Chapter XLIX: Battle of Will and Determination
Ang parehong tanong na tinanong ni Vasiara kay Ploro ay siya niyang itinatanong ngayon kay Altair. Noong una ay tila ba walang kabuluhan ang tanong na ito, at ang tanging gusto lang ni Ploro ay ang makipaglaban at manalo kaya sa halip na tumugon, mas pinili niyang umatake. Dahil sa kaniyang pag-atake noon, ikinonsidera iyon ni Vasiara bilang pagsisimula ng laban, subalit habang gumaganti siya ng atake kay Ploro ay tumutugtog pa rin siya.
Sa pagkakataong ito, malinaw ang kaisipan ni Altair kahit na sobrang bigat sa puso ng nangyari sa kaniyang matalik na kaibigan.
Inaaral niya ang naging laban nina Ploro at Vasiara habang nanonood siya kanina. Inisip niyang mabuti ang bawat detalye, at kanina pa lang ay mayroon na siyang hinala dahil mayroon siyang napagtanto.
Nanatili siyang mahinahon kahit na kaharap niya ang dahilan ng pagkamatay ni Ploro. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at sinabing, “Gusto kong marinig ang musika mo.”
Nagulat si Vasiara matapos niyang marinig ang pinili ni Altair. Matagal siyang napatitig dito, at hindi niya akalain na mayroong pipili ng pagpipilian na iyon.
Sa lahat ng kaniyang nakalaban ng harapan, pinapili niya rin ang mga ito. Marami ang sumugod na lamang sa kaniya bigla habang may mga tumakbo at sinubukan na tumakas dahil takot ang mga ito sa kaniya.
Pero si Altair, pinili nito na dinggin ang kaniyang musika kaya hindi niya mapigilan na magulat.
Tungkol kina Finn, tahimik lang sina Finn at Yuros habang bakas ang pagtataka sa ekspresyon nina Yasuke, Devehra, at Esperanza.
“Isang magandang desisyon,” ani Finn. “Napansin din pala ni Tiyo Altair iyon, at sa tingin ko ay ikaw rin, Yuros,” sabi niya pa at bumaling siya kay Yuros.
Sinulyapan ni Yuros si Finn bago siya muling tumingin sa arena. Bahagya siyang tumango at sinabing, “Akala ko ay mapangungunahan si Tiyo Altair ng kaniyang emosyon dahil ito ay isa sa pinakamabibigat na nangyaring pagsubok sa buhay niya. Pero, nananatili pa rin siyang kalmado. Akala ko ay aatake siya, subalit nagawa niya pa ring maging kalmado.”
“Tungkol sa tinutukoy mo, oo, napagtanto ko rin iyon dahil nabanggit mo iyon kanina. Umaatake lang si Vasiara kapag pasugod sa kaniya ang kalaban. Hindi niya rin itinitigil ang kaniyang pagtugtog, at noong tumigil siya... doon niya isinagawa ang makalumang technique na tumatawag sa kamatayan para humusga,” paglalahad ni Altair.
“Pinaplano ni Tiyo Altair na labanan si Vasiara sa labang natalo si Ploro. Wala siyang balak na labanan ito ng harapan... sa huli, talagang ginagawa niya lang ito para maghiganti,” buntong-hiningang sabi ni Finn.
Nang dahil sa diskusyon nina Finn at Yuros, doon na napagtanto nina Devehra, Yasuke, at Esperanza ang nangyayari. Nagkaroon din sila ng ideya sa pinaplano ni Altair, at nag-alinlangan sila dahil balak nito na makipagtagisan sa parehong technique na pumaslang kay Ploro.
“Kakayanin niya ba..?” Biglang tanong ni Devehra.
Nagkaroon ng katahimikan. Taimtim ang ekspresyon ni Finn habang iniisip niya ang mga posibilidad sa labang ito.
‘Kakayanin niya... Alam kong kakayanin niya,’ sa isip ni Finn.
--
Nakatitig pa rin si Vasiara kay Altair. Mapanuri ang kaniyang ekspresyon na makaraan ang ilang sandali ay napalitan din ng makahulugang tingin at ngiti.
“Naintindihan mo na ba kaagad?” Biglang tanong ni Vasiara kay Altair.
Hindi tumugon si Altair. Nanatili lang siyang nakatayo habang nakatingin kay Vasiara. Nakikipagtagisan siya ng tingin dito, subalit kalmado lang ang kaniyang ekspresyon.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia]
FantasySynopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light na magtungo sa Holy Land of Erekia para imbestigan ang hindi pagpaparamdam...