Chapter 20

6.3K 137 5
                                    

No matter how far you go in the wrong direction, there's always a chance to turn your life around.

~o~

"In the case that you are whole again, masayang isipin na sa paglago mo bilang tao, you're also growing in faith. Para kapag dumating ulit ang araw na masaktan ka ulit, talikuran ng mga taong mahal mo, tapaktapakan ang pagkatao mo-you still have Him. And if you only have God then you have all you need." 

Tulala pa rin si Denise habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ni Pearl. It's been two days since she had lunched with Pear and Ian. Pagkatapos nang mga sinabi ng mga ito ay naging maganda naman ang lunch time niya kasama ang mga ito.

​Pero tumatak talaga sa kanya ang mga salitang iyon.

Then, she started to think, lahat na lang ng mga nakakausap niya sa mga nakalipas na araw, lagi na lang may mga sinasabi ang mga ito na naiiwan sa kanya.

​First, Ian. Second, that stranger with a chipmunk voice. Lastly, Pearl's words.

Lahat ng sinabi ng mga ito, lagi na lang siyang hindi nilulubayan.

​Ang huli siguro ang pinaka hindi niya alam kung paano iha-handle. When you say "faith", it's a lot of trusting. Hirap na hirap na nga siyang magtiwala sa mga tao sa paligid niya, sa sarili niya... sa isang bagay pa kaya na hindi niya nakikita, naririnig, o nakakausap man lang?

Sure, there's God alright. Denise believes that He exists but the thing is, parang hindi naman na siya mahal ng Diyos. O baka hindi na siya naririnig sa mga dasal niya. Hindi niya alam. Parang hindi ganoon kadaling paniwalaan na kayang baguhin o ibalik lahat ng Diyos ang nasira na sa kanya.

​Masuwerte lang siguro si Ian at Pearl na nakakaramdam ng presensiya ng Diyos sa buhay ng mga ito. Isang panalangin lang yata ang dininig ng Diyos sa kanya at iyon ay ang pagdating ni Knud sa buhay niya. Kaso nawala lang rin.

Nawala sa pagkakatulala si Denise nang tumunog ang phone niya. Nag-text ang kuya niya mula sa ibang bansa.

From: Kuya Hendrix
Des, check your email. I already sent the copy of your itinerary ticket. Excited to see you!

Binuksan niya ang laptop niya at ang email account. True indeed, naka-attach sa email ng kapatid niya ang plane ticket na ito mismo ang nag-book for her. Tinignan niya ang date at time. May apat na araw na lang siya mula sa araw ngayon bago ang alis niya.

Nag-reply siya sa email ng kuya Hendrix niya at saka tumayo. Kinuha niya ang dalawang malalaking maleta niya at binuksan. Magsisimula na lang siyang mag-empake ngayon kaysa ang tumunganga lang dahil sa kakaisip kung ano nang gagawin sa buhay niya.

Malinaw naman na ang lahat sa kanya. She needs to go out of her comfort zone. Kailangan niyang tibagin ang mga pader na hinarang niya sa sarili, kailangan niyang i-expose na naman ang puso sa mga puwedeng makasakit rito, kailangan niyang  huwag nang matakot sa mga bagay na lagi niyang kinatatakutan na mangyari na naman.

She needs to let go of the pain, they said. But, how? Nagawa naman niyang i-set aside iyon dati nang hinayaan niyang mahalin na si Knud. Pero dapat pala hindi lang basta tinatabi iyon kundi dapat tinatapon. Kundi, bumabalik iyon kung kailan dapat masaya ka na.

Mahilig mang-asar ang tadhana. It trolls, damn it.

Hinakot niya lahat ng mga damit sa loob ng closet niya at nagsimula na rin siyang mag-lagay sa shoebag ng mga sapatos niya. Hinalungkat niya lahat ng gamit niya. Nag-decide ng mga hindi dadalhin at itatapon na lang.

Hanggang sa dumating ang gabi ay hindi pa rin siya tapos sa pag-e-empake. Hirap siya sa pagde-decide sa mga dadalhin at sa mga hindi kaya doon siya nagtatagal.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon