Chapter 24
"Hey, wake up babe.."
Mahinang yugyog sa kanyang balikat ang nagpagising kay Angela. Nakatulog siya marahil habang nasa biyahe sila ni Rohan patungo kung saan man siya nais dalhin nito
Dahan dahan siyang nag mulat ng kanyang mata
Nakalapag na pala ang sinasakyan nilang private helicopter nito. Medyo nagulat pa nga siya kagabi nang sabihin nitong gagamitin nila ang pribado nitong sasakyang pang himpapawid. Ito rin mismo ang nagpalipad ng helicopter na iyon
"Sorry nakatulog pala ako" Agad niyang inayos ang kanyang buhok bago siya ngumiti kay Rohan dahil nakakahawa ang magandang ngiti na ibinibigay nito sakanya kahit pa halatang inaantok na rin ito dahil sa pagod
"Good morning babe. Nandito na tayo. Ituloy mo nalang ang tulog sa loob ng magiging bahay natin" Sabi nito
Hindi niya maitago ang kilig na kanyang naramdaman dahil masarap sa kanyang pandinig ang sinabi nito
Bahay raw nila? Pakiramdam niya tuloy ay totoong nagtanan na talaga sila.
Inalalayan siya nitong makababa ng helicopter. Halos mamilog ang kanyang mata dahil napakagandang isla ang kanilang pinuntahan
Mala-paraiso iyon dahil sa asul na asul na tubig ng dagat sa di kalayuan. Kulay puti rin ang buhangin sa paligid nito. Nasa harap lamang ito ng isang malaking bahay na sa tingin niya ay nag iisa lamang sa islang iyon
"T-Tayo lang ang tao sa isla?"
Ngumiti ito "No. Dito lang sa private part na ito. Pero sa kabilang dalampasigan may mga tao na doon. May malapit rin na palengke dito at hospital"
"W-Wow paano mo nalaman ang lugar na ito? Siguro marami ka ng dinalang babae dito ano?"
Tumawa ito dahil sa kanyang sinabi bago siya inakbayan
"Ikaw lang ang babaeng tinanan ko. Matagal ko ng binili ang lugar na ito. I just love the peace and ambiance of this island. Kapag umuuwi ako ng Pilipinas dito ako dumideretso" Kwento pa ni Rohan habang nakaakbay itong naglalakad patungo sa malaking bahay na iyon. Bitbit rin ni Rohan ang maleta niya
"Paano yan baka matunton tayo ng family mo?" Nag aalalang tanong niya
"They don't know about this property. Don't worry hindi nila tayo mahahanap"
"Anong part ng pilipinas ito? Ang ganda ganda dito Rohan"
"Palawan."
"Palawan? Nako ang layo na pala natin sa manila"
Pagkapasok nila sa malaking bahay ay mas lalo siyang napa-nganga sa ganda noon. Para iyong isang malaking private resort dahil sa desenyo ng bahay na iyon na gawa yata sa puno ng narra at bamboo sticks ang paligid
"Magandang umaga seniorito at seniorita"
Napatingin agad siya kay Rohan ng may dalawang babae ang sumalubong sakanila. Naka-uniporme ang mga ito ng kulay pulang bestida. Sa tantiya niya ay nasa mahigit kumulang kwarenta o sikwenta anyos na ang mga ito.
"Magandang umaga po manang Rita at manang Cora" Magalang na pagbati naman ni Rohan sa mga ito
"Maligayang pagbabalik seniorito" Nakangiting wika ni manang Cora
"Salamat manang Cora. She's Angela my wife. Ito naman si manang Cora taga luto ko sa tuwing nandito ako at si manang Rita naman taga linis at taga laba ng damit"
Yumuko siya sa mga ito bilang pag galang dahil mas matatanda na ang mga ito sakanya
"Kinagagalak ka namin makilala seniorita. Sa wakas nakapag-asawa na rin ang seniorito" Masayang sambit ni manang Rita
"S-Salamat po." Nahihiyang pasasalamat niya sa warm welcome ng mga ito sakanya dahil hindi pa naman siya tunay na asawa ni Rohan
"Mabuti ho senirito at tinawagan niyo agad kami kagabi upang naihanda namin ang almusal niyo."
"Pasensya na po kung biglaan." Hingi ng paumanhin ni Rohan sa mga ito dahil biglaan lamang nitong tinawagan ang dalawa kagabi. Sa katunayan kasi ay walang tumatao sa bahay na ito kapag wala siya dito. Dalawang beses lamang sa isang buwan pumaparito ang matatandang katulong upang maglinis ng malaking bahay.
Upang mapanatili ang kalinisan ng bahay na iyon.
Sa loob mahigit ng tatlong taon ay hindi pa muli nakabalik si Rohan sa lugar na ito. Kaya marahil nagulat ang mga matatanda na darating sila ngayong umaga
"Ay ayos lang iyon seniorito malapit lang naman ang bahay namin ni Cora rito sa bahay niyo kaya walang problema" Pampalubag na loob na sambit ni manang rita
Napapangiti si Angela dahil mukhang mababait ang mga ito at makakasundo niya.
"Salamat po" Nakangiting wika ni Rohan habang naka-akbay parin ito sakanya
"Halina kayo seniorito at seniorita--"
"Angela nalang po manang Cora ang itawag niyo po saakin. Hindi po kasi ako sanay na tinatawag na seniorita po" Na-iilang niyang paki-usap sa mga ito
Nagkatinginan ang dalawang matanda at napangiti
"Hindi lang maganda ang napangasawa mo seniorito mukhang mabuting bata pa" Papuri sakanya ni manang Rita
"Siyempre magaling akong pumili" Nakangising sambit naman ni Rohan na ikinangiti nilang lahat
Pagkatapos nilang magsalo sa almusal na ihinanda ng mga ito para sakanila ay agad silang nagtungo sa kanilang magiging master's bedroom
Napakagat labi si Angela ng mapag-solo nalang sila ni Rohan sa loob ng magandang kwartong iyon
Napakalaki ng kama! Kahit siguro magpagulong gulong siya doon ay hindi siya malalaglag
Hindi tuloy niya maiwasan maisip ang mga possible nilang gawin sa kamang iyon.
Napalunok siya
Samantalang inaayos naman ni Rohan ang mga damit niya sa drawer mula sa kanyang maleta
Mukhang naiilang rin ito ng kaunti dahil namumula ang tenga nito. Nilapitan niya ito upang tulungan.
"M-May mga damit ka pa pala dito kaya pala hindi ka na nagbitbit ng damit mo" Puna niya ng makita niya ang mga damit nito
"Yeah. Naisip ko na siguro dati na may babae akong dadalhin dito" Biro ni Rohan kaya sabay silang napangiti
Pagkatapos nilang ayusin ang mga damit niya sa lalagayan ng mga damit ay nagpaalam muna itong maliligo saglit upang makapahinga na muna sila
"Do you want to take a bath too?" Tanong ni Rohan sakanya bago ito pumasok sa loob ng banyo kaya't nagpa-init iyon ng kanyang mga pisngi
"S-Sabay tayo?" Nasasabik niyang tanong
"No. Ako muna tapos ikaw naman" Nakangisi nitong sagot sakanya bago ito pumasok ng banyo
Napa-upo tuloy siya sa malambot na kama. Para siyang nanghina sa di malamang dahilan.
Nadismaya ba siya? Mukhang seryoso kasi si Rohan sa sinabi nitong hindi muna siya gagalawin hangat hindi pa tamang panahon.
Kailan kaya ang tamang panahon na iyon?
Napapalunok si Angela. Kung ano ano na ang pagpapantasya niya kay Rohan simula ng iparamdam nito sakanya ang kakaibang sarap na kanyang naramdaman
Tumagal rin ng isang oras ang paliligo ng binata. Napalunok siya ng lumabas ito mula sa banyo na tanging puting tuwalya lamang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan nito.
Halos lumuwa ang kanyang mata sa pagtitig sa kagandahan ng katawan nito. Lalo na ang walong pandesal sa tiyan nito na parang kay tigas tigas at kay sarap haplusin
"Ikaw naman maligo babe" Napapangiti ito dahil napansin nito ang pagtitig niya sa katawan nito
Para siyang robot na mabilis na tumakbo papuntang banyo dahil hiyang hiya siya kay Rohan. Nahahalata na yata nito ang matinding pagnanasa niya
Napasabunot siya sa kanyang sarili dahil nakita niyang basang basa na agad ang panty niya pagkahubad niya nito
"Ang landi mo Angela.." Mahinang sambit niya bago siya naligo ng malamig na tubig upang mahimasmasan naman ang init na nararamdaman niya
Napatagal rin ang pagligo niya dahil nagbabakasakali siyang may mang yari agad sakanila ni Rohan ngayong umaga ngunit paglabas niya ng banyo ay nalaglag ang kanyang mga balikat
Humihilik na ang binata habang natutulog na ito sa malaking kama
Mukhang napagod ito at napuyat dahil sa pagtatanan nila
Napa-iling nalang siya dahil sinadya pa naman niyang huwag mag bihis sa loob ng banyo kaya nakatapis lang siya ng tuwalya.
"Mamaya nalang" Pilyang sambit niya
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...