"DO YOU really have to go?" tanong ni Knud kay Denise.
Kasalukuyan silang magkasama nito sa bahay na tinitirhan ni Denise. Pinag-uusapan kasi nila ang sunod na lakad nila ni Gayle.
"Hindi ba p'wedeng tayong dalawa na lang ang mag-overnight?" tanong nito sabay yakap sa kanya.
"Overnight lang naman 'yon, ah? Isang gabi lang 'yon! Pagbigyan mo na 'ko. Next time na lang tayo, okay?" sagot niya rito.
Nagpaalam kasi siya rito na mag-o-overnight kasama si Gayle bukas ng gabi. Niyaya kasi siya nito na magsleepover sa tinitirhan nito. Bonding nila, kumbaga. Na-miss niya rin naman kasi na makasama ang best friend ng ganoon kaya pumayag na siya. Though hindi niya naman na talaga kailangan pang magpaalam kay Knud pero ipinaalam niya pa rin dito para alam nito ang mga ginagawa niya.
"Ayoko. Delikado. Hindi ka pamilyar sa lugar na 'yon. Hindi ako pumapayag," sabi nito saka dumistansya sa kanya na animo'y nagtatampo. Para itong bata.
"Knud, you're being over protective! Safe do'n, okay? Mas safe pa nga doon kumpara dito, eh. Look, sa isang condominium siya nakatira with guards and CCTV's. I'll be safe. Nandoon lang naman kami sa loob, eh. Pumayag ka na, please?" pangungumbinsi niya pa sa boyfriend na parang nangungulit siya sa mga magulang na payagan siyang umalis.
"No, Denise," matigas na sinabi nito. "Pero kung mapilit ka, then go! Do what you want," seryosong saad nito saka tumayo.
Kinuha nito ang gamit sa lamesa at akmang aalis na. Ngunit agad niya itong napigilan. Hinawakan niya ang braso nito, kinuha ang gamit nito at ibinalik ang mga iyon sa ibabaw ng lamesa.
Hindi niya alam kung bakit ganoon umasta ang boyfriend. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ayaw nito na makasama niya si Gayle. Ngayon, parang si Gayle pa ang nagiging dahilan ng pagtatalo nila.
"Teka nga lang, Knud. Let's talk."
Umiwas ito ng tingin. "I have to go. Kailangan ko pang dumaan sa office ngayon," paalam nito.
"Knud, it's a Sunday! Wala kayong pasok!" bulyaw niya rito. Naiiinis siya na iniiwasan siya nito over that little thing. Kanina ay naglalambing naman ito tapos bigla na lang itong magagalit. Hindi niya na ito maintindihan.
She's losing patience. "Okay, just walk out of that door as you wish. And when you did, don't expect me to welcome you here ever again," she dangerously said.
Kinuha niya ang gamit nito at ibinalik sa kamay nito. "Go!" taboy niya.
Napabuga ito ng hangin. Muli nitong inilapag ang gamit sa lamesa. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya pabalik sa upuan at doon sila muling umupo.
Nakahalukipkip lang siya at hinintay na magsalita ito.
Talagang na-badtrip na din siya rito dahil sa mga inaasta nito. Mula kasi nang maipakilala niya ito kay Gayle in person ay umiiwas ito na mapag-usapan ang kaibigan niya o kaya naman ay walang gana ito sa tuwing iyon ang topic. Halos ayaw rin siyang payagan nito na makipagkita sa kaibigan. Hindi niya alam kung hindi niya lang ba gusto ang kaibigan o kaya naman ay may mga problema lang ito kaya nagkakagano'n.
"Hindi ko lang gusto na lumalabas ka kasama ni Gayle. Parang may mali sa kanya at hindi ko alam kung ano iyon. Siguro feeling ko lang pero masama talaga ang kutob ko sa babaeng iyon," pagkukwento nito. This time, mahinahon na ito pero hindi ito tumitingin sa kanya at deretso lang ang tingin nito.
Bahagya siyang napataas ng kilay. "Mali naman yata na nagja-judge ka agad when you don't really know her. I know that at times, may pagka-bratty si Gayle but she's really a good friend of mine. Bumabawi lang din ako sa kanya since I know na kaya kami na-lost in touch is because I was avoiding everyone back then. That's all. I just want to keep the friendship," paglilinaw niya rito.
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
RomanceSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter