Chapter 18

6.2K 139 7
                                    

"Stop hating yourself for everything you aren't. Start loving yourself for everything you are." -The Good Quote

~o~

"PAG-ISIPAN mo rin, hija. Please?" malambing na sabi ng Mama ni Denise mula sa kabilang linya ng telepono. "Nami-miss ka na namin. I miss you so much, anak. Kahit kami nang bahalang umasikaso sa plane ticket mo at lahat ng kailangang ayusin na papers para makapunta ka rito."

​Lihim na napabuntong-hininga si Denise habang pinag-iisipan ang sinabi ng Mama niya. They've been talking for three straight hours already! Nakailang ulit na rin itong binanggit ng pagpunta niya sa Canada para daw magbakasyon o kaya ay tumira na rin daw doon kasama nila.

Nabanggit niya lang sa ina na tapos na ang relasyon niya kay Knud ay pinilit na siya nitong sumunod na sa Canada.

​Actually, simula nang magkaayos silang mag-ina at magkakapamilya ay iyon na ang kinukulit sa kanya ng mga ito. Ang magpunta na rin ng Canada para magkakasama-sama na sila.

Pero katulad ng dati, she refused it a couple of times. Laging dahilan niya, may kontrata pa siya sa publishing house, at gusto niyang ipagpatuloy ang pagiging independent. Nang sila pa ni Knud, isa rin iyon sa mga nirason niya. Her family respected that.

​Kaya rin minsanan lang siya tumawag sa mga magulang dahil ayaw niyang makulitan sa Mama niya.

"Denise?"

"Yes, Mama. I'm still here." Humiga siya sa kama at nakipagtitigan sa kisame habang kausap pa rin ito sa telepono.

​"Basta, anak, please reconsider it. Mag-iisang taon na tayong hindi nagkikita. Miss na miss ka na namin." Napabuntong-hininga ang Mama niya. "Alam naman naming sanay ka nang mag-isa at mamuhay independently. But, Des, you're still young. You're still my baby. Come here and let me pamper you."

Natawa naman siya sa sinabi ng Mama niya. If there is one thing na sobrang nami-miss niya mula sa nanay niya, iyon ay ang pagpapamper nito sa kanya. "I'll reconsider it, Ma. Pag-iisipan ko pong mabuti," sabi na lang niya. Ngunit magulo talaga ang utak niya ngayon.

​Her thoughts are clouded. Parang ang ginawa na lang niya buong araw sa araw-araw ay ang tumunganga at mag-isip kung anu na naman bang gagawin niya sa buhay niya.

Dati, she knew that she'll be fine having again the life she used to have before Knud came. She's going to party all night, that's her plan. Pero tinamad na rin siya. At first, it is fun for her since it is something na matagal niyang hindi nagawa pero as time pass, nakaramdam na siyang may mali kung babalik siya sa dati niyang gawain.

​Another, iyong offer ni Ian na hanggang sa ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya... or is she really thinking about it? Basta ang alam lang niya, nahuhuli niya ang sariling nakatingin sa cellphone number ni Ian para tanungin na ito sa iba pang details ng sinasabi nitong puwedeng "makatulong" sa kanya.

Pero, parang ayaw niya na lang rin na maabala pa ang ibang tao dahil lang sa problema niya sa sarili niya. She's independent. She can handle this.

​"I really hope you'll agree this time, anak. Because we need and want you back. I love you, alright? Call again, tomorrow."

"Alright, Ma. Bye..." matamlay na sabi niya at saka binaba at pinindot ang End call button ng cellphone.

​Napaupo siya sa higaan at napatingin sa labas ng bintana ng kuwarto niya. Marami siyang nakikitang bata na naglalaro sa kanto. May mangilan-ngilang sasakyang nagdaraan.

She does not know why but she's secretly hoping that Knud would pass by.

​Ugh. Nasabunot niya ang buhok dahil napu-frustrate na siya sa sarili. She pushed him away and now, hinahanap-hanap niya ito. Tama nga si Ian. Lagi siyang undecided. Paiba-iba ng gusto. Pabugso-bugso ang mga ginagawa. Ngunit hindi niya na iyon mapigilan. Dahil siya iyon. Iyon ang pagkatao niya.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon