Prologue

37.5K 365 9
                                    

KAHIT PALA sa tingin mo ay ayos na ang lahat ng mga bagay, kahit sa tingin mong natakpan na lahat ng butas ng kahapon, kahit handa ka na muli para sa panibagong simula, may mga bagay pa rin na sadyang magpapagulo sa isip ng isang tao, may mga hindi pa rin makakalimutang pangyayari ang nakakatatak na sa pinakasuluk-sulukan ng puso, at kahit gusto mong magbago ay parang may kung anong humihila pa rin sa'yo pabalik sa nakagawian mo na.

            Denise Solis—a writer, thought that she already overcome the monsters of her life. Nagawa niyang tanggapin na ang katotohanang wala na talaga ang anak na si Ivan, nagkaayos na sila ng dating nobyo na hindi siya noon nagawang panagutan na si Ian dahil sa takot, at naayos na rin ang lamat sa pagitan niya at ng pamilyang minsa'y tinalikuran siya.

            Napatawad niya na lahat. Akala niya okay na. May nakalimutan pala siya.

            Nakalimutan niyang patawarin ang sarili niya.

            Napabuntong-hininga si Denise at yumakap ng mas mahigpit sa malaking unan habang nakatingin siya sa labas ng binta ng condo niya. Malakas ang ulan at sinusundan niya ang bawat pagpatak niyon sa bintana niya.

            "Knud..." nabulong niya sa hangin at saka lang bahagyang napangiti. Tatlong araw na lang at uuwi na si Knud galing sa inasikaso nito sa Singapore. Aaminin niyang sobra siyang nasasabik.

            Hindi pa naman sila ng lalaki ngunit sigurado na siyang ito na ang pag-aalayan niya muli ng tunay na pag-ibig. Dahil sa mga panahong nasasaktan pa siya at nagagalit ay nagawa ni Knud na makapasok sa puso niya nang hindi niya namamalayan.

            He knew what she truly needs kahit siya mismo ay hindi alam iyon—Knud gave her a great understanding of her past, he had the patience to wait for her heart to soften little by litlle... and he satisfied the need she'd been looking for a long time...love.

            Umaasa siyang sa pagbabalik nito ay mas magiging maayos na ang relasyon nila—well, mas makakapanligaw na ito nang maayos for sure dahil hindi na siya magho-hold back ng feelings para rito.

            Baka nga sagutin niya ito kaagad dahil kahit hanggang tawagan pa lang sila ngayon dahil nasa malayo ito ay sinusuyo na siya ni Knud—napaka-consistent at sweet nito. Alam niyang tama ang desisyon niya.

            She'll make it work this time with him.

            "Sana...sana...tumagal," bulong na naman niya at saka nagtalukbong ng kumot.

            Alam niyang kayang ibigay ni Knud ang kailangan niya. Ngunit natatakot pa rin siya.

            Talk about trust issues. Akala niya madali nang mawawala iyon pero hindi. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin kung mapagkakatiwalaan niya ba talaga si Knud? Dahil minsan na itong nagsinungaling sa kanya...

            But for your own good naman, Denise.

            She sighed. She will give this a shot. She'll give romance a chance to prove to her that happy endings are not only written in books. That it's okay to love again.

            Pero... ang totoong kinakatakot niya ay ang sarili niya. Parang ang sarili niya ang hindi niya magawang pagkatiwalaan.

            Paano kung masaktan niya si Knud? Paano kung may magawa siyang ikapagod ng pagmamahal nito? Paano kung...argh!

            Napahawak siya sa ulo at umiling-iling. Sa nakalipas na araw, ang dami niyang nare-realized.

            Nandyan na si Knud. Ngunit parang may kulang pa rin.

            "Ah, for sure, physical presence niya lang ang kulang," pagkausap niya sa sarili. "Pagdating ni Knud dito, mawawala rin itong mga iniisip ko. Gosh!" Pumikit siya nang mariin at kahit nakakumot ay nararamdaman niya pa rin ang lamig na dulot ng mabagyong panahon.

            Tama kaya ang hinala niya?

            Parang may kulang pa rin talaga.

 What is that certain need that should be satisfied once more?

 Sex? Ugh, no.

 Love? Knud's already there.

 Then, what?

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon