Chapter 4

9.8K 163 6
                                    

IT WAS the longest and sweetest kiss they ever shared. Kaya tuloy mas lalong nahalata nina Denise at Knud ang damdamin sa isa't isa.

And it would be stupid kung patuloy pa ring makikipaglaban si Denise sa feelings niya. Gusto niya talaga si Knud. Since before he left for Singapore, alam na niya iyon.

Siguro nga, she should believe him now. Siguro, puwede niya nang kalimutan ang isang buong buwan na nawala ito bigla. Nagpaliwanag naman na kasi ito ng mabuti at siya na lang ang nagmamatigas.

"So... what now?" marahang tanong ni Knud nang matapos ang halik.

Denise knew that she's on top of her happiness dahil sa buong araw na pinagsamahan nila. Kaya kung hindi niya lang napigil ang sarili ay baka hinatak niya na ito sa loob ng bahay niya. Then maybe they can make love.

But no. Nasa katinuan pa naman siya. But really, she does not want to let go of Knud anymore. Ngunit hindi rin naman wais kung sabihin niya agad rito na "sila" na from that they on.

Denise sighed and stood straight. "Knud..." Tiningala niya ito. "I'm giving you another chance."

Nanlaki ang mga mata nito. "A-Another chance? What do you mean by that? T-Tayo na ba?" parang sabik na bulalas nito.

Kumunot ang noo niya at itinulak ito sa dibdib. "No," umiiling na sabi niya. "Ano ka, sinusuwerte?"

"Pero anong ibig mong sabihin?"

Humalukipkip siya. "Ligawan mo ako..." mahinang sabi niya.

Tumingin ito sa kanya nang matagal na para bang sinusuri nito kung tama ba ang pagkakarinig sa kanya. Literal na nakatanga si Knud sa kanya.

She rolled her eyes. "Nang nasa Singapore ka naman, nililigawan mo na ako, di'ba? Siguro, let's just continue where we left off. Understand?"

Marahang tumangu-tango ito at pagkatapos ay ngumiti. "Alright! I think it's just fair. I'll woo you and kahit matagal bago mo 'ko sagutin, ayos lang. Basta binigyan mo ulit ako ng chance to prove myself to you." Parang hindi na mawala ang ngiti sa mga labi nito. "Thank you, Denise."

Pinigilan niya ang mapangiti dahil sa halatang excitement ito na ligawan siya. Kunwaring umubo siya at saka tumalikod na para pumasok ng bahay. "Good night, Knud."

"Good night, Denise... Pupunta ulit ako bukas dito, ah?"

Tinaas niya lang ang kamay at pagkatapos ay pumasok na siya ng bahay. Agad na sinara ni Denise ang pinto at hindi niya agad binuksan ang ilaw. Tumingin muna siya sa labas ng bintana para makita si Knud.

Halos matawa siya nang makita si Knud na parang masayang-masaya na naglalakad pabalik sa kotse nito habang sumusuntok-suntok pa sa ere.

Tuluyan na siyang natawa nang makitang parang napasayaw ito dahil sa tuwa. Kumembot ng kaunti ang balakang nito at gumagalaw-galaw pa ang ulo.

Napa-facepalm na lang si Denise at napailing-iling. Knud's crazy!

But he can make her smile. She needs a guy like that.

~o~

TULUY-TULOY si Denise sa pagtatype sa keyboard para sa sinusulat niyang romance novel nang may kumatok sa pintuan ng bahay niya.

Hindi niya na kailangang magtaka kung sino ang nasa labas. For the past six weeks, laging si Knud lang naman ang pumupunta sa bahay niya.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon