Chapter One
"Sir Rohan, Your twin brother wants to talk to you. Kanina pa po siya sa labas ng office niyo"
Napangiti nalang si Rohan dahil sa tono ng boses ng kanyang sekretarya. Matanda na ito kaya't alam niya kapag nahihigh-blood na ito sa kanyang kapatid na makulit
Ilang araw na kasi pabalik-balik si Rowan sa kanyang opisina simula ng umuwi siya sa Pilipinas. May kakaiba kasi itong pabor na hinihiling sakanya
One crazy favor!
Nais lang naman nitong magpangap siya bilang nobyo ng girlfriend nito para lamang makipaghiwalay? He's brother is too weak to do that. Kung ayaw na pala nito sa nobya nito edi despatsahin nalang nito? Ngunit tila may inaalagaang damdamin ang kapatid niya
Ayaw nitong masaktan ng husto ang dalaga
"Don't let him in. Marami akong tambak na trabaho ngayon Mrs.Flores" Utos niya sa matandang sekretarya niya sa kabilang linya
"Copy boss" Naiinis na sagot ni Mrs.Flores sakanya bago niya ibinaba ang telepono"One ,two, three ,four ,five--bingo" Sinimulan ni Rohan ang magbilang ng limang segundo dahil alam niyang papasok parin ang twin brother niya sa loob ng kanyang opisina sapagkat matigas ang ulo nito
Eksaktong pagkasabi niya ng numero singko ay iniluwa ng kanyang pintuan ang kanyang kapatid
His identical twin brother Rowan Hoffman.
Kahit saang angulo titigan ay magkamukhang magkamukha silang dalawa mula ulo hangang sa kuko nila sa kanilang paa. Kahit nga ang kanilang boses ay parehong pareho at walang pagkakaiba. Magkaiba lamang ang kanilang hairstyle dahil long hair ang kanyang kapatid na ipinupusod lamang nito samantalang clean cut naman ang gupit niya
"Rohan naman bakit mo ko ipinagbabawal pumasok dito? Kung pumapayag ka na kasi sa hiling ko sayo edi sana hindi na kita kinukulit pa" Bungad sakanya ni Rowan pagpasok nito sa loob ng kanyang opisina
Huminga siya ng malalim upang hindi siya matawa sa itsura nito. Mukha kasing napakalaki ng problema nito samantalang makikipaghiwalay lang naman ito sa nobya nito ay hindi pa nito magawa
"Ayoko nga kasi gawin ang pinagagawa mo."
"Please Rohan?" Lumapit pa ito sa center table niya at parang batang nagmamakaawa sakanya
"Ilang araw palang ako dito sa Pilipinas at binibigyan mo nako agad ng problema Rowan. Imbis na asikasuhin mo ang mga negosyo natin panay pang-bababae ang inaatupag mo--"
"I don't love her anymore. She's so boring and too plain. Hindi man lang ako makahalik kahit sa kamay niya. Kaya please tulungan mo ko Rohan? Isang buwan lang. Unti-unti mo lang siyang hiwalayan para sakin. Hindi ko kasi siya kayang hiwalayan dahil ayokong makita kung paano siya masaktan sa break up na binabalak ko--"
"You're crazy. Ayoko nga" Balewalang tangi ni Rohan
Natatawa lamang siya sa pabor na nais nitong ipagawa sakanya. Sa edad nilang bente otso ay napaka-isip bata pa rin nito. Happy go lucky ito sa Pilipinas samantalang siya ay bente anyos pa lamang siya noon sa bansang Europa ay namamayagpag na ang mga negosyo niya.
Marahil magkamukha nga sila sa physical na anyo ngunit magkaiba ang pagkatao nila ng kanyang kapatid. Wala itong inisip kundi ang maglaro ng computer games kaya madalas itong sermonan ng kanilang ama na si Ram Hoffman.
"Isang buwan lang Rohan. I cannot break her heart. Please do it for me."
Inilapag ni Rowan ang isang litrato ng magandang babae sa ibabaw ng kanyang office table.
"Bakit isang buwan pa? I can do it immediately--"
"No please. Don't break her heart too much. Mahalaga rin sakin si Angela. Dahan dahanin mo lang ang pakikipaghiwalay sakanya. That's it that's all"
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...