Chapter XXXVI: She Who Raised by a Demon
Seryoso ang ekspresyon ni Sorron habang siya ay pumupulot ng mga itim na batong animo'y takip sa isang sapa. Maya't maya siyang sumisimangot, at sinusuri niyang mabuti ang mga batong kaniyang nakukuha. Kapag hindi siya kontento sa kalidad, dinudurog niya ito sa kaniyang palad gamit ang kaniyang mga daliri, at kapag katanggap-tanggap na para sa kaniya ang kalidad, itinatago niya iyon sa kaniyang interspatial ring.
Si Sorron ay isang pangkaraniwang demonyo. Wala siyang katangi-tanging katangian bukod sa pagkakaroon ng maraming puso. Hindi matibay ang katawan niya, hindi rin siya gaanong magaling sa pakikipaglaban, at hindi niya rin kayang patubuin muli ang nawala niyang galamay kagaya ng ibang demonyo.
At kung kakayahan ang pag-uusapan, mayroon siyang katangi-tanging kakayahan, iyon ay ang kaniyang pagiging tanyag na panday--tanyag hindi lang dahil sa kaniyang ranggo sa pagpapanday, bagkus tanyag dahil sa kaniyang paraan ng pagpapanday.
Dahil sa kaniyang pagpapanday kaya siya lumakas, at maraming nilalang ang natatakot sa kaniya.
Nagtataglay siya ng maputlang asul na balat. Katamtaman lang ang laki ng kaniyang pangangatawan, at kapansin-pansin na ang maliit niyang kanan na sungay ay putol. Mayroon siyang pares ng pulang mga mata na napapaligiran ito ng purong itim. Hindi na siya maituturing na bata, matanda na siya at higit pa roon, mayaman sa karanasan.
Dahil isa siyang panday, ang pangunahin niyang sandata ay martilyo. Kasalukuyan itong nakasukbit sa kaniyang likuran, at hindi lang ito basta-bastang martilyo dahil nagtataglay ito ng matinding aura.
Si Sorron ay may libangan na paghahanap ng mga materyales para sa pagpapanday, at ngayon, nasa Black Cove Spring siya para maghanap ng mga cove stone.
Ang lugar na ito ay delikado dahil maraming vicious beast ang gumagala rito, ganoon man, wala siyang pakialam dahil kayang-kaya niyang protektahan ang kaniyang sarili.
“Mga basura, puro na lang basura!! Sampung porsyento lang ng nakikita kong cove stone ang may katanggap-tanggap na kalidad!!” Naiiritang sabi ni Sorron.
Dinurog niya ang dalawang bato na sinusuri niya. Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagkayamot. Muli siyang pumulot ng cove stone. Sinuri niya ito at muli, pinulbos niya rin ito sa kaniyang kamay.
“Basura! Kapag hindi ako nakapagtimpi, papasabugin ko ang lugar na ito dahil puro mga basura ang naririto!!” Sabi ni Sorron.
Mali ang ginagawa niyang pagsira sa natural na kayamanan. Sa totoo lang ay magaganda na ang kalidad ng cove stone na naririto, sadya lang masyado siyang mapili. Maaari niyang ibalik ang mga ayaw niya, pero mas pinili niyang durugin ang mga ito kaya wala nang pagkakataon ang iba na makakuha ng cove stone.
Bulong nang bulong si Sorron. Wala siyang kausap, pero hindi niya mapigilan na magreklamo dahil sa kalidad ng mga bato na hindi pumapasa sa kaniyang panlasa. Muli sana siyang pupulot ng bato, pero hindi niya naituloy ang kaniyang balak. Naningkit ang kaniyang mga mata. Nagkaroon ng kagustuhang pumatay ang kaniyang aura. Kinuha niya ang martilyong nakasukbit sa kaniyang likuran at pumihit siya sa kaniyang kaliwa.
Natigilan siya at naguluhan nang makakita siya ng tiklis. Agad na may pumasok sa kaniyang isipan. Marami ang gustong kumitil sa kaniyang buhay kaya ang una niyang ginawa ay ang umahon sa sapa sa pamamagitan ng paglipad sa himpapawid.
Pinanliitan niya ng tingin ang tiklis. Tiningnan niya kung ano ang laman nito, o kung may laman ito na maaaring maglagay sa kaniyang buhay sa panganib. Ganoon man, natuklasan niya na ang laman ng tiklis ay isang buhay na sanggol.
Nakikita niya mula sa kaniyang kinaroroonan na ang sanggol na nasa loob ng tiklis ay isa ring demonyo kagaya niya, ganoon man, nagmula ito sa tanyag na lahi ng mga stone demon, at higit sa lahat--isa itong babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/321292381-288-k437962.jpg)
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 12: Holy Land of Erekia]
FantasySynopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng Order of the Holy Light na magtungo sa Holy Land of Erekia para imbestigan ang hindi pagpaparamdam...