HUMINGA NG malalim si Denise saka tiningnan ang spare keys na hawak. Iyon ang susi sa apartment na tinitirhan ni Knud ngayon na ibinigay sa kanya ni Knud para may access siya sa tinitirhan nito. Even until now kasi ay doon pa rin ito nakatira kahit na wala na siya sa katabing kwarto.
She doesn't know if it's right for her to be there o tama ba na i-confront niya ito pero sa mga oras na iyon, gulong gulo na siya at kung uuwi siya na walang napapala, sigurado siya na hindi siya makakatulog.
She needs some answers.
Sususian niya na sana ang kwarto nang may marinig na basag mula sa loob. Bigla siyang kinabahan kaya pinilit niyang buksan ang pinto only to discover Knud na nakaupo sa sofa.
Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa dilim sa loob ng kwarto. Binuksan niya ang ilaw and she found Knud overly wasted-magulo ang buhok, nangangalumata, at ilang araw na atang hindi nag-aahit.
Naagaw din ang pansin niya ng madaming basag na bote ng alak sa wall at ang gulo-gulong gamit. Idagdag pa doon ang amoy ng alak sa buong kwarto. Hindi siya makapaniwala sa naabutan.
She's never seen Knud like that before.
"Denise?" tawag sa kanya ni Knud na halatang lasing na lasing.
Tatayo pa sana ito pero bumagsak din ito sa sobrang kalasingan. Doon na siya napatakbo papunta rito at umupo sa tabi nito.
Hinawakan niya ang mukha nito. "Knud, what happened to you? Ba't ganyan ang itsura mo? Ano bang pinaggagawa mo these past few days?" nag-aalalang tanong niya.
"Denise..." malungkot na sinabi nito. "Akala ko iniwan mo na 'ko."
Hindi pa man siya nakaka-react ay niyakap na siya nito... sobrang higpit na yakap na akala mo ay ayaw na siya nitong pakawalan pa.
Stiff lang siya habang nakayakap ito. Ngunit nang marinig niya ang hikbi nito ay hindi rin siya nakatiis-niyakap niya rin ito pabalik at hinagod ang likod nito.
"N-Natakot ako... na baka hindi ka na bumalik. Sobrang saya ko na pumunta ka rito. H'wag ka mag-alala, 'di kita pipilitin magpakasal kung ayaw mo. Maghihintay ako kung kailan ka maging ready at hindi kita bibiglain ng ganoon," pagmamakaawa nito.
Bahagya niyang itinulak si Knud to look at his face. Kitang kita niya ang sincerity, takot at lungkot sa mata nito habang umiiyak ito.
"Please, w-wag mo akong iiwan? H-Hindi ko kaya na mawala ka, eh."
Tumango na lang siya at ngumiti. Mahigpit ang hawak nito sa dalawang kamay niya.
She can feel it. Mahal talaga siya nito. Ramdam niya iyon.
Mahal niya rin naman ito. Ang kaso, nabigla talaga siya noon at hindi niya alam kung paano ito haharapin kaya siya umiwas dito. But thinking back, dapat ay kinausap niya ito nang kumalma na siya at hindi ito tiniis. Sa loob kasi ng isang linggo na hindi niya ito kinausap, ilang beses niyang binalak na i-text ito pero hindi niya rin iyon sinesend dito dahil nahihiya siya na unang mag-approach dito.
"Just wait for me here. Ipagtitimpla lang kita ng kape," she softly said.
"H'wag kang aalis," anito na parang bata at nakakapit pa nang mas mahigpit sa kamay niya.
"I won't go, Knud. I'll stay here beside you," she said to assure him and smiled.
Nang bitawan nito ang kamay niya ay pumunta siya sa kusina nito at nagtimpla ng kape para dito saka iyon dinala sa sala.
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
RomanceSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter