[Kamay]Nakatayo ako sa harapan ng bus. Actually sa pinto nito. Haha. Owkey masyado akong masaya! Magfifieldtrip kame eh. At makakatabi ko ang crush ko ay mali, love of my life pala.
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko mula sa likod. Paglingon ko ang mukha ni Johan ang sumalubong sakin. Ginulat ako nito ah!
"Oh chill dude. Haha. Mukha ka na kasing engot dyan. Haha." Tss ok pagbigyan na. Basta masaya ako dahil makakatabi ko si Regina. Ooooops. Bakit ba ang tagal ng babaeng magandang un??
"Kanina pa siya nandun sa bus#6. Haha. Sino ba nagsabi sayung bus#1 tayo? Kaya pala knina kapa nakatayo dyan." ANO? So kanina pa nga talaga ako nagmumukhang tanga dito. Bakit ba kasi hindi ko narinig kung pang-ilang bus kame? Nag-iintay lang pala ako dito sa wala. At kaya rin pala hindi namin mga kaklase ang umaakyat sa bus na'to. Bakit ba ang love nakakabobo??! Sabihin niyo nga?!
Sinuntok ko nga sa balikat si Johan. May toyo din 'to e. Kanina pa pala napapansing mukhang tanga ako ditong naghihintay hindi manlang ako sinabihan agad! Kaibigan pa man din. Napailing nalang ako.
Iniwan ko na sya dun at baka anu pa magawa ko. Napansin ko din na marami pala kanina pang nakatingin sakin at pinagbubulungan ako. Tsk. Masyado akong naexcite at ang isiping makakatabi ko si Regina sa fieldtrip na ito ang naisip ko kaya wala nakong naging pakialam sa paligid. Hays. Pero di bale, basta makakatabi ko si Reg ko.
Pagkarating ko sa bus namin may katabi na si Reg ko! Ahhhhhhrg! Kung alam ko lang na...Aish! Buhay nga naman talaga oh. :'( my heart is aching. T_T Katabi pa nya ang karibal ko. Wala na naunahan nako. Badtrip.
Buong byahe masama ang mukha ko. Aish! Naman eh.
"Huy. Habang may buhay may pag-asa dude." Sabi ni Johan. Tsk. Sya tuloy nakatabi ko.
Natulog nalang ako. Baka sa panaginip makatabi ko siya at baka sakaling maging kami na. Kailan ba nya ko sasagutin?
***
"Gising na dude. Baka maunahn ka nanaman ng karibal mo." Nagising ako agad. Agad-agad din akong tumingin sa katabi naming upuan. Mag-isa nalang dun si Reg ko. Yes! Binibiyan na ako ni Lord ng pagkakataon. Sakto huminto na ang bus. Nagsibabaan na ang lahat at isa nadun si Reg ko. Why so fast? Hinabol ko siya sa baba. Waaah ang pagkakataon!
Nang nasa baba na kami, Sinusundan ko parin siya. Pumunta siya sa cottage na siya lang at dun nilapag ang gamit niya. Oo nga pala Miracle Falls ang pinuntahan namin. Kaya may mga baon kaming damit dahil pweding maligo.
"Hi Reg.! Kamusta?" Tanong ko sa kanya. Ang ganda niya talaga.
Ningitian lang niya ko na nagpalaglag ng puso ko. Gusto rin kaya ako nito? SANA.
Nakaupo lang ako sa harapan niya, napag-gigitnaan lang kami ng lamesa nitong kubo na cottage. Siya naman nag-aayos lang ng ewan ko, siya nalang nakikita ko at wala nakong pakialam sa paligid o kung anuman ginagawa nya.
"Hays pag-ibig.." bulong niya na diko naintindihan. Sayang naman. Anu kaya yun? Gwapo daw ako at may balak na siyang sagutin ako??? Wow!
Napatingin ako sa balikat ko ng may kamay na humawak dun. 'Istorbo naman 'tong si Johan!' Nasabi ko sa isip ko dahil kanina pako hinahawakan nito sa balikat. Teka? Bakit parang kakaiba ang kamay niya. Maiitim ang kuko at kulubot na. Sa pag-kakaalam ko laging naghahand sanitizer ang lalaking yun ah.
Pagtingin ko sa likod ko para tingnan si Johan ay napabalikwas ako at agad na napatayo habang napapahawi sa balikat ko kahit wala nadun ang kamay! Ahhh walang tao sa likod ko at putol na kamay ang nakahawak sakin! Anu yun?! Nahihibang lang ba ko???
Napakunot ng noo sakin si Reg dahil alam kong mukha nakong baliw sa harapan niya. Anu ba yung nakita ko?
"Uy ano nangyayare sayo?!" Dapat kinikilig nako dahil sa wakas kinakausap na niya ko pero kinikilabutan ako sa nakita ko e.
"May nakita kabang nakahawak sa balikat ko kanina??!" Medyo dipa ako nagpahalatang natatakot ako. Kalalaki kong tao baka sabihin niya duwag ako. Pero oo nga't natatakot ako pero alam kong natural lang yun diba? Kaw kaya makakita nun.
"Wala. Bakit?" Sagot niya na ineexamine ang balikat ko.
"May humawak kasi..." Diko natuloy ang sasabihin ko na may kamay na lumilipad sa likudan niya AHHHHH napatakbo ako kasama siya dahil sa nakita ko.
Highschool pa kami noon at nangliligaw pa lang ako nun kay Reg. At tulala lang ako nun sa kawalan kahit dapat kinikilig nako dahil kinakausap ako ni Reg at nag-aalala siya sakin. Pero talagang diko makalimutan nun kung anu nakita ko. Pag-alis nmin dun at balik eskwela na, agad akong nagtungo sa adviser namin at kinuwento ang nangyare. Ang sabi niya, ang cottage daw na inupuan namin ay may nangyaring krimen na kung saan chinopchop ang isang lalaki. Wala daw umuupo roon dahil nga daw sa nagpapakitang mga bahagi ng katawan at saktong ang natapat sa amin ay ang kamay nito. Hindi ako pinatulog nun! Nasira pa diskarte ko sa minamahal kong Regina. Tsk.
***
A: Waaah. Tagal ko ding di nakapag-update. Busy sa school e. Pero thanks po sa nagbabasa at nagvovote!! Nkakatuwa po. :)
GODBLESS!
