"The only One who can satisfy the human heart is the One who made it."
~o~
NAGISING SI DENISE sa tabi ng isang lalaki na nakayakap sa kanya...
Si Knud. And as she looked at him, hindi niya maiwasang mapangiti.
She really loves this guy.
For a few minutes, she just stared blankly at the ceiling.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya... ang lalaking naging dahilan ng pagbabago niya... ang naging dahilan kung bakit siya natutong magpatawad at magmove on sa mga taong naging dahilan kung bakit siya minsang naging miserable. Though she really found true help from God and by having a strong faith, Knud also became part of the reason she became who and what she is now.
They've been married for two weeks now but even after all those days, hindi pa rin siya nasasanay na tawagin bilang Mrs. de Guzman. Ni hindi nga niya maisip na kasal na pala siya. Everything seems new to her.
But every single time she looks at Knud, alam niya... getting married to Knud is one of the best choices she made in her life.
Napatingin siya sa oras. It's past 6 AM. Bumangon na siya at inayos ang sarili bago nagsimulang magluto ng pagkain.
Mula nang ikasal sila nito ay naging part na ng daily routine niya ang ipagluto ito ng almusal at hapunan. For lunch, they usually meet outside dahil sa trabaho nito pero at some days na alam niyang magiging busy ito, pinapabaunan niya na rin ito ng pagkain o kaya ay hinahatiran.
Since siya ang nasa bahay, naging full-time housewife na siya. At paminsan minsan, bumibisita siya sa restaurant na itinayo nila ng kapatid para lang i-check o tumulong doon.
Lately, naging busy na rin siya dahil habang nasa trabaho si Knud, siya naman ay nagliligpit at namimili ng gamit para sa bahay na lilipatan nila ngayong araw.
Before their wedding, ang una talaga nilang inasikaso ay ang pagbili ng lupa't bahay which will now be their new home paglipat nila roon mamaya.
Napalingon na lang siya nang may pumulupot na braso sa bewang niya at may humalik sa kanang pisngi niya.
"Good morning, hon! Ang bango niyan, ah? Mukhang masarap!"
Humarap siya dito kahit na nanatili ang kamay nito sa bewang niya.
"Excuse me? Mukhang masarap? Are you kidding me? Masarap talaga 'to, 'no! Luto kaya 'to ni Chef Denise!" pagmamalaki niya kahit na ang inihanda niya lang naman para sa almusal ay eggs, toast, ham and orange juice.
"I know, hon. Luto ng asawa ko iyan, eh."
"Oh, tama na iyan. Breakfast is almost ready. Umupo ka na do'n."
Just like what she asked, umupo na ito sa usual na puwesto nito. Siya naman, kinuha na ang toast sa bread toaster saka iyon inilagay sa plato at dinala sa lamesa.
Magkatabi silang kumain habang nag-uusap tungkol sa bagong bahay na titirhan. Hinahati na nila ang gawain lalo na't ang dadalhin na lang sa bahay na titirhan ay ang mga gamit nila dahil fully furnished na ang lilipatan. But still, it will be a long day for the both of them.
~o~
NANG NASA BAGONG bahay na sila at nadala na doon lahat ng gamit nila, nagsimula na silang magligpit based sa kung ano ang pinaghatian nilang gagawin. Since siya ang babae, siya na ang magliligpit ng mga gamit nila ni Knud habang si Knud naman ay in-charged sa kung ano anong kailangan pang ayusin sa bahay like pagdidikit sa wall ng picture frame, pag-aayos at pagtse-check ng ilang fixtures and the like.
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
RomanceSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter