Chapter LXXXI

3.9K 799 36
                                    

Chapter LXXXI: Crisis

Ilang minuto pang nagtagal si Altair sa harap ng punong hinihimlayan ni Ploro bago nagtungo kasama sina Yuros at Finn na bumisita rin ang himlayan ni Esperanza at ng ibang pangunaging miyembro ng Order of the Holy Light ganoon na rin ang mga holy knight.

Nagbigay sila ng respeto sa mga nasawi at nakihalubilo sila sa mga holy knight at miyembro ng pamunuan na nakikiraramay.

Napakapayapa't tahimik sa lugar na iyon. Hindi sila gumagawa ng ingay dahil ang bahaging iyon ng kagubatan ay sagrado at hindi maaaring babuyin. Ang bawat isa ay kailangang umakto ng may respeto sa himlayan dahil nakahimlay roon ay ang mga dating pinuno ng Order of the Holy Light.

Hinayaan ni Auberon na magtagal pa roon ang bawat isa. Binigyan niya ng sapat na panahon ang mga ito dahil ang himlayan ay hindi maaaring puntahan kung kailan magustuhan. Kailangan may permiso ng pinuno ng Order of the Holy Light, at ang permiso ay hindi basta-basta ibinibigay kahit pa mataas ang posisyon sa Order of the Holy Light.

Nang makita ni Auberon na sapat na ang panahong ibinigay niya para sa lahat, inatasan niya na ang mga ito na maghanda para sa pag-alis sa lugar na iyon.

Umayos ng hanay ang mga holy knight ganoon din ang mga miyembro ng pamunuan ng Order of the Holy Light. Nakisali na rin si Finn sa hanay, at nang tuluyang mag-utos na si Auberon, nagsimula nang mag-alisan ang mga holy knight.

Kung noong magpunta sila sa himlayan ay mabagal silang nagmamartsa, ngayon ay kaniya-kaniya na silang paglipad sa himpapawid upang bumalik sa kastilyo.

Nilisan nila ang Kagubatan ng Enea, at noong makabalik sila sa kastilyo, ang mga miyembro ng pamunuan kasama si Finn ay sumunod sa tuktok ng kastilyo upang doon isagawa ang pagpupulong. Ipinatawag ni Auberon ang lahat ng miyembro ng pamunuan, at pinatigil ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa gaano pa man kahalaga ang ginagawa ng mga ito.

Pinaghanap sila ni Auberon ng mga light guard na pansamantalang papalit sa kanilang responsibilidad. Ipinabatid ni Auberon na ang pagpupulong na ito ay hindi maaaring palampasin kaya ang lahat ng bahagi ng pamunuan ay kailangang dumalo at makinig.

Nagpunta muli sila sa lugar na pinagpupulungan. Ang bawat isa ay nagtungo sa kani-kanilang puwesto habang si Finn ay pinaposisyon muna sa isang bakanteng puwesto.

Inantay pa nila ang pagdating ng iba pang miyembro, at hindi nagtagal ay dumating kaagad ang mga ito at pumwesto. Kompleto na sila, naroroon na ang lahat ng dapat dumalo sa pagpupulong. Ang bawat isa ay tila ba handa nang makinig kaya sinimulan na ni Auberon ang pagsasalita, at bago niya ilahad ang kanilang tatalakayin sa pagpupulong na ito, nagsimula muna siya sa isang mahalaga at magandang anunsyo.

“Marahil ang iba sa inyo ay may ideya na habang ang ilan ay wala pa. Ganoon man, hayaan ninyong kumpirmahin ko ang haka-haka ng iba sa inyo ngayon din mismo,” seryosong paglalahad ni Auberon. Sinulyapan niya sina Aemir at Porion na nasa magkabilang gilid niya at nagpatuloy sa pagsasalita, “Sina Aemir at Porion ay pareho na ring nasa Immortal Rank, at sila ang ika-walo at ika-siyam na Immortal Rank na miyembro at naging miyembro ng Order of the Holy Light.”

Nagulat ang ibang miyembro sa kanilang narinig, subalit mabilis na napalitan ng matinding kasiyahan at pagmamalaki ang ekspresyon dahil nalaman nila na dalawa pa sa pamunuan ng Order of the Holy Light ang naging Immortal Rank na itinuturing nang hangganan ng mga adventurer sa upper realm.

Napakalaki ng simbolismo ng isang Immortal Rank sa isang puwersa sa upper realm. Sinisimbolo nito ang kalakasan, at siguradong katatakutan at titingalain ang Order of the Holy Light dahil sa kasalukuyang pagkakaroon nila ng tatlong Immortal Rank.

At sa pagkakataong ito, hindi masamang sabihin na marahil ang Holy Light Realm lamang ang nagtataglay ng tatlong Immortal Rank, at masasabi na rin na kung kabuoang puwersa ang pag-uusapan, sila na marahil ang pinaka malakas dahil ang isang Immortal Rank ay sapat na para kumalaban ng dose-dosenang o kaya daan-daang Heavenly Supreme Rank.

Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon