Chapter XXXIII

3.4K 766 29
                                    

Chapter XXXIII: Difficult Situation

Hindi pa rin naaalis ang galit ni Eisha. Ipinagpapatuloy niya pa rin ang kaniyang mga walang pakundangang pag-atake. Hangad niyang matamaan ng direkta ang katawan o ulo ni Yuros, subalit masyado itong mahusay sa pagsalag at pag-iwas sa kaniyang mga atake. Hindi na gumagana rito ang kaniyang mga panlilinlang. Madali na nitong nalalaman kung lalaki o liliit ba ang kaniyang mga maracas. At dahil sa pangyayaring ito, mas lalong nanggagalaiti sa galit si Eisha.

Isang 5th Level Supreme Rank ang bumulag sa kaniyang mga mata, at higit pa roon, hindi man lamang siya makaganti rito. Oo nga't bahagya niya itong napupuruhan, subalit hindi iyon sapat sa kaniya dahil ang gusto niya ay malubha itong mapinsala. Wala pa siyang balak na patayin si Yuros dahil ang balak niya ay pahirapan ito hanggang sa magmakaawa ito sa kaniya.

“Hindi ako naniniwalang higit kang mas malakas at mahusay kaysa sa akin! Isa akong 6th Level Supreme Rank habang ikaw ay isang hamak na 5th Level Supreme Rank lamang!!” Pagsigaw ni Eisha.

Hindi pa rin naririnig ni Yuros ang mga isinisigaw ni Eisha. Wala rin siyang pakialam dahil buo na ang kaniyang plano. Ang kailangan niyang gawin ay pagurin si Eisha hanggang sa hindi na ito makagalaw, ganoon man, kailangan niya munang masiguro na hindi makakakain si Eisha ng bloody revitalizing pill.

Dahil kapag nangyari iyon, siguradong mawawalan siya ng tsansa na manalo sa laban.

Isa pa rin siyang 5th Level Supreme Rank. Si Eisha ay 6th Level Supreme Rank. Marahil hindi siya pangkaraniwan, subalit ganoon din si Eisha. Dumanas lang siya ng matinding pagsasanay kaya siya ganito kalakas at katibay, at higit sa lahat kaya siya nakalalamang ay dahil ginagamit niya ang kahinaan ni Eisha.

‘Mas marami pa rin siyang taglay na enerhiya kaysa sa akin. Mabuti na lang mas malakas siyang kumonsumo ng enerhiya dahil mas inuuna niya ang kaniyang galit. Hindi siya nag-iisip, basta na lang siya umaatake kahit wala namang kasiguraduhan kung tatamaan niya ako o mapupuruhan,’ sa isip ni Yuros. ‘Ganoon man, kailangan ko pa ring mag-ingat. Hindi ko pa rin sigurado kung may tinatago pang pangligtas buhay ang Eisha na ito...’

Huminga ng malalim si Yuros. Handa na siya para umpisahan ang kaniyang plano. Sa simulang ito nakasalalay ang lahat. Kung hindi siya magtatagumpay rito, at kung malalaman kaagad ni Eisha ang kaniyang eksaktong plano, katapusan niya na at siguradong mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa.

Siya ang madedehado, at si Eisha ang mananalo.

Isang wasiwas lang. Kailangan niyang magtagumpay sa isang paghiwa na gagawin niya.

Naging seryoso ang kaniyang ekspresyon. Itinuon niya ang kaniyang paningin sa mga braso ni Eisha.

Itinigil niya na ang pagsalag sa mga atake. Nagsimula na siyang umiwas na lang nang umiwas. Nahahagip siya at minsang tumitilapon, pero binalewala niya ang tinatamo niyang pinsala. Tumatayo pa rin siya at ipinagpapatuloy ang ginagawa niyang pag-iwas. Hinihintay niya ang tamang pagkakataon kung saan pagbabanggain ni Eisha ang mga maracas.

Naghintay siya, at gumawa rin siya ng paraan para gawin ni Eisha ang atakeng iyon. Gusto niyang paglapitin ni Eisha ang dalawa niyang braso para magawa niyang maputol ang dalawa nitong braso sa isa lamang paghiwa.

WHOOSH!

Sa kaniyang pagsisikap na makadiskarte, ang pagkakataon na hinihintay niya ay agad ding dumating.

Ginawa ni Eisha ang atakeng hinihintay ni Yuros. Hindi na kumurap si Yuros. Agad siyang kumilos. Bahagya siyang yumuko, at buong lakas niyang kinontrol ang kaniyang espada sa direksyon ng mga braso ni Eisha.

Ikinagulat ni Eisha ang ginawang ito ni Yuros. Hindi niya alam kung ano ang balak nito. Sa isip niya, walang problema kahit pa maputol ang kaniyang braso. Hindi niya na rin mapipigilan ang kaniyang mga braso na magkalapit. Mahirap na itong pigilan dahil sa sobrang bigat ng kaniyang mga maracas.

Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon