Chapter 24

8.6K 162 12
                                    

"Maybe sometimes love needs a second chance because it wasn't ready the first time around."

~o~

"A-ANONG sabi mo?"

Natawa si Gayle at kinindatan siya. "Well, hindi naman sinasabi ni Knud pero halata naman."

​Lihim siyang napangiwi. Anong halatang hindi pa ito nakaka-move on? Saan bandang halata na laging cool si Knud at hindi man lang nanginginig katulad niya? Saang parte na nagpapakita na hindi pa nakaka-move on sa kanya si Knud kung lagi siya nitong tinatanggihan sa mga dinner invites niya at una pang umaalis pagkatapos nilang mag-jogging?

Ang taong hindi pa nakaka-move on ay iyong katulad niya na palaging naghuhurementado ang puso kapag kaharap si Knud at laging parang nabubulol kapag nagsasalita. Iyong hindi pa nakaka-move on ay iyong katulad niyang lagi pang gustong makita si Knud at makasama.

​"Hindi ka naniniwala sa'kin?" tanong pa ni Gayle nang makita ang reaksiyon ni Denise.

"Well, Gayle, wala akong nakikitang kahit kapiranggot na sign."

​"Siyempre, itatago niya sa'yo. Hello? Alangan namang he will show you pa how he's still into you after all these years?"

Napahinto siya. Sabagay. Pero...

​"Kahit itago niya iyon, hindi niya mapipigil ang actions niya. Dapat it still shows," pakikipagtalo niya pa.

Gayle laughed. Pinunasan na nito ng panyo ang mga luha nito kanina.

​"Bakit? Ikaw rin ba, hindi pa nakaka-move on?"

She rolled her eyes. "Kapag sinabi ko bang naka-move on na 'ko, maniniwala ka?"

​"Um... Hindi."

Nagkatawanan sila.

​"Dapat magkabalikan kayo ni Knud!" biglang bulalas ni Gayle. "Dapat matuloy ang naudlot sa inyo. Because, really, Des... you and Knud are perfect together."

Gusto niya nga. Gusto niyang paniwalaan na para sila ni Knud sa isa't isa.

​Napatingin siya sa loob ng restaurant kung saan tanaw niya sina Knud at Kat. Nag-uusap ang dalawa. Hay. Sana lang talaga walang kabaliwang sabihin si Kat rito.

"Nasaktan ko na si Knud noon. Nakakahiya namang naka-move on na siya tapos saka ko guguluhin ulit."

​Napailing-iling si Gayle. "Kung naka-"move on" na nga siya. Well, if he really did, then... start from scratch, Denise."

Napakunot-noo siya at napatingin rito. "Huh? What do you mean?"

​Pilyang ngumiti ang kaibigan. "Ikaw naman ngayon, Denise. Ikaw naman ang sumuyo kay Knud. In short, ikaw ang maghabol at manligaw."

"What?! A-Ako ang manliligaw?!" Nanlaki ang mga mata niya. "No way!"

~o~

MALAKAS ANG pagkabog ng puso ni Denise habang bitbit ang tray ng breakfast na niluto niya. Maingat na nilapag niya iyon sa tapat ng pinto ng apartment ni Knud.

​Pagkatapos ay kumatok siya ng malakas. Sabi ni Gayle sa kanya ay gising na daw ng mga ganoong oras si Knud dahil naghahanda ito sa pagpasok sa trabaho. Dahil magkaibigan na ang dalawa ay alam na ni Gayle ang daily routine ni Knud. Dahil best friends na ulit sila ni Gayle ay pinaalam rin nito sa kanya ang mga whereabouts ni Knud.

Kumatok ulit siya ng malakas. Dinikit niya ang tainga sa pinto at narinig ang mga yabag ni Knud. Mas bumilis ang tibok ng puso niya. Nagmamadaling tumakbo siya papunta sa dulo ng fire exit para magtago.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon