
Pagkapasok, humiga agad siya at nagbalot ng kumot.
"Waaah, bakit ba biglang gumanito ang pakiramdam ko? Uuwi pa naman si Tita huhuhu gusto kong kasamang sumurpresa kay tito eh!" Sabi niya sa sarili at nakatulog...
Hindi niya alam, may kasama siya sa kanyang kwarto at nakatingin sa kanya.
"Sorry..."
***
Tapos na ang tatlong bata sa pagdedekorasyon. Sina Aj at Prince ay pumasok na sa loob samantalang si Dom ay naiwan sa labas dahil iniayos pa niya ang hinanging mantel ng mesa sa may hardin. Pagkapatong niya ng ilang bagay na mabigat sa mesa upang hindi na ito tangayin ng hangin na nagpapakilabot kay Dom dahil sa lamig.
"Mag-gagabi na pala." Sabi niya ng napatingin sa langit na unti-unti ng napapalitan ng kadiliman.
Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso niya ng makarinig siya ng tila lumalangitngit na bakal na sa tantya niya'y isang gate.
Dahan-dahan siyang lumingon sa kanilang gate sa pag-aakalang iyon ang narinig nyang tumunog at sinyales na may taong pumasok.
Nagulat nalamng siya nang..
***
Si Aj ay pumasok sa kusina upang magbanyo. Nagtaka siya ng pagkatapos niyang umihi ay may katabing pintuan ang c.r nila.
"Ha? May pinto ba dito?" Tila napaisip niyang turan dahil sa pagkakaalam niya ay wala. Ngaun lamng niya ito nakita sa tagal na nilang nanduon sa bahay ng kanilang lola.
Lumapit siya sa pinto at pinihit ang doorknob...at pagkabukas niya ay biglang...
***
Samantalang si Prince ay pumunta sa kwarto ni Ishie upang i-check ito dahil nag-alala nang makitang namumutla ito kanina.
Kakatok na sana siya ng kusa itong bumukas at parang bigla siyang nilamig...
Di na lamang niya pinansin. Pagkapasok niya ay nakita niyang bukas ang bintana ng kwarto kaya naisip niya kaya siguro malamig ay dahil sa hangin na pumapasok sa silid.
Nakita niya ang batang babae na nkahiga at balot na balot sa kama nito. Agad niyang nilapitan at sinalat ang noo.
"May lagnat ka Ishie..teka tatanungin ko si Lola kung anong gamot peding ipainom sayu." Pagkasabi niya'y agad siyang tumungo sa pinto nang bigla siyang napatigil dahil sa pagkakaalam niya ay hindi niya isinarado ang pinto...
***
Weird..