Chapter 26

2.1K 176 15
                                    

Chapter 26

Masayang naghahapunan si Angela at Rohan kasalo nila ang dalawang kasambahay ng bahay bakasyunan na iyon.

Maraming putahe ang niluto ng mga ito para sakanila. Mayroon prinitong manok, menudo at nilagang baka na saktong sakto sa maulan na panahon

Hindi tuloy sila nakapag langoy sa dagat ni Rohan dahil malakas ang ulan ng araw na iyon.

Minabuti na lamang nilang manuod ng movie kanina at tulungan ang mga kasambahay nila sa pagluluto ng kanilang hapunan

Napapansin niyang maya't maya ang pagtawag ni Rohan sa cellphone nito. Mukhang hindi ito mapakali at para bang namomoblema ito

"Excuse me" Tumayo muli si Rohan habang kumakain sila ng tumunog ang cellphone nito

lumayo pa ito sakanila upang hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng mga ito

Nagtataka na talaga si Angela sa kinikilos ni Rohan. Para bang may malaki itong problema ayon sa pagkakakunot ng nuo nito

"Hija kumain ka pa ng marami.." Alok sakanya ni Aling Cora

"Salamat po" Tinangap niya ang mangkok na nilagyan nito ng sabaw ng nilagang baka

Muntik niya pang mabitawan iyon dahil may kumalabog mula sa labas ng bintana. May sanga ng puno ang nilipad patungo sa bintana ng kusina mula sa hardin ng mansiyon.

Napahawak sila aling Cora sa dibdib ng mga nito dahil ninerbyos rin ang dalawang matanda. Napasign of the-cross pa si aling cora dahil sa pagkagulat nito.

Napakalakas naman kasi ng hangin sa labas

"Signal number two palang sa atin ngunit napakalakas ng hangin" Sambit ng matandang kasambahay

"Kaya nga ho eh. Mabuti nalang at hindi kami inabutan ni Rohan ng bagyo habang papunta kami dito. Kung hindi baka napahamak kami sa helicopter niya"

"Oo nga hija. Maraming salamat sa diyos at narito na kayo sa mansiyon bago pa man dumating ang bagyo"

Napabuntong hininga siya at lumingon sa kinaroroonan ni Rohan. Napapahagod pa ito sa buhok nito na para bang inis na inis. Halatang galit rin ito sa kausap nito.

Napakunot tuloy ang kanyang nuo.

Sino naman kaya ang kausap nito?

Nagpunas siya ng kanyang bibig bago siya tumayo upang alamin kung sino ang kausap ni Rohan sa cellphone nito at kung bakit ito nagkakaganoon

"Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal namin ni Angela. You have to do something. Maraming paraan!"

Napahinto siya sa paglapit kay Rohan ng marinig niya ang sinabi nito.
 
Napalunok siya

Tama ba ang narinig niya?

Kasal raw nilang dalawa?

Pinamulahan agad siya ng kanyang mga pisngi sa kanyang narinig. Ibig bang sabihin nagpaplano na itong pakasalan siya?

Dahil sa kanyang narinig ay hindi maiwasan ng kanyang puso ang dumagundong. Para na iyong lalabas mula sa dibdib niya dahil sa lakas ng pagtibok nito

"No. I can't wait for three days! Usapan natin bukas ng umaga kaya gawan mo ng paraan-- What? I don't care kahit may bagyo magagawan naman ng paraan--Hello? Hello?"

Napalakas na ang pagsigaw nito sa kausap nito dahil halatang inis na inis na ito.

"Damn it!" Halos nais na nitong ihagis ang cellphone nito ngunit napalingon ito sakanya

Agad itong umayos ng pagkakatayo ng makita nitong nakanganga siyang nakatulala sa likuran nito

"K-Kanina ka pa ba diyan babe?" Nauutal nitong tanong sakanya na halatang kinabahan

Tumango siya

"A-Anong kasal yung sinasabi mo Rohan?"

Ito naman ang napalunok bago ito napabuntong hininga. Mukhang wala pa itong balak sabihin sakanya ang plano nito

"Sir ready na ho ang cake" Singit ni Aling Cora sa likod nila. Mukang narinig rin nito ang narinig niya dahil sinundan pala siya ng matanda. Agad nitong kinuha ang cake na pina-gawa ni Rohan sa matanda para sakanya

Kinuha ni Rohan ang cake mula kay Aling cora. Isang slice lang iyon ng vanilla cake.

Lumapit si Rohan sakanya at mukhang susubuan siya nito ng cake habang seryoso ang gwapong mukha nito

"S-Sagutin mo muna ang tanong ko Rohan. Wala pa akong gana kumain ng cake sa ganitong sitwasyon"

Bumuntong hininga muna ito bago ito nagsalita

Hiniwa nito ang cake gamit ang tinidor at para bang may hinahanap ito roon.

Nanlaki ang kanyang mata ng may kumislap na isang diamond ring mula sa loob ng cake!

Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Rohan at sa diamanteng singsing

"I didn't plan it to turn out this way. Lahat ng plano ko hindi nangyari. I was going to ask you tonight..." Halatang malungkot ito habang nakatingin sakanya

Samantalang palakas naman ng palakas ang tibok ng kanyang puso. Hindi lang nito alam kung ano ang epekto ng ginagawa nito sakanyang puso sa mga oras na iyon

"A-Anong itatanong mo?" Nanginginig sa kabang tanong niya kahit alam na niya ang sagot sa kanyang tanong

Huminga ito ng malalim bago siya tinitigan sa kanyang mga mata.

"Katulad ng araw na nakilala kita, Hindi ko pinlano na mapaibig ako sayo. Wala sa plano kong mahalin ka Angela. Mas napamahal pa ako sayo ng makilala ko ang pamilya mo, Kung gaano mo sila kamahal at kung gaano ka kabuting anak at kapatid. Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng maganda kahit sa pangloob at panglabas na anyo. You're the love that i have been waiting for and you're the love that i will never gave up. Noong una akala ko naaawa lang ako sayo dahil sa ginagawa ni Rowan sayo. I don't want him to hurt you kaya nilayo kita sakanya. But the real thing is, I love you so much. Hindi ko kayang mapunta ka sa iba kahit sa kapatid ko pa. Kung kasalanan mang mahalin ka handa akong maging makasalanan--"

"Sir parang napanuod ko na iyan sa telenovela ha?" Di mapigilang sabat ng matandang kasambahay

Napangiti tuloy silang dalawa ni Rohan sa isat-isa.

Tumutulo na pala ang  mga luha nilang dalawa ng hindi nila namamalayan

Muling sumeryoso ang gwapong mukha ni Rohan habang nakatingin ng buong pagmamahal sakanyang mata

"Hindi ko pinlano na ganito lang ang magiging proposal ko saiyo. I'm planning to ask you with some fireworks tonight. Pero nagkaroon naman ng bagyo at nabuko mo pa ang plano ko. I guess you are the only girl na hindi talaga nagpapatuloy sa mga plano ko." Ngumiti ito bago nito kinuha ang singsing na punong puno ng icing

"Pero kahit hindi natutuloy ang plano ko, I know it will also turns out to be the best. Magiging maayos parin katulad nalang ng relasyon natin ngayon, hindi natin pinlano pero perpekto.."

Napakagat labi pa si Rohan dahil natatawa siya sa mga hirit nito. Pinipigilan nitong mapangiti dahil sa pagtawa niya.

"Babe i'm serious here" Napapangiti na ring sita nito sakanya

"Sorry hindi ko mapigilan." Pinipilit niyang hindi matawa dahil kasabay ng tawa niya ay ang kilig na nararamdaman niya

"I still want to ask you now, Dahil hindi na ako makakapaghintay pa ng ilang araw. I want you to be my wife as soon as possible. Nagagalit ako sa kaibigan ko dahil hindi daw niya magagawan ng paraan ang kasal natin bukas dahil sa bagyo--"

"Bukas agad?" Nanlalaking matang tanong niya

"Yes babe. I want to marry you tomorrow--"

"Sir akala ko ba mag-asawa na kayo?" Singit ulit ni Aling Cora habang napapaiyak na ito sa gilid nila

Sasagot sana si Rohan sa matanda ngunit inunahan niya ito

"Opo. Bukas mag-asawa na kami" Sagot naman niya kaya napatingin agad si Rohan sakanya at hindi ito makapaniwala sa sinabi niya

"Y-You mean--"

Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay nitong may hawak na singsing. Nanlaki ang mata ni Rohan ng dalhin niya sa kanyang bibig ang singsing na punong puno ng icing upang sipsipin iyon

Pati na rin ang dulo ng daliri ni Rohan ay nasipsip niya kaya napapalunok itong nakatingin sakanya

Nang matapos niyang sipsipin ang icing na nakapalibot sa singsing ay inilahad naman niya ang kanyang kamay kay Rohan

Bahagya parin itong nakatulala dahil sa ginawa niyang pagsipsip sa dulo ng daliri nito. Nakaramdam ito ng kakaibang init at kaligayahan

"Itanong mo na ang itatanong mo ang dami mo pa kasi sinasabi eh" Nakangising sambit niya kay Rohan kaya napangiti na ito

Agad itong lumuhod sa kanyang harapan

"Oh God. Angela, Will you marry me?" Nakangiti nitong tanong sakanya habang sinusuot na nito ang singsing sakanyang daliri

"Sinusuot mo na eh?" Natatawang sagot niya

Tumawa rin ito

"I love you Rohan. Yes na yes ang sagot ko!" Masayang pagtangap niya sa tanong nito

Niyakap niya ang binata habang nakaluhod ito. Sa sobrang tuwa niya ay muntik pa itong mawalan ng balance

"I love you more Angela." Mahigpit na yakap at mariing halik sa kanyang labi ang iginawad nito sakanya

Tuwang tuwa naman ang dalawang matanda. Kumuha pa ng kaserola at sandok ang dalawang matanda upang gawing tambol ang mga iyon.

Pina-ikutan sila ng dalawa, nagtatambol ang mga ito at sumasayaw sayaw pa habang naghahalikan sila ng buong puso ni Rohan

"Wooo congrats ma'am and Ser!" Pag-iingay nila aling Cora kaya mas lalo silang naging masaya ni Rohan

"Kahit hindi planado pero perpekto" Bulong niya kay Rohan pagkatapos ng kanilang halikan

Ngumiti ito at niyakap siya ng mahigpit.

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon