Chapter 12

1.8K 167 17
                                    

Chapter 12

Tatlong araw simula ng makalabas si buching sa hospital ay bumalik na rin muli si Angela sa kanyang pinagtatrabahuhang bakeshop.

Ngunit sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi na niya muli pang nakikita muli si Rohan. Hindi rin ito nagtetext man lang sakanya

"Baka bad breath ka neng?" Pang aasar na tanong ni Maylene sakanya ng mapansin nanaman nitong tulala siya. Naikwento na kasi niya rito ang huling pangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Rohan sa loob ng hospital room ni Buching. Katakot takot na tawa lamang ang naisagot nito sa mga ikinuwentk niya

"Grabe ka naman. Alagang toothpaste naman ako at gargle sis."

Tumawa ito "Eh bakit hindi na nagpakita pang muli si Rohan sayo pagkatapos ng paghahalikan niyo kuno?"

Napabuntong hininga siya

Hindi niya rin alam ang sagot sa tanong nito.

"E-Ewan ko ba don. Magsama sila ng kakambal niya." Nakangusong sambit niya bago niya padabog na nililinis ang counter

Wala pa kasi silang customer sa mga oras na iyon kaya malaya pa silang nakakapagdaldalan

Binigyan rin siya ng limang libo ng kanilang chinese na amo sa bakeshop tulong para daw sa kanyang kapatid. Nasabi niya kasi sa amo nila na nasagasaan ang kapatid niya noong nanghingi siya ng isang linggong emergency leave. Pumayag naman ito at may bonus pang limang libo

"Ang mahirap sayo hindi ka tumatambay sa social media. Di mo ba nabalitaan yung nangyari kay Rohan Hoffman?"

Agad siyang napalingon kay Maylene

"Ha? Anong nangyari?" Pilit niyang itinatago ang pag-aalala sa lalakeng iyon ngunit bakas na bakas parin sa kanyang mukha ang pag-aalala

"Mild car accident. Huwag kang OA ha? Hindi naman raw malala. Naapektuhan lang ang paa niya--"

"Ha?! Kailan pa? Hindi mo man lang sinabi sakin--"

"Sabi niya huwag ko raw sabihin sayo dahil mild lang naman" Nakangising sagot ni Maylene sakanya

"Nagkausap kayo?"

Tumango ito "Yeah. Ang kulit nga eh. Tanong ng tanong kung kamusta ka. Nakiusap kasi siya na huwag ko raw ipaalam sayo ang nangyari sakanya, nahihiya yatang humarap sayo habang nakawheelchair si pogi eh--"

"Naka wheelchair?! Di mo man lang sinabi sakin Maylene? My God--"

Naglakad siya pari-parito dahil sa tensyon na nararamdaman niya

"Bakit parang kasalanan ko pa?" Umarte pa si Maylene na para bang ginagaya nito ang sikat na linya ng isang sikat na actress. Lalo tuloy siyang nainis.

"Maylene naman. Alam mo naman pala kung anong nangyari kay Rohan bakit di mo man lang sinabi sakin--"

"Sabi niya ayaw niyang magpaalaga sayo. Kakatapos mo lang daw magbantay sa hospital kaya mapapagod kanaman daw kung babantayan mo siya. Ambisyoso nga siya sabi ko eh. Oh heto basahin mo nalang ang text namin"

Iniabot sakanya ni Maylene ang dipindot pang cellphone nito. Pareho sila ng cellphone ni Maylene. Sila nalang yata ang may de-keypad na cellphone sa panahon ngayon sa sobrang kuripot nilang magpinsan

Ang lakas ng tibok ng kanyang puso habang binabasa niya ang mga text messages ni Rohan kay Maylene

Rohan: Pls don't tell her about wt hppend to me

Maylene: Bakit naman? Malala ba lagay mo?

Rohan: No. It's not that bad. Ayoko lang magbantay siya sakin, kkatapos niya lang magbantay kay Buching. Please takecare of her.

Maylene: Anong napuruhan sayo? Baka magalit si Angela pag hindi ko sinabi sakanya. Hindi pa naman nanunuod ng balita ang babaeng yun

Rohan: That's better. Mas mabuti hindi niya malaman ang nangyari sakin. Thank you. Ikaw na muna bahala sakanya.

Maylene: Sigurado ka? Sige magpagaling ka salamat sa mga naitulong mo sa pamilya namin ni Angela

Rohan: Yeah. Salamat rin. Pls don't tell her

Nang matapos basahin ni Angela ang mga text messages ni Rohan kay Maylene ay agad siyang naghubad ng bakeshop cap at apron niya
 
"O saan ang punta mo?"

"Pupuntahan ko siya. Buong linggo siyang nagbantay kay Buching tapos kapag siya ang naaksidente wala man lang akong gagawin?"

"Sabagay. Sige kaya ko na mag-isa dito. Mag-ingat ka. Ako na bahala ka boss intsik!"

Nagmadali na siyang lumabas ng bakeshop ngunit bumalik siyang muli dahil nakalimutan niyang itanong kung nasaan hospital si Rohan

Itenext naman agad ni Maylene si Rohan kung saang hospital ito.

Rohan: I'm not in the hospital anymore.

"Sa tingin ko nasa condo na niya si Rohan. Naalala kong ibinigay niya ang calling card niya noon sakin kapag kailangan daw natin ng bagong trabaho."

Kinalkal ni Maylene ang loob ng handbag nito upang hanapin ang calling card ni Rohan

Naroon nakalagay ang business adress nito.

"Sabi niya noon sa penthouse ng kompanya niya siya nakatira diba? Oh heto ang address ng kompanya niya. Pumunta ka sa penthouse"

Ibinigay sakanya ni Maylene ang calling card ni Rohan. Agad niyang tinangap iyon at nagmamadaling lumabas ng bakeshop nila.

Mabuti nalang at mayroon agad dumaang taxi kaya naman hindi na siya nahirapan pa.

Pagkarating niya sa tapat ng napakataas na gusali ay napatingala siya.

Ito ba ang kumpanyang pagmamayari ni Rohan?

Napalunok siya at pakiramdam niya at nanliliit siya. Napakayaman naman pala talaga ng pamilya nito!

Muli siyang tumingala sa mahigit kumulang tatlongput-walong palapag na gusali. Kulay asul na madilim ang pintura ng gusali at napapalibutan iyon ng mga salamin. Moderno ang desenyo ng gusali na talaga namang angat na angat ang karangyaan

Halos lahat rin ng mga naglalabasmasok sa isang malaking revolving door sa pinakagitna ay mukhang mga desenteng tao at mga negosyante.

Ang mga taong iyon ay mga empleyado ng kumpanya ni Rohan. Hindi niya tuloy maiwasan ang mahiya sa kanyang suot suot na damit. Nakasuot parin kasi siya ng uniporme nila sa bakeshop dahil wala na siyang panahon para makapagpalit ng damit

Nilakasan niya ang kanyang loob. Pumasok siya at nakisabay sa mga taong naglalabas masok sa loob ng malaking gusali.

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil pakiramdam niya hindi kumpanya ang napasukan niya kundi isang magarang five star hotel.

Napalunok siya ng pagtinginan siya ng ilang mga tao na nakakapansin sakanya. Halos lahat ay may pagmamadali sa kilos at para bang may sariling LRT stations sa bandang gitna dahil doon itinatapat ng mga empleyado ang employees  ID ng mga ito para makapasok sa pinakaloob.

Kinabahan siya dahil wala naman siyang employees identification card dahil hindi naman siya nagtatrabaho doon
 
"Excuse me ma'am. Do you have any appointments?"

Bahagya pang nagulat si Angela ng may lumapit sakanya na isang guwardia. Naka-suot ito ng overall suit na kulay itim. Mas mukha itong agent kaysa guardiya dahil sa magandang uniporme nito

Napalunok siya. Tila englishero rin pala kahit guardiya sa kumpanyang ito?

"S-Sir pupuntahan ko lang ho si Rohan"

Bahagyang kumunot ang nuo ng guard sakanya.

"Rohan?"

"Rohan Hoffman po"

"Do you have appointment today with the big boss?" Mas kumunot pa ang nuo nito at pinatabi siya saglit sa gilid

Pinagtitinginan kasi siya ng mga empleyadong dumadaan sa gilid nila.

Lalo siyang kinabahan. Hindi niya akalain na ganito pala kahigpit ang security ng kumpanya ni Rohan

"W-Wala po."

"Sorry miss. You need to have an appointment--"

"Girlfriend niya po ako." Palusot niya kahit pikit mata niya lang iyong sinabi sa guard

Natawa naman ito ng may kasamang kaunting insulto sakanya. Pagkatapos ay tinignan siya nito mula sa kanyang suot na maruming rubber shoes hangang sa kanyang suot na uniporme ng bakeshop at sa kanyang medy magulong buhok.

"I'm sorry but you need to get outside--"

"Tawagan mo muna ang boss mo bago mo ako palabasin. Sabihin mo sakanya na gustong pumunta sa penthouse niya ang nobya niya. Angela Rodrigez ang pangalan ko"

Napabuntong hininga ito ng makita nitong seryoso siya. Maya maya pa ay may tinawagan na ito sa maliit na nakasabit sa bandang tenga nito

"May babae po dito boss, Nagpakilalang girlfriend niyo. She wants to talk to you. Her name is Angela Rodrigez--What? O-Okay boss"

Napalunok ang guard na kanina ay maypagkamayabang at minamata lamang siya. Ngunit ngayon ay para na itong isang maamong tupa

"M-Ma'am this way please. Ihahatid ko na po kayo sa penthouse"

Doon palang tila nabunutan ng tinik ang dibdib ni Angela. Napangiti na siya ng maluwang.

"Sabi sayo kuya eh!" Todo ngiting sabi niya bago siya sumunod sa guard papunta sa isang VIP elevator. Lahat tuloy ng mga empleyado ay nagtaka kung sino siya dahil doon siya pinasakay ng guardiya. Tanging mga VIP lamang ang maaring gumamit ng elevator na iyon.

Ang iba sa mga empleyado ay nagbulong-bulungan pa. Ngunit hindi na iyon mahalaga kay Angela. Ang mahalaga ngayon ay makakamusta na niya si Rohan!


 

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon