Chapter LXIV

3.4K 784 37
                                    

Chapter LXIV: I'll Remember You

Maraming alam si Finn sa katangi-tanging kakayahan ng mga hundred-handed one. Alam niyang tinatawag itong Image of Hundred-handed, at ayon sa impormasyon ng system, parang kumakalaban ka ng isang daang kamay ng adventurer na tumawag sa imaheng ito. Sa madaling sabi, nagmistulang may kalabang isang daang kamay ng 8th Level Supreme Rank si Finn. Hindi ito magandang balita, subalit walang pangambang nararamdaman si Finn dahil alam niya rin kung ano ang kahinaan ng kakayahang ito.

Hindi ito kasing kamangha-mangha ng kaniyang Celestial Wrath dahil ang Image of Hundred-handed ay kumokonsumo ng malaking bahagi ng enerhiya. Kinokonsumo rin nito ang life force ng gumagamit nito, at kapag napasobra sa paggamit, siguradong mamamatay ang tumawag sa imaheng ito.

“Isang malaking kahangalan. Ilang atake ang magagawa mo gamit ang imaheng iyan? Sa tingin mo ba ay matatalo mo ako gamit ang kakayahang iyan?” Nanghahamak na tanong ni Finn. “Mas pinapadali mo lang ang iyong kamatayan, at kung gusto mo akong subukan, sugod. Iparanas mo sa akin ang natatanging kakayahan ng mga hundred-handed one,” ani Finn habang makikitaan siya ng panghahamon sa kaniyang mga mata.

Napatitig si Mambo kay Finn. Mabilis niyang naunawaan kung ano ang ibig sabihin nito. Hindi niya na maitago ang kaniyang pagkamangha sa kabila ng kaniyang sitwasyon na kinalalagyan, at sa pagkakataong ito, napagtanto niyang mayroong alam si Finn tungkol sa mga hundred-handed one, at sa mga salita nito ay hindi malabong alam din nito ang tungkol sa Image of Hundred-handed.

Kahit siya ay hindi alam ang tungkol sa kakayahan niyang ito. Walang nakakaalam sa kaniyang mga kasama tungkol sa kakayahan niyang ito ganoon na rin sina Morgan at Brien. Ito ang pinakatatago niyang alas, ito rin ang kakayahan na ginagamit niya lamang kapag desperado na siya. Ngayon pa lang ang pangalawang beses na ginamit niya ito dahil alam niya rin sa sarili niya kung ano ang kapalit ng paggamit ng kakayahang ito. Ginagamit nito hindi lang ang kaniyang enerhiya, ganoon na rin ang kaniyang life force.

Napakadaling bawiin ang enerhiya. Maraming recovery pill na maaaring gamitin, subalit ang pagbawi sa life force ay napakahirap. Ang life force ang nagsisilbing batayan ng life span o itatagal pa ng isang nilalang sa mundong ito, at kapag ito ay naubos, isa lang ang ibig sabihin noon--iyon ang kamatayan.

Pagkatapos i-konsidera ang kaniyang binabalak, pinawalang bisa na ni Mambo ang Image of Hundred-handed. Bumalik na siya sa pagkakaupo niya sa sahig. Itinigil niya na rin ang kaniyang pagtugtog habang walang nagiging pagbabago sa kaniyang ekspresyon.

Pinaglaho niya ang kapangyarihang bumabalot sa kaniya. Nabasag na rin ng kusa ang barrier na pumoprotekta sa kaniya habang muli na siyang nanumbalik sa dati niyang hitsura, at tuluyan nang nawala ang siyamnapu't walong karagdagang kamay.

Nagulat ang lahat nang hindi ituloy ni Mambo ang kaniyang binabalak. Si Brien ay nanggalaiti sa galit dahil akala niya ay makakasaksi na siya ng interesanteng laban. Inasahan niya rin na magpapakitang-gilas pa si Finn, subalit ang lahat ng inakala niya ay naging akala na lamang dahil sa biglang pagbabago ng desisyon ni Mambo.

“Marami kang nalalaman, sa tingin ko,” sabi niya kay Finn.

Mukha siyang inosente. Nakakakilabot ang kaniyang kabuoang hitsura dahil sa malaki niyang pangangatawan, subalit hindi siya mukhang kriminal kung pagmamasdan ang kapayapaan ng kaniyang mata.

Mababakas pa rin ang lason sa kaniyang katawan na ngayon ay umabot na sa kaniyang leeg. Muli siyang kumain ng bloody revitalizing pill. Kinain niya na rin ang lahat ng natitirang antidote sa kaniyang mga interspatial item para mapigilan niya pansamantala ang mabilis na pagkalat ng lason sa kaniyang mga ugat at soulforce pathway.

“Ayoko nang lumaban. Hindi rin naman ako isang daang porsyentong sigurado na matatalo kita sa laban. Mas nakakatakot ka pa sa inaakala ko at mas nakakamangha pa pala ang kaalaman mo sa mga bagay-bagay,” malumanay na sambit ni Mambo.

Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon