Chapter 22

2K 205 18
                                    

Chapter 22   

Hinaplos ni Rohan ang kanyang pisngi

"Tell me, Ako na ba ang gusto mo o siya parin?"

Halos mabinge siya sa lakas ng pag pintig ng kanyang puso habang itinatanong iyon ni Rohan sakanya 

Lalo pang nagwala ang kanyang puso ng salubungin nito ng isang masuyong pagtitig ang kanyang mga mata habang hinihintay nito ang kanyang isasagot

"Answer me.. Gusto mo na ba ako?" Tanong muli ni Rohan dahil ilang segundo na siyang hindi makasagot sa tanong nito

Napalunok siya ng lumapit pa ng husto si Rohan sakanya. Dahil matangkad ito ay halos mapasubsob siya sa dibdib nito habang nakatingala siya upang salubungin ang mga mata nitong masuyong naghihintay ng kanyang isasagot

May lusot pa ba siya sa pagkakataon na ito? Kung sa mga mata pa lang niya ay paniguradong nakikita na nito ang kasagutan sa tanong nito

Napakapit siya sa bandang dibdib nito

Napapayuko ito ng dahan dahan sakanya at halos wala ng espasyo ang namamagitan sakanilang mga labi

Kaunti nalang ay maglalapat na ang kanilang mga bibig

"Gusto mo ba ako?" Mahinang tanong nito sakanya na may hatid na kakaibang init sa kanyang buong katawan

Imbis na sagutin ito ay napaungol tuloy siya ng wala sa oras dahil sa matinding tensyon na idinudulot nito sa buong katawan niya

Nasasabik siyang magpahalik sa binata

Nasasabik siyang matikman muli ang matamis nitong mga labi na kung sumipsip ay talaga namang kay sarap sarap!

Nasasabik siyang aminin sa lalakeng ito na ito ang lalakeng nagugustuhan niya simula pa ng makilala niya ito.

"Uhmm-mm"

Napangiti ng kaunti si Rohan ng marinig nito ang munting pag ungol niya

"Babe hindi kita hahalikan hangat hindi mo sinasagot ang tanong ko sayo, Ako na ba o siya parin?" Seryosong tanong ni Rohan sakanya

Nararamdaman niyang nasasabik na rin itong sakupin ang kanyang bibig dahil napapalunok rin ito at napapakagat ng sarili nitong labi habang palipat lipat ang tingin nito sakanyang mga mata at kanyang bibig

"R-Rohan.. Ikaw ang gusto ko. Ikaw na ang gusto ko simula ng makilala kita--"

Hindi na nito pinatapos pa ang kanyang sinasabi bagkus ay sinakop na nitong ng buong kasabikan ang kanyang bibig ng mainit nito mga labi.

Sabay pa silang napaungol na pawang napaso sa mainit na labi ng isat isa. Para bang sumabog ang kagustuhan nilang makipaghalikan sa isat isa sa oras na nagdampi ang kanilang mga labi

Kapwa naglabanan sa pakikipaglaplapan ang kanilang mga labi.

He kissed her torridly

Passionately

And Intimately!

Para bang nais nitong higupin ang kanyang kaluluwa sa paraan ng paghalik ni Rohan sakanya kasabay pa ng mahigpit nitong pagkapit sa kanyang bewang

"Uhmm..."

"Uhg.." Ungol nito na mas lalo pang pinalalim ang paghalik sakanya at marahil nangangalay na ito sa pagyuko kaya naman binuhat siya nito ng walang kahirap hirap

Napakapit ang kanyang mga hita sa bewang ni Rohan habang ang dalawa niyang kamay ay ipinaikot nito sa batok nito.

Nararamdaman niya ang pang-gigigil ni Rohan sa paghalik sakanya lalo na't tumutugon rin siya ng may pananabik

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon