Chapter 6

8K 141 9
                                    

DAHIL SA gulat na makitang nandoon si Knud ay napahiwalay siya agad sa lalaki. Para siyang nakakita ng multo nang makita si Knud na nakatayo lang at nakatingin ng masama sa kanila. Pakiramdam niya ay nawala ang kalasingan niya dahil sa nangyari.

Hindi na rin naman siya nagtataka na alam nito kung nasaan siya dahil doon naman originally ang punta nila kung sakaling natuloy sila nito. Sadyang mag-isa na lang siya na nagpunta doon since wala nga ito. Ang ikinatataka niya lang, Knud is there... this early! Hindi niya ini-expect iyon lalo na't ang akala niya ay late na talaga ito matatapos.

"What's the problem?" nagtatakang tanong ng lalaking kasayaw.

Binalewala niya lang ang tanong sa kanya ng lalaki na animo'y hindi ito narinig at naglakad na lang papunta kay Knud.

Now, she has to explain herself.

Dahil sa kalasingan, na-out of balance siya pero Knud caught her just in time para hindi siya tuluyang matumba.

"Knud..."

"You're reeking of alcohol and you're drunk. I-u-uwi na kita," sabi nito sa kanya.

"Knud, let me explain."

Hindi siya nito pinansin at umupo lang ito sa harap niya.

"Sumakay ka sa likod ko," utos nito in an authoritative voice at binalewala lang ang sinabi niya rito.

"Knud..."

"Hindi ka sasakay?" tanong nito na animo'y nagagalit na.

Kumapit na lang siya sa leeg nito at sumakay sa likuran nito like what he wanted her to do. Binuhat siya nito palabas ng bar na iyon. Nanatili na lang siyang tahimik lalo na't mukhang galit na ito. Yumakap na lang siya dito ng mahigpit.

She really wanted to spend her birthday with him pero wala ito... Mas inuna nito ang trabaho kaysa sa kanya. Nagtatampo rin naman siya dito kahit papano. If only he was there, hindi sana siya umabot sa point na may kasayaw na iba at nahuli pa nito. Hindi niya naman din inaasahan that Knud will show up there at an unexpected time.

Sa totoo lang ay alam niya na wala siyang ginagawang masama. She just wants to explain herself to Knud para hindi ito mag-isip ng hindi maganda. It was never her intention to do that. Pero mukhang wala ito sa mood to hear her.

Tahimik lang sila hanggang sa maihatid siya nito pauwi sa maliit na bahay na tinitirhan niya. Hindi na rin naman siya nagpilit pa na mag-explain. Pinakikiramdaman niya lang ito at pinapalipas niya ang pagkalasing. That way, baka makinig na ito sa kanya.

Pagkapasok sa bahay ay tahimik pa rin sila nito. Magkatabi lang sila na nakaupo sa gilid ng kama pero hindi sila nag-iimikan. It's like they want to say something sa isa't isa but no one wants to be the first to talk.

"Wash up. Matulog ka na para makaalis na rin ako," anito.

"Hindi mo man lang ba ako kakausapin tungkol sa nakita mo kanina? Won't you let me explain before you go?"

Hindi ito sumagot. Instead, sapilitan siyang hinila nito patayo at papunta sa CR. Kinuha nito ang toothbrush niya, nilagyan iyon ng toothpaste at pinagtoothbrush siya nito. Matapos no'n ay hinilamusan din siya nito ng mukha. Halatang ayaw siya nitong kausapin at galit ito.

She can understand why he is acting that way. Hindi niya naman ito masisisi. She doesn't know how long he's been standing there and watching her. At ang galit nito, nagmula lang sa isang misunderstanding! She wants to correct that pero hindi naman siya nito binibigyan ng chance.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon