Chapter 1

18.4K 234 8
                                    

"MAY KULANG pa ba?" tanong ni Denise sa sarili habang tinitingnan ang pagkain na nakahain sa lamesa.

            Kinuha niya ang checklist niya para tingnan kung lahat ng mga kailangan ay naihanda na at inisa-isa ang mga iyon.

            "All set! Si Knud na lang ang kulang," masayang sabi niya at saka tinignan ulit ang mga nakahanda sa lamesa.

            Ngayong gabi na ang uwi ni Knud mula sa trabaho nito sa Singapore kaya naman pinaghandaan niya nang mabuti ang pag-uwi nito. Ang supposedly one month lang na trabaho nito ay na-extend to three months kaya naman ganoon na lang ang excitement niya nang malaman na uuwi na talaga ito. She wanted to give him a little surprise kaya naghanda siya ng dinner para sa kanilang dalawa lang. She personally cooked everything.

            For the past three months na wala ito at inaasikaso ang trabaho sa ibang bansa, nag-aral siya na magluto para hindi na nito masita ang lifestyle niya... specifically, sa pagkain. Kung noon ay kontento na siya sa pagkain ng cup noodles at kung ano-anong pagkain na may preservatives, ngayon nagagawa niya ng magluto ng kahit simpleng putahe lang.

            Sa loob rin ng tatlong buwan na wala ito, marami na ang improvements sa buhay niya. Marami na ang nagbago... which is good.

            Kahit na nasa ibang bansa na ang pamilya niya ay consistent pa rin ang communication niya sa mga ito. Madalas silang mag-skype o kaya naman ay mag-chat sa Facebook dahil magastos ang long-distance call. They are like catching up sa ilang taon na hindi niya nakasama ang mga ito. Now, she feels like they are really a family at hindi na siya nag-iisa. May natatakbuhan na siya sa tuwing may mga problema siya o inaalala.

            Ang mga dating nakagawian kagaya ng paglabas kasama ng ibang lalaki ay hindi niya na rin ginagawa. Syempre, may namamagitan na sa kanila ni Knud especially now na nagka-aminan na sila ng feelings sa isa't isa. Kung titingnan nga ay ang kulang na lang sa kanila ay ang formal na pagtatanong nito kung p'wede na ba siya nito maging girlfriend dahil kung umasta naman sila ay parang magkasintahan na sila.

            Kahit nga na nasa malayo ito ay madalas pa rin silang mag-usap nito through long distance call at dahil mahal ang charge ay sinusulit nila iyon. Puro sweet talks lang ang nangyayari na akala mo ay mga teenager lang sila. Doon rin nila ine-express kung gaano nila ka-miss ang isa't isa.

            "Okay, mag-iingat ka lagi diyan, ha?" paalala niya rito bago niya ibaba ang telepono.

            "Ikaw din. Please, eat and sleep right. I miss you, Denise," malambing na sabi nito.

            Nakagat niya ang ibabang labi ngunit hindi pa rin napigilan ang ngiti niyang kinikilig. Gosh! She never taught na kikiligin pa siya ulit na parang noong nasa highschool pa siya. "I...I miss you, too, Knud...can't wait for you to come home."

            "Me, too. Ugh! I'm going to hug you tight pagkauwi ko ng Pilipinas! At hahalikan kita hanggang sa hindi ka na makahinga."

            "Knud!" saway niya rito dahil hindi niya na alam kung paano pa maitatago ang kilig. Gusto niyang isubsob ang mukha sa unan at tumili.

            He chuckled. "I miss you, Denise."

            "I know. Nasabi mo na kaya!" pambabara niya ngunit kinilig naman siya ulit.

            "And I still miss you."

            She rolled her eyes pero napakalaki na talaga ng ngiti niya. "Sige na, good bye. Matulog ka na at maaga ka pa bukas. Bye, Knud."

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon