Chapter 11

7.2K 100 2
                                    

Singapore. Months ago...

KNUD IS currently getting ready for his flight back to the Philippines. Everything is ready at sinisiguro niya na lang na wala na siyang naiwan sa mga gamit niya at kumpleto ang lahat ng papeles na kailangan nila.

Nang masiguro na maayos na ang lahat ay nagbalak na siya umalis doon pero bago pa man siya makalabas sa pinto ay nakatanggap siya ng tawag.

Ito ay mula kay Leo-ang Singaporean national na magma-manage ng business doon na katulong niya rin sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin nila roon. The call was regarding the problem in their business permits, the promotions and advertisements at mga issues sa pagpapadala roon ng books.

"I'm sorry to say this but I think you will have to stay here for another month," Leo seriously said.

Knud sighed. May magagawa pa ba siya? "Okay, no problem. I will be there as soon as possible."

Matapos ang tawag ay inilabas niya ulit ang ilang damit at nagbihis.

Ngayon ay wala siyang choice kung hindi mag-stay pa doon hanggang kailangan. Hindi siya p'wedeng bumalik sa Pilipinas with nothing. Kailangang maayos na ang lahat pag-uwi niya doon. At sa mga issues na nabanggit sa kanya, malaking pagsubok pa ang kakaharapin niya doon at hindi siya basta-bastang makakaalis na lang.

Nagmadali siyang pumunta sa isang law firm kung nasaan ang kasama ngayon. Kakausapin nila ang legal adviser nila at tutulong sa problemang kinahaharap.

Pagkarating niya doon ay agad niyang nakita si Leo, lalapitan niya na sana ito pero natigilan siya.

Nakita niya ang babae na katabi nito. Mas umiksi na ang buhok nito at kulot na iyon. Nakasuot rin ito ng dress and coat with matching high heels. Just different from what he expected that girl to be after so many years. She is even sweetly smiling at him.

Bigla niya tuloy naalala ang last memory niya na kasama ito...

"Come on! Give that back to me!" sigaw ng girlfriend niya na si Gayle nang agawin niya ang cellphone nito.

Nakatulog kasi siya sa sofa habang magkasama silang nanonood ng isang drama at kinuhanan siya nito ng picture. Ayaw kasi niya ang gusto nitong panoorin pero dahil sa girlfriend niya ito, pinagtyagaan niya na panoorin iyon. Ang kaso, dahil sa nabo-bored siya sa palabas ay inantok siya at nakatulog.

"Ide-delete ko lang ito tapos ibabalik ko na sa'yo," nakangising sagot niya rito.

"No! You can't do that! Magagalit ako sa'yo if you do! Iiyak ako, sige ka," pananakot nito para sundin niya ang gusto nito. "Akin na kasi!" anito habang inaabot ang cellphone sa kamay niya na itinaas niya para hindi maabot nito.

Dahil sa ayaw niyang ibalik ang phone ay umupo na ito sa sofa. Itinaas nito ang mga paa at sinubsob ang mukha sa tuhod. Natakot naman siya bigla kaya agad niya itong tinabihan.

"Sorry na, oh. Ibabalik ko na iyong phone mo. H'wag ka na umiyak," he said in defeat.

Nang ibinalik nito ang phone niya ay niyakap siya nito nang mahigpit.

"Ito na nga lang ang magiging remembrance ko sa'yo kung sakali, eh. Tapos gusto mo pang i-delete," malungkot na saad nito.

Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap nito upon hearing that.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What are you talking about, Gayle? Aalis ka ba?"

Iniwas nito ang tingin."I...K-Knud, I don't know how to tell you this but I think I have to."

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon