"I will not cause pain without allowing something new to be born, says the Lord." -Isaiah 66:9
~o~
Five years later...
TOTOO pala. When you found out what you've been looking for, when you already knew what could truly satisfy your needs-finally, magbabago ang lahat-lahat sa buhay mo.
Mawawala ang pait at sakit-completely washed out. Maglalaho ang mga takot at pangamba. Ang nagkapira-piraso at sobrang sugatang puso ay mapapalitan ng bago-renewed, fresh, pure. Ready to trust and love again.
Oras pala na hinayaan mong mapalitan nang bago ang puso, pati pag-iisip magta-transform rin. Your mind would be set to a wider and deeper perspective of life. Akala mo noon, alam mo na ang lahat. Pero oras na mas mag-mature pala talaga ang tao, mas aaminin niyang hindi niya pa alam ang lahat kaya kailangan niya pang matuto nang matuto...nang matuto...
"Ouch!" daing ni Denise kasabay nang pagbawi niya nang kamay sa mainit na kaserola. Accidentally, dumapo ang kamay niya doon at napaso siya.
Agad siyang pumuntang lababo, binuksan ang gripo, at tinapat ang napasong kamay doon.
"Napaso ka na naman?"
Napalingon si Denise at nginitian ang Kuya Hendrix niya. "Wala 'to, Kuya. Sanay na 'ko," aniya. Nahiwa niya na nga rin ang mga kamay niya minsan. Iyon pa kaya?
Sa pag-aaral niya ng Culinary Arts sa Canada, napakadami nang paso at hiwa ang naranasan ng kamay niya. Kahit ganoon, naghihilom ang mga iyon kasabay nang pagtaas ng kaalaman niya sa pagluluto.
Kaya naman ano lang ba ang mga sakit sa kamay na nararanasan niya kung nahuhubog naman ang mga iyon sa pagluluto ng masasarap na pagkain?
Parang buhay lang. Kapag na-experience na ng tao na labis masaktan nang ilang beses, mas nahahasa sa takbo ng buhay. Kapag hinayaang maghilom ang sugat ng mga kahapon, mas gumagaling at tumatatag sa paglipas ng mga panahon.
Napangiti si Denise sa tinatakbo ng utak niya. Napaso lang siya, kung saan-saan na naman napunta ang isip niya. Nare-relate na niya agad sa buhay! Nami-miss niya na siguro ang pagsusulat. Ilang taon na rin siyang hindi nakakapagsulat magmula nang nagdesisyon siyang pumunta ng Canada at makasama na ang pamilya niya.
"Have you found a new job?" tanong pa ng Kuya niya habang tinitignan nito ang niluluto niyang Crab and mushroom soup at Paella.
Umiling siya at sinara na ang gripo. "Hindi pa ako nag-uumpisa sa paghahanap, eh. Maybe next week. Dito muna ako magluluto-luto bago ako magtrabaho ulit sa restaurants. Pagluluto ko muna kayo nina Mama at Papa," malambing niyang sabi at saka bumalik sa harap ng kalan.
Last month ay nag-resign siya sa pagta-trabaho bilang assistant chef sa isang kilalang restaurant sa Toronto. Mas nagiging toxic na kasi ang trabaho niya. Imbes na nag-e-enjoy siya sa pagluluto, masyado siyang pine-pressure ng head chef nila.
Actually, wala naman siyang angal doon. She can endure it. Ang nasa isip niya, challenge lang iyon. Kung titignan niya, magandang training din ang under pressure ka dahil mas gumagaling at bumibilis ang pag-iisip mo. Ang kaso, nakita ng Mama niya na lagi siyang pagod na pagod pagkagaling sa trabaho. Kaya hayun, kinumbinsi siya ng Mama niya na mag-resign muna at humanap ng mas healthy na trabaho sa ibang restaurant o hotel.
"Huwag ka na munang maghanap," ani ng kapatid niya.
Napatingin siya rito. "Bakit?"
Sumandal ang Kuya Hendrix niya sa kitchen counter at pinagkrus nito ang mga braso. Parang nag-isip muna ito nang sasabihin kaya nakatingin lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Satisfying Needs 2 (Finished)
RomanceSatisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter