Sorry for the late update. Enjoy reading! :)
---------------------
AFTER THE confrontation in Knud's place, hindi dumeretso sa bahay si Denise kung hindi sa mall.
Gusto niya na magpalamig na muna ng ulo lalo na't ayaw niyang magwala sa loob ng bahay. At least sa mall, hindi niya magagawang magwala at magsisigaw. She can contain her emotions sa mataong lugar. At that moment, gusto niya na maging stable ang emotions niya para makauwi na siya.
Sobrang naguguluhan siya. After hearing Knud's explanation, gusto niya itong paniwalaan pero hindi naman iyon ganoon kadali. He broke her trust for him once again. Ngayon, hindi niya na talaga alam kung ano nga ba ang totoo sa hindi at kung ano ba ang dapat niya pang paniwalaan.
Alam niya na ngayon kung ano ang totoong nangyari. Knud and Gayle told her everything at nagmatch naman ang sinabi ng mga ito.
Ang kaso, masyado siyang nasaktan sa mga nalaman at hindi agad iyon ma-i-process ng isip at puso niya. Masyado siyang nadala sa emotions niya.
Kung tutuusin ay wala namang mali sa mga nangyari. Nagkita sina Gayle at Knud sa Singapore because of work. But then, sinundan ni Gayle si Knud sa Pinas dahil sa gusto nitong bawiin si Knud pero ipinaliwanag naman ni Knud kay Gayle na girlfriend na siya nito pero hindi nito tinigilan si Knud.
Wala namang ginawang mali ang boyfriend niya.
Hindi ito nag-cheat sa kanya.
Kung may mali man, iyon ay ang itinago sa kanya ng dalawa ang nangyari.
Si Gayle lang siguro talaga ang may nagawang maling mali... dahil kahit na alam nito na boyfriend niya si Knud ay inakit pa rin nito ang boyfriend niya behind her back.
Argh! I don't want to think about it anymore! Pakiramdam ko mababaliw na ako!
Napasabunot siya sa sarili. She's in the mall para maglibang at hindi para lalong guluhin ang isipan. Iisipin niya na lang ulit iyon kapag nandyan na... kung sana ay ganoon lang kadaling gawin iyon kaso hindi.
Matapos mag-ikot ikot sa mall, manood ng sine at magkakain ng kung ano ay naging maayos kahit papaano ang pakiramdam niya. Hindi na siya naiiyak at hindi na rin niya gusto pang magwala dahil sa galit.
Gayunpaman, nalulungkot at disappointed pa rin siya. Hindi rin maiaalis ang fact na kahit gusto niya na lang kalimutan at isantabi ang mga nangyari, hindi naman iyon posible.
Nang mapansin na unti-unti nang nagsasara ang stores sa loob ng mall, nagpasya na rin siyang umuwi.
Pagkadating sa labas ng bahay na tinitirhan, natigilan siya nang makita si Knud na nakaupo sa labas at naghihintay. Obviously, siya ang hinihintay nito.
And right now, ayaw niya pa itong makausap. Alam niya na kakausapin at magpapaliwanag lang ito tungkol sa nangyari. She heard enough. Ayaw niya na paulit ulit pa na marinig iyon dahil mas lalo lang siyang masasaktan.
She needs time and space para i-absorb ang lahat at para matanggap iyon.
She tried her best to avoid Knud pero napansin siya kaagad nito kaya hinarang siya nito.
"Denise..." he said in a low voice. "Please, let's talk."
"I don't want to talk to you. Just go," taboy niya rito habang sinususian ang pinto ng bahay.
"No, maghihintay ako. Hindi ako aalis hanggang hindi mo ako kinakausap."
"Then just do what you want," malamig na sagot niya saka nagmadaling pumasok at sinaraduhan ito.
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
RomanceSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter