Chapter XIV: Allied Forces
Patuloy pa rin sina Auberon at Aemir sa paglalakbay sa kalawakan para marating ang Great Land of Elves. Sa kanilang paglalakbay, wala silang malaking problema na hinarap. Dumaan sila sa maraming black hole at mga bulalakaw na bumabagsak mula sa kung saan, pero hindi iyon malaking bagay para sa kanila. Madali nilang naiwasan at nalampasan ang mga ganoong uri ng pangyayari. Wala silang naging problema sa kanilang paglalakbay dahil sapat na ang kanilang taglay na kapangyarihan para protektahan sila mula sa posibleng panganib na dala ng kalawakan.
Walang mga adventurer o nilalang na gumambala sa kanilang dalawa. Takot ang mga bandidong pangkalawakan na gambalain sila kaya kahit na nagkakasalubong o nagkakasabay sila sa kalawakan, ang air ship na nila ang umiiwas. Sila na mismo ang nagbibigay-daan sa dalawa dahil sa takot na baka uminit ang ulo ng mga ito at sila ang mapagbalingan.
Hindi gusto ng mga kagaya nilang maliliit na kriminal na galitin ang malalakas at makakapangyarihang adventurer, at dahil dumi lang sila sa paningin nina Auberon at Aemir, hindi rin sila pinapansin ng dalawa.
Sa paningin nina Auberon at Aemir, ang mga ganitong maliliit na kriminal ay kasayangan lang ng kanilang oras. Isa pa, makapangyarihan sila, at hindi na dapat sila nakikisawsaw pa sa mga mahihina hangga't hindi naaapektuhan ang kanilang personal na interes at interes ng Holy Light Realm.
Samantala, hindi nagkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa magmula noong lisanin nila ang Holy Light Realm. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakbay dahil nais nilang agad na marating ang Great Land of Elves. Sa kabila nito, parehong bukas ang isipan nina Auberon at Aemir kaya maaari silang mag-usap sa isip anomang oras nila naisin.
Ilang sandali pa, muling sumilay sa mga mata nina Auberon at Aemir ang pinakamalaking mundo sa Great Land of Elves--ang Ancient Elf Kingdom. Minsan na silang napunta rito dahil sa ilang mga negosasyon. Ang Ancient Elf Kingdom at Order of the Holy Light ay dalawang puwersa na hindi magkaaway, subalit--hindi rin magkakampi. Hindi sila nagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng kanilang mga middle realm at puwersang pinamumunuan. Neutral ang dalawang puwersang ito kung usapin ng digmaan, ganoon man, maituturing na magkakampi sila sa mga nakaraang pangyayari dahil sa kanilang mga nakaraang negosasyon.
May koneksyon ang dalawa, ngunit ang koneksyon na ito ay para lamang sa trabaho, kalakalan, at negosasyon tungkol sa itinuturing nilang pareho nilang kalaban.
“Napakahalaga ng isinadya natin dito, subalit kaakibat nito ang posibleng panganib sa oras na hindi mapunta sa maayos na usapan ang ating pagpupulungan,” pakikipag-usap ni Auberon kay Aemir gamit ang kanyang isip.
Bahagyang tumango ang ulo ni Aemir at tumugon, “Naiintindihan ko, Pinunong Auberon. Ihahanda ko ang aking sarili, at magiging alerto ako sa kahit na kanino. Marahil dadalawa lang tayo, pero hindi nila tayo mapapabagsak kahit pa narito tayo sa kanilang teritoryo.”
“Mabuti kung gayon. Ang gusto ko lang ay maging handa at alerto ka sa maaaring mangyari, pero huwag kang masyadong mag-alala dahil sa pagkakakilala ko kay Filvendor, hindi siya gagawa ng hakbang na magiging dahilan para magkalamat ang relasyon ng Holy Light Realm at Great Land of Elves,” sabi ni Auberon. “Isa pa, narito tayo dahil gusto niyang magmungkahi ng alyansa kung saan pabor sa atin ang mga tuntunin at kondisyon. Kung magtatagumpay tayo sa alyansang ito, ilang siglo mula ngayon ay siguradong ang Holy Light Realm at Great Land of Elves ay pareho nang mapapabilang sa pinakamalalakas na upper realm sa mundo ng mga adventurer.”
Kahit si Aemir ay hindi mapigilang mamangha sa ideyang magiging isa sa pinakamalakas na upper realm ang kanilang Holy Light Realm. Sandamakmak na mundo ang mayroon sa kalawakan. Maraming higit na mas malaki o malawak ang teritoryo sa Holy Light Realm. Marahil masasabing isa si Auberon sa pinakamalakas na adventurer--o hindi kaya ay pinakamalakas na adventurer sa mundong ito dahil sa kanyang antas at ranggo ngayon, subalit maraming mas malalaking upper realm kaysa sa Holy Light Realm. Maraming mas malalakas na puwersa na sagana sa mga kayamanan at talentadong adventurer.
![](https://img.wattpad.com/cover/321292381-288-k437962.jpg)
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia]
FantasySynopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light na magtungo sa Holy Land of Erekia para imbestigan ang hindi pagpaparamdam...