Chapter 23

7.7K 178 21
                                    

"When you forgive, you heal your own anger and hurt, and are able to let love lead again." -Marci Shimoff

~0~

"AY! Nagkabalikan ba sila?"

Napakurap si Denise sa tanong ni Kat sa kanya. Napakurap-kurap muna siya at naalala na naman ang sinabi ni Knud kaninang umaga nang tanggihan nito ang paanyaya niyang makasama itong mag-dinner.

"Si Gayle...Si Gayle ang kasama ko mamaya..."

"H-hindi niya naman sinabi na ganoon. Sabi niya lang kasama niya si G-Gayle." Napakurap-kurap siya sa kawalan at saka napabuntong-hininga.

​"Kung magkasama sila mamaya, eh di okay na pala sila? Mas nauna na silang nagka-closure o naunahan kang makipagbalikan?" nang-aasar pa ang tawa ni Kat.

Napalabi siya. Hindi niya alam kung ano bang bumabagabag sa kanya. Ang kaalaman na nagkikita sina Knud at Gayle, at baka may relasyon na ang mga ito... o mismong ang kaalamang nasa bansa ang dating kaibigang si Gayle.

​Sa mga natutunan at pinagdaanan ni Denise sa nakalipas sa limang taon, hindi niya ikakailang ilang beses nagdaan sa isip niya si Gayle. Ilang beses siyang nag-try mag-reach out. Dahil isa si Gayle sa mga unfinished business niya.

Ngunit nakalimutan niya na yatang hindi pa sila ayos nito dahil mas focus siyang makahingi ng closure kay Knud...

​"Huy!" Kat snapped her fingers in front her face. "Ano na namang naiisip mo diyan? Ano? Nagseselos ka? Nanghihinayang ka? Naunahan ka na ng ex-best friend mo sa ex-boyfriend niyo."

Napasipsip si Denise sa kanyang coffee jelly frappucino at saka marahang umiling.

​Hindi niya naisip magselos. Mas naisip niya si Gayle lang... They can cross paths again sooner or later. Parehas silang nasa Pilipinas.

Hindi akalain ni Denise sa kasabay ng pag-amin niya sa sariling mahal niya pa si Knud, ay malalaman niya ring puwede silang magkita ulit ng dating kaibigang nakaalitan.

​Denise assessed her feelings. Galit pa ba siya sa betrayal ni Gayle noon?

"Ang tagal naman ni Trisha," angal ni Kat habang nakatingin sa wristwatch nito.

​Nangalumbaba siya. "Hayaan mo na. She's pregnant. Mabagal kumilos kapag ganoon."

Ang isa pa nilang kaibigan na si Trisha na nakilala niya ring bilang turista sa Canada noon ay may asawa na at buntis ngayon. Magkaka-edad lang silang tatlo pero single pa rin sila ni Kat.

​"So, ano na plano mo?" tanong na naman ni Kat sa kanya.

"Plan? For what?"

​"Hindi pa kayo ayos nung Gayle di'ba? Baka gusto mo makipag-usap? Di'ba ginawa mo nang misyon sa nakalipas na mga taon na makipag-ayos sa mga nakaalitan mo noon?"

Napakagat-labi siya. Iyon na nga mismo ang hindi niya alam kung paanong gagawin. Paano niya ba makakausap si Gayle? Kausapin kaya siya ng dating kaibigan?

​Denise can still remember that Gayle never apologized to her. Ito ang may kasalanan noon sa kanya kaya ito dapat ang lumapit.

Well, ganoon ang logic niya dati. But Denise learned a lot. Minsan, kahit hindi pa nagso-sorry ang isang tao, matututo kang magbigay ng patawad kahit hindi hinihingi.

​She sighed.

"Hayan na si Trisha!"

​"Hello, girls!" Lumapit sa kanila ang nakangiting babae na maputi at medyo singkit ang mga mata. She gained weight but it only suited her big tummy.

Satisfying Needs 2 (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon