Chapter 25

10.5K 263 33
                                    

"Life is about trusting our feelings and taking chances, losing and finding happiness, appreciating the memories and learning from the past."

~o~

HINDI pa rin makalimutan ni Denise ang pagkapahiyang naramdaman nang mahuli siya ni Knud mismo sa akto kahapon.

​Hindi naman niya gustong tumakbo. Gusto niya namang maging honest kaso napangunahan na naman siya ng pride niya kaya tumanggi pa siya kahit buko na siya. Tumakbo pa siya paalis na tinatawanan ni Knud.

Mas lalo tuloy siyang nahiya. Parang lagi na siyang aasarin ng dating nobyo kapag nagkasalubong sila.

​Ang linaw na siguro para dito na siya ang nagdadala ng breakfast at sweet notes dito araw-araw...

Tawa nang tawa sina Gayle, Kat, at Trisha nang ikuwento niya sa mga ito ang mga nangyari.

​"Dapat umamin ka na," sabi ni Trisha.

"Eh hindi pa nga ako ready. Aamin naman ako pero huwag naman ganoon na biglaan."

​"Bakit ka kasi nagpahuli?" pang-aasar pa ni Kat.

"Alam mo ang mabuti pa, talk to Knud and tell her your intentions," usig pa ni Gayle. "Aminin mo na ang totoo at sabihin mong ginagawa mo iyon to win his heart back."

​Namula ang mga pisngi ni Denise. Naalala na naman niya ang itsura ni Knud nang nahuli siya nitong nag-iiwan ng breakfast sa tapat ng apartment unit nito... Nakangisi at nang-aasar...

Mabilis siyang umiling. "Ah, bahala na!"

​Kaya naman isang tanghali ay lumabas siya ng apartment para makipagkita kanina Ian at Pearl. Nasa may lobby na siya nang apartment building nang nakita niyang pumasok si Knud sa entrance.

Nanlaki ang mga mata ni Denise at bigla siyang tumakbo pasakay ng elevator. Nang pasara na ang elevator doors ay nagsalubong pa ang tingin nila ni Knud at nginisian pa siya nito na parang sinasabi, "Ikaw pala ang secret admirer ko! Huli ka!"

​Inirapan niya na lang ito at saka nagsara ang elevator doors.

​Dahil sa ginawa niyang pag-iwas ay na-late pa siya sa usapan nila nina Ian at Pearl.

​The next day, alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay nag-jogging na siya. Para naman by 5:30 AM ay tapos na siya sa laps niya. Mga 6 AM pa magjo-jogging si Knud kaya hindi sila mag-aabot.

Ang kaso, habang tumatakbo si Denise ay napasinghap siya nang makitang pasalubong sa kanya si Knud na nagjo-jogging rin!

​"Ugh, really?" naiinis na bulong niya sa sarili. Kaya namang imbes na masalubong ito ay napunta sa ibang direksyon ang paa niya. Tumakbo siya nang wala sa track para lang makaiwas kay Knud!

What the? Bakit ang aga rin nitong mag-jogging kung kailan maaga rin siyang nag-jogging? Pambihira naman!

​Noon, hindi niya alam kung paano makakalapit kay Knud. Ngayon namang gusto niyang umiwas hanggang sa hindi pa nawawala ang pagkapahiya niya ay saka naman sila laging nagkikita o nagkakasalubong! 'Yung totoo?

Napatingala tuloy siya sa kalangitan na unti-unti nang nagliliwanag. "Lord, huwag naman po ganito. Aamin naman po ako. Nagpi-prepare lang po ako... Huwag muna ngayon," mahinang dasal niya.

​Hingal na hingal si Denise pagbalik niya ng apartnment building dahil malayo ang tinakbo niya. Sa kagustuhang makaiwas kay Knud, ayun! Kung saan-saan siya umikot para makapag-jogging. Nawala pa ang pagbibilang niya ng laps!

Itutulak niya na pabukas ang entrance door papasok ng lobby nang may isang kamay ang naunahan siyang magbukas niyon.

​Agad siyang napalingon at nalaglag ang panga niya nang makita si Knud na nakangiti sa kanya. "Ladies, first," anito habang hawak pabukas ng pinto para makapasok siya.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon