"The only real conflict you will ever have in your life won't be with others but with yourself." -Anonymous
~o~
"PAANO mong hindi mararamdaman ang kulang kung sa umpisa pa lang, hindi mo na alam kung ano ba talagang wala sa buhay mo?"Tahimik lang sa loob ng kotse sina Ian at Denise ngunit paulit-ulit sa isipan niya ang huling tanong ng lalake.
She was caught off guard. She's between the thought na naiintindihan niya ang tanong o hindi talaga. Pero natamaan siya. Hindi siya agad makasagot sa sinabing iyon ni Ian.
Hindi niya nga ba talaga alam kung anong kulang sa buhay niya? But she knew it-- love.
"What kind of love?"
Umalingawngaw na naman sa isip niya ang isa pang tanong ni Ian.
Tahimik siyang napabuntong-hininga at napasulyap kay Ian na may ka-text yata sa cellphone nito habang nakahinto ang kotse dahil sa traffic. Parang tangang nakangiti ito habang nakatingin sa cellphone nito.
Napailing lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Damn. Traffic na traffic. Hile-hilera ang mga kotse, bus, at jeep na hindi gumagalaw.
"I'll just take the MRT," biglang sabi niya. Iyon na lang ang pag-asa niya para makauwi agad sa bahay niya sa umagang iyon.
Napaangat ng tingin si Ian. "No, Denise. Dito lang naman banda sa Ortigas traffic. Mamaya, maluwag na rin 'to pagkalagpas natin."
She rolled her eyes. "Ian, I can take it from here. You really don't have to drive me home."
Umiling ito at saktong umusad na ang mga sasakyan. Nang madaanan nila ang EDSA Shrine ay may nagra-rally pala doon at iyon ang nagko-cause ng traffic.
Nahinto na naman sila ng matagal dahil doon. Napasandal na lang siya sa backrest ng carseat at saka napahalukipkip.
"Pa-rally rally pa kasi. Gulo at traffic lang naman ang napapala," mahinang komento niya na kausap lang ang sarili. But Ian heard him.
"Hindi kasi nagkakaintindihan ang mga tao ngayon kaya nagkakagulo at umaabot pa sa mga rally," komento naman nito. "Maybe, tama rin siguro iyong desisyon mong makipaghiwalay sa boyfriend mo."
Marahas na napabaling siya rito. Bigla naman kasi nitong bino-brought up ang kaninang usapan nila na akala niya ay tapos na. "Anong kinalaman sa rally niyon?" sarkastiko niyang tanong.
Ian shrugged. "Kasi nga lagi na kayong nagtatalo sabi mo. Indifference. That made it impossible for love to conquer you."
"But he always understands me. Kaya alam kong hindi indifference ang--"
"Hindi naman sa inyong dalawa. Sa'yo lang siguro."
Nagsalubong ang kilay niya. "So you're saying I'm indifferent with myself?" mataray na tanong niya.
"Tingin ko lang naman," prankang pag-amin nito. "Parang lagi ka lang nasa gitna. You're neither good nor bad. Right or wrong. Undecided kumbaga. At iyon ang sa tingin kong nagpapagulo lalo ng pagkatao mo. You don't stand with only one side, Denise. You just stay at the middle. Hanggang sa naguguluhan ka na sa sarili mo... it's like you don't know yourself anymore kaya hindi mo na rin alam kung ano ba ang kulang at kailangan mong talaga sa buhay mo."
Tinitigan niya si Ian na seryosong sinasabi ang lahat ng iyon. Sabi niya na nga ba ay parang may nag-iba rito. Mas mature na itong magsalita ngayon. It's like he grew in the past year na hindi niya ito nakita. Marami na itong nasasabi na may sense.
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
RomanceSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter