Chapter 22

6.4K 140 20
                                    

Always be true to your feelings. Because the more you deny what you feel, the stronger it becomes.

~o~

"DENISE!!!"

Napalingon si Denise sa tumawag sa kanya. Agad siyang napangiti nang makitang patakbong lumapit sa kanya ang kaibigang si Kat.

​"Denise!" patiling tawag nito sa kanya at nang makalapit ay agad siyang niyakap nang mahigpit.

Natawa siya ngunit niyakap niya rin ito pabalik. "Kat! Kumusta na?"

​Hinarap siya nito at ang laki ng ngiti ito. "Mabuti naman ako, as always. Busy lang sa trabaho. Pero..ihhh! Nandito ka na sa Philippines! I'm so happy!" masayang-masayang bulalas nito.

Last year ay nagbakasyon si Kat sa Canada at sa restaurant na pinagta-trabahuan niya kung saan sila unang nagkakilala. Hanggang sa nagpalitan sila ng numbers, naging friends sa FB, at palaging magka-chat. They formed a friendship kahit nasa magkabilang panig sila ng mundo.

​Isang taon pa lang silang magkakilala at madalas na sa Facebook at Skype lang sila nagkakausap ngunit kakaiba na agad ang nabuo sa kanilang pagkakaibigan.

Isa iyon sa mga natutunan ni Denise sa limang taong lumipas. Ang magtiwala ulit at magkaroon ng mga kaibigan.

​"Ikaw ba, kumusta na?" tanong pa nito. "Dito ka na talaga sa Pilipinas titira?"

Tumango siya. "Basta kapag naayos na namin ni Kuya Hendrix ang negosyo namin at nakahanap na siya ng mabibiling rest house para sa parents namin, dito na talaga kami for good.

​Kumislap ang mga mata ni Kat at impit na napatili. "Yey! Mas malaki na ang chance na magkita tayo lagi. At saka mapupuntahan na lang kita ng mas madali at mabilis!"

Natawa siya dahil tunog na excited na bata ito. Kundi pa siguro sila nasa isang public place ay tumalon-talon na ito. Nakakahawa ang pagiging masiyahin at energetic ni Kat. Na-excite din tuloy siya dahil totoong mas posible na silang magkita lagi at hindi na lang aasa sa Skype o sa Facebook video call. Isa si Kat sa malalapit niya talagang kaibigan ngayon.

​"Halika na, kain na tayo?" aya niya rito. "Baka mag-tumbling ka pa rito dahil sa tuwa mong makita ako," natatawang sabi niya.

"Ay nako, teh! Hindi lang ako ta-tumbling! Magka-cartwheel pa 'ko kung puwede lang dahil nagkita na ulit tayo in person!" Niyakap na naman siya nito. "Sorry, clingy ako. Magsawa ka sa'kin."

​She laughed and tapped her shoulders. "Walang problema, iyan!" Umabrisite siya rito. "Clingy din ako. Magsawaan tayo."

Tumawa rin ito at saka na sila naghanap ng makakainan.

​"Buti pinayagan ka ng Kuya mo na gumala lang ngayon? Eh, diba mag-aasikaso pa kayo ng mga kailangan para sa restaurant na itatayo niyo?" sabi ni Kat habang naghihintay sila ng orders nila.

"Siya muna daw bahalang maglibot around Metro Manila and Quezon City. Kapag may mga nagustuhan siya, saka niya 'ko dadalhin sa mga places para makita ko kung gusto ko rin ba."

​Tumangu-tango ito. "Buti nga iyong ganoon. Eh, kumusta na pala doon sa tinitirhan niyo ng kapatid mo na apartment?"

"O-okay naman, I guess..." Bigla niyang naalala ang unang pagkikita nila ni Knud after five years. Kahapon lang iyon pero nagre-replay talaga sa utak niya ang pagkikita nila sa elevator at paanong cool na cool si Knud sa biglaang pagkikita nila. She can even remember how he looked like. "Doon ako nakatira dati, nabanggit ko sa text ko sa'yo, hindi ba? Kaya alam ko iyong lugar at k-komportable ako."

​Tinitigan siya nito ng mataman. "Doon din nakatira iyong ex-boyfriend mo, di'ba? Nandoon pa rin ba siya?" maingat nitong tanong.

Alam ni Kat ang tungkol kay Knud dahil pahapyaw niya nang nakuwento rito ang naging relasyon nila ng binata. "Hm, oo...doon pa rin siya n-nakatira. N-Nagkita nga kami kahapon. Nagkasabay sa elevator, actually."

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon