As soon as you can learn to let go, you continue to grow.
~o~
BUO NA ang desisyon ni Denise na pumunta na lang ng Canada at makasama muna ang parents niya. Baka nga sakali sa pagbabalik niya sa poder ng mga ito ay masagot ang iba pang mga tanong niya sa sarili.
She held her pride for too long. Alam niyang independent na siya at sanay na siyang mamuhay mag-isa. Pero baka nga kinumbinsi niya lang ang sarili niya. Because deep down inside her, she still wanted to be taken care of, to be pampered, to not live alone.
She's still young. At ang nakuhang taon ng mga pagsubok sa buhay niya ay 'yung mga panahon kung saan dapat ine-enjoy niya pa ang lahat ng bagay sa buhay. Her teenage years were stolen. Ngayon pa lang siya bumabawi, and she's not even aware of it.
Baka nga totoo. Immature pa talaga siya-sa pagdedesiyon, sa pag-iisip, sa pagsasalita, sa pagha-handle ng mga sitwasyon.
"I'm glad to know that you want to live together with your family, again," sabi ni Ian sa kanya habang kausap niya ito sa phone. "I feel better now knowing na I'm part of the reason kung bakit ka nailayo sa kanila."
Nag-text na kasi siya rito two days ago at tinanggihan ang offer nito na "pagtulong" sa kanya. Hindi na niya siguro kakailanganin na ibang tao pa ang tumulong sa kanya.
She has her family to turn to now.
"Thanks. I also need a new environment, perhaps? Canada sounded good. Na-miss ko rin sina Mama kasi." Kinuha ni Denise ang mga damit sa cabinet niya at naghanap ng puwedeng suotin mamaya. Pupunta siya ng office ngayon. "Sorry I have turned down your offer."
"It's alright. Hindi naman iyon pilitan," nakatawang sabi ni Ian. "Mas okay ngang sa pamilya ka magbabalik-loob."
Bahagya siyang napangiti sa ginamit nitong term. "Well, something's telling me that I'll find myself again when I start from the very beginning." At saan ba siya nagsimula? Sa pamilya niya. Baka sakaling matutunan niyang ibalik ang dating siya.
Gustong irapan ni Denise ang sarili. She's taking a stranger's advice too seriously. Dahil lang sa ten-minute talk with a stranger na may chipmunk voice ay parang nag-shake ang lahat ng alam niya sa sarili. Pero bakit ba kasi siya natamaan sa lahat ng sinabi nito?
Maybe because it was all true.
"Kailan pala ang alis mo?"
"Anytime," sagot niya. Paano ba naman kasi, nang sinabi niya sa Mama niya na pumapayag na siyang umalis ng Pilipinas ay bigla nitong sinabi na matagal na palang nilalakad ang mga papers niya. Matagal na siyang may passport at may interview na lang siya sa embassy bukas para ma-approve ang visa niya.
Now, Denise can feel how much her family wanted her to be with them again. Ayusin ba naman ang papeles niya nang hindi niya alam?
To her advantage though, hindi na hassle para sa kanya. She can't deny, natutuwa siya sa pag-aasikasong ginagawa ng parents niya. She missed that feeling.
"Kailan ang plano mo?"
"Kapag naayos agad ang visa within a month, I'll go." Lihim na napabuntong-hininga si Denise nang maramdaman niya ang kaunting pagpiga sa kanyang puso. Dahil bigla niyang naisip ang kaisa-isang taong maiiwan niya sa Pilipinas.
Si Knud.
She still loves him. Hindi iyon nagbago. Ang problema lang, masyado siyang takot mag-commit. Her trust issues are taking to the next level. Minsan nga naisip niya nang magpatingin sa isang professional psychologist. Pero siguro kailangan niya lang mag-mature talaga para matutunang ilugar ang mga dapat ilugar sa buhay.
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
Roman d'amourSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter