TAHIMIK lang si Denise habang humihigop ng mainit na sabaw. Nakaupo na siya ng maayos sa kama ni Ian habang kumakain ng agahan. Hindi niya na tinanggihan pa ang pagkain na hinanda ni Ian dahil gutom na rin siya.
Si Ian naman ay nakaupo sa harap niya at tinitignan siya. "Mga thirty minutes ka nang hindi nagsasalita...okay ka lang ba talaga?" paninigurado pa nito.
"Uh...I don't know what to say. S-saka kumakain ako," sagot niya na lang dahil halatang nag-aabang ito ng sasabihin niya mula pa kanina.
Hindi pa rin alam ni Denise kung bakit sa lahat ng oras na puwede silang magkita ulit ng dating nobyo ay kagabi pa kung kailan nasa nakakahiya siyang sitwasyon.
But she should thank him, right? Ito ang sumagip sa kanya mula sa lalaking manyakis na pinipilit ang sarili sa kanya. Ito ang "kumupkop" muna sa kanya nang mawalan siya ng malay kagabi.
Tumangu-tango ito. "Sabihin mo na lang kapag may kailangan ka pa."
Lumipat ito sa isang leather couch na nasa may gilid ng kama at doon na umupo. He crossed his arms over his chest then looked at her.
"Can you stop staring?" tanong niya habang nilalayo ang tingin rito. She continued eating.
"Sorry. Hindi ka pa kasi talaga nagsasalita mula kanina. I'm just observing you. Baka traumatized ka pa sa nangyari kagabi."
Halos hindi niya na nga maalala in full detail ang mga nangyari kagabi. Basta ang alam niya lang, muntikan na siyang ma-rape. Pero hindi naman iyon ang unang pagkakataon na muntikan na siyang mapahamak.
Biglang pumasok sa isip niya si Knud. Naramdaman niya ang pagkurot sa puso ngunit agad niya iyong inignora.
Sumubo siya ng kapirasong slice ng white bread na may peanut butter. Ngumuya-nguya muna siya bago marahang bumaling ulit kay Ian. "Hindi ko na iniisip yung kagabi. I'm shocked now, honestly. Hindi ko inaasahan na...ikaw ang sumagip at nag-asikaso sa'kin. Thank you, by the way."
Mag-iisang taon na mula nang huli silang nagkita ni Ian at nang pinatawad niya na ito sa hindi pag-ako ng responsibilidad sa kanya noon. Ang huling kita nila ay in-good terms na sila pero wala na siyang naging balita rito pagkatapos.
Tumango ito. "Good thing I was there at that time. Actually, pagkapasok mo pa lang sa bar, nakita na kita but I had a hard time to approach you... hindi ka na kasi umalis ng dancefloor. Hanggang sa napansin kong parang pilit kang hinihila ng lalaki kagabi. Then, I heard you shouted for help."
Ganoon pala. Mapait siyang napangisi. "Siguro naabala pa kita sa fun time mo kagabi. Sorry about that.""No. It's fine. May pinagsamahan naman tayo, Denise. Ayokong mapahamak ka. Lalo na at wala ka na talaga sa huwisyo kagabi. You drank too much."
She secretly winced. Yeah, she's probably wasted last night. But fortunately, wala namang matinding pagmamartilyo ang nararamdaman niya sa ulo ngayon. Kaya okay lang siya talaga. Gutom lang.
"Bakit ka nga pala mag-isa kagabi? Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo...what's his name again? Knud?"
Oo nga pala. Ang huling pag-uusap nila ni Ian, ang alam nito ay boyfriend niya si Knud kahit hindi naman. Isang taon na pala ang nakakalipas. Ang tagal na magmula nang una siyang lapit-lapitan ni Knud. Pero ngayon...
Damn! Bakit ba isip pa rin siya ng isip kay Knud? Hiniwalayan niya na nga, siya pa rin ang isip ng isip?
"Wala na kami," simpleng sagot niya kay Ian.
"Oh?" Napahawak ito sa baba. "You were calling his name yesternight. So, I thought..."
Natigilan si Denise at bahagyang nanlaki ang mga mata. Nabitin pa ang isusubo niya sanang sliced orange fruit na kasama sa breakfast tray.
Ginawa niya iyon kagabi? She's been calling Knud's name? But...
Unti-unti siyang nagpakawala ng hininga at piniling huwag na lang sagutin si Ian. Nahalata yata nito na hindi siya interesado sa pinag-uusapan. So he shifted the topic.
"Anyway, if you want to take a shower, you can use the bathroom. May mapapahiram din ako sa'yong fresh clothes, so, don't hesitate to wash up in case you're feeling uncomfortable," he kindly said.
Napamata siya rito. Tinitigan niya ito at ganoon pa rin naman si Ian. Guwapo, malinis tignan, at lalaking-lalaki ang mga kilos. Pero ramdam niyang may nagbago na rito. Hindi niya lang matukoy kung ano.
Is it his aura? Malakas kasi ang dating lagi ni Ian kahit noong mga teenagers pa sila. He's full of himself. He's kind of arrogant and closed to being vain...but now, iba talaga ang dating nito...
Napailing-iling na lang siya at tinapos na ang pagkain. Uuwi na rin siya agad pagkatapos. Ayaw niya nang mas maabala pa si Ian. Tama na ang mga ginawa nito kagabi to keep her safe.
Tumayo si Ian pagkatapos makitang tapos na siyang kumain. Kinuha nito ang tray at inilabas. Siya naman ay tumayo na at inayos ang sarili.
Pagkatapat niya sa salamin ay wala nang bahid ng make-up ang mukha niya. Hindi pa nasusuklay ang magulo niyang buhok at oversized pa masyado ang pinatong na sweatshirt sa suot niya kagabi. Mukha siyang nawawalang bata sa itsura.
Napabuntong-hininga siya nang makita ang mga mata sa salamin. The glow were no more to be seen. The twinkle in her eyes when she was in love were not there as well.
Kinamay niya na lang ang pagsusuklay sa buhok. Pagkuwa'y hinanap niya ang sapatos at agad na sinuot. Pagkalabas niya sa kuwarto ni Ian ay nakita niya ang lalaki sa kusina nito.
Tumikhim siya. "Ian," she called.
Nilingon siya nito at nginitian. "Aalis ka na ba agad? You can still stay if you want."
Mabilis siyang umiling. "I really need to go home na rin... Uhm, can I keep this sweatshirt for a while? Ibabalik ko rin." Hinubad niya kanina iyon ngunit nang makita niyang masyadong sexy ang suot niya ay ibinalik niya rin ang sweater.
"Sure. Kahit huwag mo na ibalik, ayos lang rin." Humarap na ito sa kanya at may kinuha sa ibabaw ng kitchen counter. "Ihahatid na kita."
"No, no..." tanggi niya. "I'll take a cab. You don't have to bother. Alam kong busy kang tao, Ian. Baka nade-delay na ang mga trabaho mo dahil nandito ako."
"Nope. I insist. Ihahatid na kita," pagpupumilit nito. "Para naman hindi na 'ko mag-aalala na baka sa masamang taxi ka pa matapat."
She wrinkled her nose. "Nakatirik na ang araw, Ian. Hindi naman siguro ako mapapahamak."
Ngumisi ito. "Walang oras ang panganib, Denise. You can never tell." Binulsa nito ang isang kamay sa suot nitong walking shorts. "Sige na. Ihahatid na kita," pinal na sabi nito na parang hindi niya na puwedeng tanggihan.
Noong magnobyo pa sila ni Ian ay ganoon rin ito. Kapag may pinal na itong salita, hindi na siya makakatanggi kahit anong tanggi niya.
Binuksan ni Ian ang main door ng tinitirhan nitong condominium unit. Iminuwestra nito ang kamay kaya naman nauna na siyang lumabas.
Habang naglalakad na sila papunta sa parking area ay nakasunod lang siya kay Ian. He was trying to make a conversation ngunit tamad na tamad siyang sumagot.
"Kumusta ka na pala, Denise?"
"Okay lang naman."
"How about your job?"
"Okay lang din."
"Kasama mo ba ang parents mo ngayon?"
"Hindi.
"Ah. Nasa ibang bansa pa rin sila?"
"Oo."
"Kumusta naman sila doon?"
"Maaayos naman." Bigla niyang naalala. Kailan nga ba siya huling tumawag para kumustahin ang pamilya? Nakalimutan niya na.
Hanggang sa makasakay sila ng kotse ay si Ian ang tanong ng tanong at siya...wala nang kuwenta kausap. But Ian kept on talking to her. Malayo ang tinitirhan ni Ian sa bahay niya kaya baka abutin ng isang oras ang biyahe. Lalo na at rush hour pa pala. Mas malala ang traffic sa EDSA nang nandoon na sila.
"I guess you're not really in the mood to talk," anito habang nagmamaneho.
Napalabi siya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. "Yeah. Sorry, Ian. But it does not mean I'm not thankful sa ginawa mo. Gusto ko na lang talaga maka-uwi." Gusto niya na lang magkulong sa kuwarto at subukang magsulat kahit ang lagi na lang niyang ginagawa ay tumunganga sa harap ng laptop niya.
"Bumalik iyong mga tingin mo."
Napakunot noo siya sa biglaang sinabi nito. Kaya napalingon siya rito.
"What do you mean?"
Nakatutok ang atensyon nito sa kalsada ngunit bahagya itong napangiti. "Well, the day we last saw and talked to each other, napansin kong walang buhay mga mata mo. It was like, you're alive but not living. Napatawad mo na 'ko noon but I can still see in your eyes the dullness." Huminto ang kotse dahil sa stoplight.
Doon na ito tumingin sa kanya. "Then, months later, nakita ulit kita. Sa isang coffee shop sa BGC. You were happy. Nakita ko sa mga mata mo. Parang ang saya ko rin nang makita kitang ganoon. Hindi ko alam. Nakakahawa iyong ngiti mo ng mga oras na iyon. Lalapitan sana kita para kumustahin but you were with Knud. Dumating na rin ang kasama ko sa trabaho kaya umalis na rin kami."
Inalala ni Denise kung kailan ba sila nagde-date ni Knud sa BGC. Maraming beses na sa loob ng pitong buwang relasyon nila. Mahilig nga silang maglagi sa ilang coffee shop kasama ang boyfriend niya-oops, ex-boyfriend na pala. Ex niya na rin si Knud kagaya nang ex niyang si Ian.
"Iyong ganoong tingin mo, iyon ang gusto kong makita, eh. It brought out colors in you. Kaya alam kong nasa mabuting kalagayan ka na rin. Ganoon ka kasi noong mga bata pa tayo. I missed that cheerful and sweet Denise. Kaya nang nakita kitang ganoon na ulit, alam ko, may nakapagpabalik na ng kulay sa mundo mo pagkatapos nang lahat nang pinagdaanan mo...lalo na..." napalunok ito. "Lalo na sa nangyari sa b-baby natin."
Napayuko si Denise. Kapag nababanggit talaga ang tungkol kay Ivan ay mabilis na lumalambot ang puso niya. Parang naiiyak siya, but she held back the tears.
Umandar na ulit ang sasakyan. "Kaya nagtataka ako kung bakit ngayong nakita kita ulit, the twinkle and spark in your eyes were gone again. You look like... Uhm, uh...miserable? Again," prankang sabi nito.
Hindi naman na-offend si Denise. Dahil totoo naman ang sinabi ni Ian. Nakita niya rin ang itsura niya sa salamin at parehas lang sila nang nakikita.
"Maybe, I just don't have a purpose again for living," she said with a void expression in her face. "I shove away Knud. He brought back the 'spark' in my eyes, the 'color' in my life..."
"Why?" marahang tanong ni Ian.
"I want to say that it's his fault." She bit her lower lip. "He broke my trust dahil lang sa isang maliit na sikreto ng nakaraan niya." Tukoy niya sa naging relasyon nina Knud at Gayle noon. "I know, I can forgive him. Dahil wala naman na siyang ibang ginawang mali kundi maglihim lang. He never cheated. But then, doubt already eaten the love I have for him," she said. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nagkukuwento ngayon.
Ngunit hindi niya na mapigilan ang sarili. Lalo na nang maramdaman niyang talagang matamang nakikinig sa kanya si Ian. Nagbibigay pa ito ng effort para sulyap-sulyapan siya kahit nagmamaneho ito.
"Hindi na 'ko matahimik na baka may iba pa siyang hindi sinasabi sa'kin kahit wala naman." Napasabunot siya sa buhok. "Lagi na lang akong naghihinala sa kanya kahit wala naman siyang maling ginagawa. Minsan ang unreasonable ko na. Nag-aaway na kami agad. So, I broke up with him instead."
"Dahil hindi mo na siya mapagkatiwalaan?"
Sandaling natahimik si Denise. Naalala niya kung gaano kabuting tao si Knud. Kung paano siya nito asikasuhin, kung paanong ilang beses siya nitong iniintindi, kung ilang beses itong nagpakahirap para suyuin siya kahit sa maliliit na bagay.
Muling sumilip ang luha sa mata niya. Nakatingin lang siya ng diretso sa harap ng sasakyan.
"Denise?"
"I broke up with him, not because I cannot trust him ..." Ngayon niya lang nagawang aminin sa sarili ang susunod niyang sasabihin. "But because I don't want to hurt him anymore. Nakikita ko iyong sakit sa mga mata niya sa tuwing nag-aaway kami," pabulong niyang sabi.
The car stopped again for another stoplight. Ian looked at her and tapped her shoulder lightly.
"Pero hindi ko kasi talaga mapigilan ang maghinala. Hindi ko mapigilan na lagi na lang manumbat kapag 'tiwala' na ang pinag-uusapan. So, I just broke up with him. Dahil kapag pinatagal niya pa ang paghawak niya sa'kin, baka ako lang rin ang makasira sa kanya."
Napahawak siya sa buhok and pulled her hair. "I thought Knud was the one who can satisfy what I truly need. I just need love, I thought. Pero bakit ganoon? Bakit noong nandyan na siya at hindi sumusuko sa'kin, parang may kulang pa rin?"
Ngayon niya lang ulit ito aaminin sa sarili. Dahil nang maayos pa sila ni Knud, inignora niya ang damdaming parang hindi pa rin kumpleto ang lahat sa buhay niya. Kahit nang dumating si Gayle noong hindi niya pa alam na hindi naman pala totoong kaibigan ito, may iba pa rin siyang nararamdaman.
Ayaw niyang isipin na hindi siya kuntento sa binibigay na pagmamahal ni Knud at sa sandaling "friendship" nila ni Gayle.
Ngunit parang may puwang pa rin sa puso niya. Parang may kulang pa rin. At nang nagkasira sila ni Gayle at ngayong wala na sila ni Knud-dahil hindi na siya nakakareceive ng tawag at text mula rito, saka lang niya naalala ulit ang tungkol sa puwang na iyon na hindi niya pinapansin noon.
Kasi akala niya, okay na. Kasi akala niya, masaya na siyang talaga. She thought Knud already satisfied what she truly need-love. Pero hindi pa rin pala.
"Denise, have you determined to yourself what you really want? What you really need?" Ian asked lightly.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Yes. L-Love...iyon lang naman."
"Do you know what kind of love?"
Napakurap siya. What?
Umangat ang isang gilid ng labi nito at napailing-iling. Umandar na ulit ang sasakyan at nakatutok na ulit ito sa kalsada.
"Paano mong hindi mararamdaman ang kulang kung sa umpisa pa lang, hindi mo na alam kung ano ba talagang wala sa buhay mo?"
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
RomanceSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter