Chapter 7

8.5K 122 14
                                    

IT HAS been a while since Denise and Gayle met. And for the past weeks, they've been going out and making up for the past years na hindi nila nakita o nakausap man lang ang isa't isa.

            After meeting on that restaurant, they exchanged numbers for real and from that day on, madalas na sila nitong lumalabas para mag-hang out. They go shopping together, watch movies, grab some coffee and even just go out para lang magkwentuhan. They talked about almost everything... lalo na sa mga career nila.

            Mula pa lang kasi noong mga highschool students pa sila ay madalas na nilang pag-usapan ang future nila—about what will they become after five, ten, fifteen and even twenty years. Pangako pa nila sa mga sarili nila na magiging successful sila sa field na napili nila. Siya sa writing at si Gayle naman sa law.

 Ngayon, masasabi na mas okay na ang career nila. Siya, patuloy pa rin sa pagsusulat at hinahangaan na ng marami habang si Gayle naman ay legal advisor sa ibang bansa. They had so much to talk about sa career nila.

            As days pass, mas nagiging close din sila nito... just like the old times.

            Meanwhile, for Denise and Knud's relationship...

"How's your day? Busy pa rin ba sa work?" tanong ni Denise sa boyfriend.

            They are now having dinner at an Italian restaurant to celebrate their fifth month as a couple. Nitong nakaraan kasi ay bihira na sila nitong magkita dahil sa talagang busy si Knud sa trabaho. Habang tumatagal kasi ay mas lalo pa itong nagiging abala.

            Kung noon ay nakakapagtrabaho ito kahit na nasa bahay lang, ngayon ay kailangan talaga nitong magtrabaho sa publishing house at most of the time, nag-o-overtime pa ito. Kahit nga weekends ay kailangan pa nitong magtrabaho.

            But still, in spite of his busyness, maayos pa rin sila. Steady pa rin ang relationship nila at sweet pa rin sila sa isa't isa. Hindi niya na rin masyado ramdam ang pagkawala nito ng time sa kanya. Tutal, nandyan naman ang kabigang si Gayle na madalas niyang kasama sa tuwing hindi siya nagsusulat.

            "Oo, eh. Ang daming nira-rush ngayon. Since pinaghahandaan ang opening sa Singapore, tambak talaga ang trabaho ngayon. Nakakapagod na nga, eh. Buti nakalabas pa ako ngayon. Napaki-usapan naman si Boss," sagot nito na napapagusot pa ng ilong.

            "You mean, ang Tito mo? Si Mr. de Guzman?"

            He nodded. "Yeah. He understands that I need to spend this night with you dahil baka daw hiwalayan mo na ako. Iyon, pinagbigyan ako," nakangising wika na nito.

            She smiled. Napansin niya nga na halatang napagbigyan lang ito since hindi na ito nakakauwi ng maaga palagi pero sa pagkikita nila na 'yon, nagawa pa siya nitong sunduin ng maaga. Meaning, nakauwi ito ng sakto sa oras.

            Kahit papano naman, satisfied na siya na ganoon. Buti nga at nakapagkita pa sila nito dahil noong nakaraan ay wala talaga itong oras.

            She is trying to understand since related naman sa publishing ang trabaho niya and she know enough para malaman ang nature ng trabaho nito. Minsan rin kasi ay kahit na siya, bilang writer, ay minamadali rin para isabay sa certain release ang mga isinulat niya.

            "Alam mo ba, malapit na naman i-launch lahat ng book covers lay-outs na ginawa ko? I'm sure na kapag nakita mo 'yon, magugustuhan mo rin. I've been working on that mula nang bumalik ako galing Singapore kaya excited na ako na makita ang mga 'yon sa libro," masayang pagku-kuwento nito.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon