Chapter 5

7.6K 138 4
                                    

THREE MONTHS passed. Mabilis na nagdaan ang mga araw, linggo at buwan para sa kanilang dalawa. They were both busy with their own careers but in spite of their busyness, naitawid nila ng maayos ang first three months ng relationship nila.

            Knud never stopped courting her kahit na sinagot na niya ito. Palagi pa rin itong nag-e-effort na pagsilbihan siya. Madalas pa rin siya nitong dinadalhan ng pagkain at kung hindi man ito ang personal na nakakapagdala noon ay ipinapadala nito sa assistant nito o nagpapadeliver ito para sa kanya. Ganoon ang ginagawa nito para masiguro na nakakakain siya sa oras lalo na't sa tuwing nagsusulat siya ay nalo-lost track siya sa time.

            Dahil sa walang pasok si Knud tuwing Linggo ay nagkikita sila nito. Kung hindi sila magste-stay sa bahay ni Denise, doon sila sa tinitirhan ni Knud o kaya naman ay lumalabas sila nito. 'Yon na ang araw na inilalaan nila para sa isa't isa pero paminsan minsan ay hindi rin naiiwasan na kinakailangan ni Knud mag-overtime kaya hindi natutuloy ang mga lakad nila.

            Sa loob rin ng tatlong buwan na iyon ay hindi naiiwasan ang mga pagtatalo pero they see to it na naayos iyon kaagad. Hindi hinahayaan ni Knud na magkaaway pa rin sila pagtapos ng araw. Minsan, kahit na siya ang may kasalanan ay ito na lang rin ang nagpapakumbaba para magkaayos lang sila lalo na't ayaw niyang magpatalo rito.

            That's how they survived the first three months of their relationship as a couple.

            And for tonight, kahit na Friday ay lalabas sila dahil birthday niya. Knud promised to take her out for dinner and grab some drinks at the bar afterwards. Minsan na kasi siya nitong tinanong kung ano ang gusto niyang gawin at dahil na-miss niya rin ang mag-party ay sinabi niya na gusto niyang pumunta sa bar. Hindi rin naman siya hahayaan nito to go at the bar alone.

            Tiningnan niya ang ilang dress na nakalatag sa kama. She is choosing what to wear. Alam niya na ayaw ni Knud na nagsusuot siya ng mga provocative na damit. Well, she can understand since ayaw lang naman nito na mabastos siya kaya naman she is putting into consideration ang mga ayaw nito.

            But still! Ngayon lang uli siya makakapunta sa bar... Kaya, she wanted to look really good.

            In the end, pinili niya ang plum halter neck dress na hanggang above the knee ang haba—which she partnered with black pumps. She also let her curly hair down at naglagay ng semi-smokey eye make-up and red lipstick.

            Napatingin siya sa phone niya. It's already 7:15 PM. Ang usapan nila, 7PM siya nito susunduin. Late na siya natapos sa pag-a-ayos yet wala pa rin ito. Where is he? What's taking him so long?

            Tinext niya na ito saying that she's ready. Naisip niya rin kasi na baka naman may surprise pa ito sa kanya kaya hindi pa ito dumadating at hinihintay lang nito ang text niya. Knowing Knud, mahilig din itong manorpresa even with the smallest things.

            Well, hindi niya naman din maiwasan mag-expect kahit papano since it's her day.

            She waited...

            And waited...

            Nawawalan na ng pasensya si Denise unti-unti. Nakahalukipkip na siya at hindi na maipinta ang mukha.

            An hour passed but there are no signs of Knud. Walang texts o kung ano man. Now, she's starting to worry. Nagtataka na siya kung bakit wala pa ito.

            Familiar na familiar sa kanya ang feeling. It's just like the night she's been waiting for him to come home from Singapore.

            Hindi na siya nakatiis pa and instead of just waiting, kinuha niya na ang phone niya para tawagan ito. Naka-ilang ring din bago nito sinagot ang phone.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon