Chapter 9

11.3K 127 9
                                    

"OO NGA pala, Knud. I'm going out with Gayle tonight. Magba-bar kami," paalam ni Denise sa boyfriend.

Kasalukuyan silang kumakain nito ng lunch sa isang fast food restaurant. It is a Friday kaya naman naisipan nila na gumimik nito.

Natigilan ito sa pagkain. "P'wede bang h'wag na natin pag-usapan iyan? Kumakain tayo, eh. Mamaya magtalo na naman tayo," pag-iwas nito.

"If not now, when? After eating, babalik ka na sa trabaho. We'll be leaving tonight kaya nagsasabi na ako sa'yo," may pagka-inis na sumbat niya dito. "At saka ba't tayo magtatalo? Nagpapaalam lang naman ako sa'yo, ah? No, let me rephrase that. Nagsasabi lang ako sa'yo."

"Can you not go? Kung gusto mo mag-bar, ako na lang ang sasama sa'yo mamaya. Hindi ako mago-overtime."

"But it's different kapag ikaw ang kasama ko at kapag siya. Issue na naman ba 'to tungkol sa pag-iinom ko? Hindi ako maglalasing."

"Pero kahit na..."

"Kung hindi ba sa bar ang punta namin at mag-o-overnight lang ako sa kanila okay lang sa'yo?"

"Hindi pa din," matigas na saad nito. Halatang unti-unti na rin ito na nawawala sa mood.

She rolled her eyes. Alam niya na hindi ang lugar kung saan ang punta nila ang issue. It's all about Gayle. Para bang ayaw talaga nito na makasama niya ang kaibigan.

"See, the place or what we will do is not the issue here. The issue is her. Matanong nga kita, Knud. What's so bad about her? Bakit ba tutol ka na lumalabas ako kasama siya? Akala ko ba okay sa'yo na kahit papano may nakakasama na ako? Then why?" takang-takang tanong niya.

He sighed. "Oo. Okay nga sa'kin na may nakakasama ka na lumabas pero kapag siya ang kasama mo, hindi ako matahimik. I understand that she's your friend pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko tungkol sa kanya. I can't trust her when it comes to you," honest na sagot nito.

"May bad experience ka ba kay Gayle kaya ka nagkakaganito, Knud?" tanong niya rito na naging dahilan para matigilan ito. "Ito na naman tayo, eh. We're fighting again because of her! Can't you see? Ikaw ang dahilan ba't nagtatalo tayo dahil lang dito."

"So you're siding with her?" seryosong tanong nito sa kanya.

Now, she doesn't know how to answer. Para na siya nitong pinapapili and if she will have to choose, wala siyang pipiliin sa dalawa. Mahal niya si Knud pero matalik na kaibigan niya si Gayle.

"I'm not siding with anyone, Knud. I'm just being reasonable!" sigaw niya saka nag-cross arms.

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. "Knud, she is a really a good friend of mine. She's someone I know I can really trust. It's not like sinira niya ang friendship namin noon. I'm the one who did that. Pero tingnan mo, kahit ganoon, she's still there for me. Mas inuuna niya pa nga ako sa mga kailangan niyang gawin, eh. Hindi mo pa kasi talaga siya nakakasama kaya di mo pa siya kilala pero once you did, magiging komportable ka rin with her. Can't you just let me be with her?" pangungumbinsi niya pa rito. Para rin kasing unfair para kay Gayle na nabibigyan ito ng wrong judgment ni Knud.

"Denise..."

"Knud, please? Alam mo, mula nang makasama ko siya ulit, I've never felt this happy. Alam mo iyon? Masaya naman ako with you pero parang may kulang. Maybe it's because of friends. You know na wala ako noon. I feel even more complete with her. Please, intindihin mo naman ako," mahinahong sinabi niya dito. Kumikinang pa ang mga mata niya sa naiisip.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon