Chapter 2

13K 199 7
                                    

"DENISE...please. Let me in. Pakinggan mo 'ko..."

            Matalim na tinignan ni Denise ang nakasarang pintong binalibag niya sa pagmumukha ng lalaking ginawa siyang tanga. "Go away, Knud," matigas niyang sabi at saka tinalikuran ang pintuan.

            "Denise!" sigaw pa rin nito mula sa labas. "Listen to me."

            Siya namang nagmamatigas ay hindi maihakbang ang mga paa palayo.

            Kumatok ito ng kumatok. "Just give me three minutes to explain everything to you. Please, Denise... makinig ka naman sa'kin , o. Akala mo ba iyong isang buwan na hindi tayo nagkausap, masaya ako? Hell, no! I missed you!

            Missed? Siya? Na-miss nito? Oh, come on! Sino ang niloloko nito?! "Hoy, Knud, huwag mong pinapaikot ang ulo ko. Kung talagang nami-miss mo 'ko, kahit isang text, o chat, o email man lang nagpadala ka para sabihin sa'kin kung buhay ka pa ba o hindi na!" nanggagalaiting sabi niya.

            "Denise, open the door!" pagmamakaawa nito habang patuloy pa rin sa pagkatok. "Mas magkakaintindihan tayo kung walang pinto sa pagitan natin."

            Napaismid siya at kumuyom ang mga kamay. "Manigas ka!"

            "Denise..."                

            Gusto na talagang lumayo ni Denise sa pintuan, pumasok ng kuwarto niya, at magtalukbong ng mga unan at kumot para hindi na marinig ito ngunit...hindi niya magawang utusan ang sariling katawan.

            Nag-aagaw ang isip niya kung iignorahin ba ito at hahayaan itong magmukhang tanga sa labas. Aba! Dapat lang iyon dito! Considering the fact that she also looked stupid for the past month without any news from him! Nagawa niya pang maghabol at magtanong ng kung sinu-sinong tao para lang malaman kung anong nangyari rito.

            But her heart was biased. Gusto niyon buksan ang pinto at pakinggan ang mga paliwanag ni Knud. Her heart was willing to give him the benefit of the doubt.

            "Denise..." muling tawag ni Knud sa nagmamakaawang tono.

            Nagtagis ang mga bagang niya at hindi na alam kung anong gagawin.

            Again, it's the battle between the mind and the heart. Damn it!

            "Hindi ako uuwi hanggang sa hindi tayo nag-uusap ng matino, Denise," matatag na sabi ni Knud. "Alam ko na iyang ugali mong iyan. Nagmamatigas ka na naman."

            "So, what?!" mataray na sabi niya at saka na naman napaharap sa pintuang nakasara. "May karapatan akong maging ganito. Ang ayos ayos ng usapan natin ng gabing iyon, Knud, tapos bigla kang mawawala na parang bula at pagkatapos ng isang buwan, babalik ka ulit? And take note, ha? Kahit isang paramdam, wala! And now, you expect me to welcome you with open arms? Asa!"

            "Uh...well, yeah. With a kiss, perhaps?"

            "Fuck you! H'wag mo 'kong dinadaan sa pa-ganyan ganyan mo!"

            "Mag-usap kasi muna tayo ng maayos. Kapag narinig mo na ang paliwanag ko at saka ka magdesisyon kung magiging ano tayo."

            "Tayo? Baka nakakalimutan mo? Wala pang 'tayo', Knud, pero ngayon pa lang pinagmumukha mo na 'kong tanga!" hasik ni Denise at saka hinampas ng malakas ang pinto. "Just go back to where you came from!" taboy niya ngunit kulang sa diin.

            "Three minutes. Just give me three minutes, Denise."

            Hindi siya sumagot.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon