Chapter 31
Concealer
Iyon ang nagsalba sa matinding eyebags ni Angela sa araw ng kasal ni Maylene at Rowan. Ilang gabi na kasi siyang hindi nakakatulog ng maayos kakaisip sa muling pagkikita nila ng lalakeng pilit niyang binubura sa kanyang puso
Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam parin siya ng pananabik sa muli nilang pagkikita sakabila ng ginawa nitong pang-iiwan sakanya.
Alam niyang galit rin ang pamilya niya kay Rohan dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sakanya. Lalo na ang kanyang tatay. Naaawa ito sakanilang dalawa ng kanyang anak dahil lamang daw sa guilt nito ay mas pinili nitong iwanan siya
"Tay aalis na ho ako" Paalam niya sa kanyang tatay ng madaanan niya ito sa kusina
Kasalukuyan itong nagkakape at nag-aalmusal ng mainit na pandesal. Paborito nitong isawsaw sa black coffee nito ang tinapay bago iyon kainin.
"Sigurado ka na bang aattend ka sa kasal na iyan?" May tono ng pag-aalala ang kanyang ama
"O-Oho tay. Saglit lang ho ako doon. Kayo muna ang bahala kay Hanna--"
"Paano kung magkita kayo doon ng lalakeng iyon?" Bakas sa mukha ng kanyang ama ang disgusto sa possibilidad na iyon
Napalunok siya
"E-Eh wala ho akong magagawa kung magkikita man kami doon. Ang mahalaga ho hindi magalit si Maylene sa akin at sila tito berting"
Tinutukoy niya ang kapatid ng kanyang ama na tatay ni Maylene. Inimbita nito ang pamilya nila ngunit tumangi ang kanyang ama. Ayaw raw nitong makasalamuha sa pamilyang Hoffman dahil sa pang-iiwan ni Rohan sakanya noon. Saksi kasi ang tatay niya sa mga gabing panay ang pag-iyak niya. Lalo na't mag isa niyang tinataguyod ang anak niyang si Hanna.
Hindi niya masisisi ang kanyang ama. Dahil kahit siya ay may galit rin para sa binata
"Baka pagmalakihan ka ng lalakeng iyon. Paano kung may kasama iyong babae niya? Magmumukha kang kawawa anak kung mag-isa kang pupunta roon. Kaya hintayin mo si Buknoy paparating na iyon. Pinaki-usapan ko siyang samahan ka sa kasal ni Maylene--"
"Ho? Nako nakakahiya naman kay Buknoy tay!" Reklamo niya. Dahil si Buknoy ay kanyang matalik na kaibigan simula pa noong bata sila. Nasira lamang ang pagkakaibigan nila noong magtapat ito ng pag-ibig sakanya ay iniwasan na niya ito. Ngunit nabalik rin ang magandang pagkakaibigan nila simula ng makapanganak siya. Ito ang tumulong sakanilang pamilya upang makapagbayad siya sa hospital noon. Nahihiya kasi siyang tumangap ng tulong kay Maylene noon dahil alam niyang galing sa pamilya ni Rowan ang pera nito.
"Huwag ng matigas ang ulo mo anak. Maganda na iyong may kasama kang lalake kaysa wala. Baka isipin pa ng lalakeng iyon ay hindi ka parin nakakalimot sakanya."
Napabuntong hininga nalang siya. Seryosong seryoso kasi ang tatay niya sa mga sandaling iyon.
"De kotse na iyon si Buknoy kaya hindi ka mapapahiya, Isa pa napakagwapo rin ng batang iyon" Duktong pa ng kanyang ama
Totoo naman iyon. Gwapo rin si Buknoy at may katangkaran ito. Ngunit kung itatabi ito sa angkan ng mga Hoffman ay magmumukha lamang itong alalay ng mga iyon. Lalo na ni Rohan. Ubod ng gwapo ang bwisit na lalake kaya nakakasiguro siyang walang walang panama si Buknoy rito.
"O ayan na pala si Buknoy. Aba napakagwapo mo ngayon Buknoy ha?" Nakangiti pang napatayo ang tatay niya habang nakatingin ito sa kanyang likuran
Naroon nga si Buknoy. Halos hindi niya ito nakilala dahil desente ang suot nitong black tuxedo. Mukhang nagpagupit pa ito kaya mas lalo itong naging presentable. Mapagkakamalan na itong meyembro ng mayayamang pamilya sa pormahan nito ngayon
"Hi.." Nakangiting bati ni Buknoy sakanya
"Ayos ang get up natin ah? Muntik na kitang di makilala" Biro niya sa kababata. Nakasanayan na kasi nilang magbiruan noon pa man
"Naligo lang ako" Nakangiting sabi nito ngunit bahagyang pinamumulahan ng mga pisngi
"Napakagwapo ng manugang ko ha?" Biro naman ng tatay niya bago nito nilapitan si Buknoy at pinagpag pa nito ang neck tie na suot ng binata
"Tay naman" Sita niya sa kanyang ama. Wala naman kasi siyang balak mag-asawa kaya bakit nito sinasabing magiging manugang nito si Buknoy
"Magpangap kayong magkarelasyon sa kasal ni Maylene upang hindi ka pagtawanan ng mga tao roon. Mabuti nalang at narito si Buknoy para isalba ka sa kahihiyan." Seryosong sambit ng tatay niya
Napabuntong hininga nalang siya.
"Halika na Angela. Para maka-abot pa tayo sa simbahan"
Wala ng nagawa pa si Angela. Mukhang may punto rin naman ang kanyang ama. Maganda rin sigurong may kasama siya kung sakaling may babae ngang kasama si Rohan.
Iniisip niya palang na makikita niya itong may kasamang ibang babae ay parang may kumukurot na ng pino sa kanyang puso
Tahimik lamang nagmamaneho si Buknoy.
"Buknoy pasensya kana sa tatay ko ah?" Hingi niya ng paumanhin sa binata
"Ayos lang iyon. Tska pwede ba Angela huwag naman Buknoy ang itawag mo sakin, may pangalan naman ako" Natatawang sambit nito habang nasa daan ang paningin
Natawa rin tuloy siya
Nakasanayan lamang kasi nilang lahat na tawagin itong Buknoy kahit palayaw lamang nito iyon. Ang tunay nitong pangalan ay Tyron.
"Oo nga pala. Pasensya kana si tatay kasi tawag sayo Buknoy eh.."
"But for tonight, Sa tingin ko dapat mong itawag sakin ay Mahal ko o dikaya baby ko? Para mas makatotohanan ang pagpapangap natin"
"Neknek mo!"
Sabay silang natawa sa hirit nito.
Magaan naman sa pakiramdam kasama si Tyron aka Buknoy. Ngunit alam niya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi niya masusuklian ang nararamdaman nito para sakanya.
Dahil simula ng iwanan siya ni Rohan ay dala-dala parin nito ang puso niya.
Pagkarating nila sa simbahan ay kalagitnaan na iyon ng seremonyas. Pinili nilang umupo sa bandang dulo dahil napakaraming tao sa loob ng simbahan
Napakalakas ng tibok ng kanyang puso dahil malayo palang ay natatanaw na niya ang pamilya ni Rowan sa bandang harapan ng simbahan. Tahimik ang lahat habang nakikinig sa sermon ng paring nagkakasal sa pinsan niyang si Maylene at kay Rowan.
Dumoble ang paglakas ng tibok ng kanyang puso ng makita niya ang likuran ng lalakeng tatlong taon na niyang hindi nakikita. Parang maiiyak siya sa pangungulila sa lalakeng iyon. Kahit pa sinaktan siya nito ng husto at iniwanan noon.
Heto parin siya nakatingin sa likod nito habang naka-upo ito sa bandang unahan ng simbahan kasama ang pamilya nito. Kahit likod pa lang nito ang nakikita niya ay parang mapapahikbi na siya sa pagkakamiss kay Rohan. Hindi niya inaasahan na ganito ang kanyang mararamdaman.
Napatingin siya kay Tyron ng bigyan siya nito ng isang malinis na panyo. Mukhang nakita nito ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata
"Tatagan mo loob mo Angela." naaawang sambit ni Tyron sakanya
Tumango lamang siya bago niya pinunasan ang kanyang luha. Napasingha rin siya ng kanyang sipon dahil talagang umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Hindi naman sila napapansin ng mga tao dahil nakatutok ang atensyon ng mga ito sa mga ikinakasal
Nang matapos ang kasal ay natapos na rin sa pag-iyak si Angela. Pinagsawaan niyang tignan ang likuran ni Rohan kahit napakalayo nito sakanya.
Nagpalakpakan ang mga tao ng maghalikan na ang mag-asawang bagong kasal.
Nakatingin parin siya sa likuran ni Rohan habang pumapalakpak na rin ito ng simple para sa kapatid nito. Masaya siya dahil mukhang mag-kaayos na ang magkapatid.
Ngunit tila naramdaman yata ni Rohan ang pagtitig niya sa likuran nito dahil bigla itong napalingon sakanya!
Tumalon ang puso niya ng magtama ang kanilang paningin!
Hindi niya malaman ang kanyang gagawin kung iiwas ba siya ng tingin o hindi.
Saglit itong natigilan pagkakita sakanya. Kahit nasa bandang dulo siya ng simbahan ay alam niyang siya ang tinitignan nito sa mga sandaling iyon. Unti-unting naging seryoso ang gwapong mukha ni Rohan.
Kinabahan siya kaya siya na mismo ang naunang nag-iwas ng tingin sa binata.
"P-Pumunta na tayo Tyron sa reception" Sambit niya kay Tyron at kusa siyang napakapit sa braso nito dahil tila pinang-hinaan siya ng kanyang tuhod
"Ayos ka lang ba?" Inalalayan naman siya ni Buknoy
"O-Oo ayos lang ako. Tara na.."
Nakahawak siya sa braso ni Tyron habang naka-alalay naman ito sakanya habang papalabas sila ng simbahan. Kahit sinong makakita sakanilang dalawa ni Buknoy ay paniguradong iisipin na magkasintahan na silang dalawa.
Nakatingin parin si Rohan sakanya habang papalabas sila ni Buknoy ng simbahan. Ngunit hindi na niya ito tinignan pa.
Hindi na nagtanong si Buknoy kung bakit siya nagmamadaling mauna sa reception area na malapit lamang sa simbahan dahil alam niyang nakita naman nito ang naging reaksyon niya sa muling pagkikita nila ni Rohan.
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...