Chapter 3

13.4K 199 5
                                    


TAHIMIK lang na nakatingin si Denise sa dinaraanan ng sasakyan at napapansin niya na sa malayo na ang punta nila dahil ngayon ay papasok na sila ng expressway. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maisip kung saan siya nito balak dalhin. Ayaw niya rin naman na kausapin ito dahil kahit nagpaliwanag na ito ay nakakaramdam pa rin siya ng inis para rito. To a happy place? I wonder where.

Hindi siya nag-e-expect ng something big from Knud lalo na at hindi naman siya mahilig sa malalaking surprises. Masaya na siya sa simple things at na-a-appreciate niya naman kahit na ano pa 'yon... lalo na at galing kay Knud. Para sa kanya, hindi naman kailangan ng something grand para ipakita mo sa taong mahal mo kung gaano mo siya kamahal. Minsan, iyong mga maliliit na bagay pa nga ang mas naaalala.

"Sa'n mo ba talaga ako dadalhin? Make sure na makakauwi ako by tonight, ah? Marami pa akong kailangang gawin," may pagka-mataray na sinabi niya.

"You'll know once we get there. Don't worry, I'm sure you will like the place," he answered, smiling.

Parang gusto niyang paikutin ang mga mata. "May mga gano'n pang nalalaman. P'wede mo naman sabihin sa'kin kung saan ang punta natin."

Ngumiti lang ito as a sign of surrender. Alam naman kasi nito na he will never win kapag nakipagtalo pa ito sa kanya.

Hindi na rin naman siya nagtanong pa, knowing na wala rin talaga itong balak na sabihin sa kanya kung saan nga ang punta nila. She just focused sa dinadaanan ng sasakyan at habang tumatagal, unti-unti rin siyang nakakatulog...

~o~

"DENISE, wake up. We're here," gising sa kanya ni Knud.

Unti-unti niyang idinilat ang mga mata at agad niyang inayos ang sarili nang ma-realize ang nangyari. Nakatulog pala siya sa biyahe na hindi niya namamalayan! Siguro ay dahil na rin sa puyat at kulang pa siya sa tulog.

"Where are we?"

"Look outside."

Agad siyang sumilip sa labas and now she knows where they are. Nakatigil na ang sasakyan at nasa isang amusement park sila sa Laguna.

Mula noong bata pa ay isang beses pa lang siyang nakapunta sa amusement park. She's even too little para sumakay sa extreme rides kaya ang nagagawa niya lang na sakyan noon ay ang mga pambata o kaya naman ay maglaro sa playground. Ni hindi niya alam ano ang feeling na makasakay sa mga nakakatakot na rides.

"So this is the happy place you are talking about?" tanong niya na akala mo ay ayaw niya sa pinuntahan nila but she really is excited na makapag-ikot ikot sa loob at sumakay sa rides.

"Don't you like it?"

"Hmm, puwede nang pagtyagaan. Let's go!" She tried to suppress the excitement. Ayaw niyang makita ni Knud na gusto niya kung saan siya dinala nito.

Nagmadali siyang lumabas ng sasakyan dala-dala ang shoulder bag niya. If she only knew na sa ganoong lugar ang punta nila, eh di, sana nakapaghanda siya? Bakit kasi may biglang paghila pa itong nalalaman?

Mabuti na lang at naka-pantalon at longsleeves siya. Kung nagsuot siya ng skirt, maling-mali talaga ang outfit niya. Ang kaso, she is wearing shoes with heels. Kasi naman sa office talaga ang punta niya kundi lang siya nito biglang "k-in-idnap".

"You're going in like that?" tanong sa kanya ni Knud. He is actually referring to her shoes.

She raised her eyebrow. "Why not? Wala namang problema, ah? Kaya ko naman maglakad at tumakbo in heels,"

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon